// Perpekto na tayo //

7 0 0
                                    


// Perpekto na tayo //

Ano ba ang kahulugan ng pagiging perpekto sayo?
Pagiging maganda/gwapo ba na nakakahalina
Pagiging mayaman ba na nabibili lahat ng gusto
Pagiging matalino ba sa lahat ng asignatura
Ang perpekto ba para sayo ay ang alam lahat ng bagay
Marunong magitara, kumanta, sumayaw at sumabay sa lahat ng bagay?

Hayaan mong isa isahin ko kung anong kahulugan ng pagiging perpekto
Kahit pa lahat sila'y bukambibig na "Walang perpektong tao dito sa mundo"

Ikaw? Perpekto ka na kahit na parang landingan ng eroplano ang iyong noo
Perpekto ka na kung ang ilong mo ay pango
Perpekto ka na kahit bungi ka pa
Perpekto ka na kahit mataba ka
Perpekto ka na kahit payat ka pa
Perpekto ka na kahit tinatawag ka pa nilang pader at sandalan sa kanilang mga problema
Perpekto ka na kahit bobo ka pa
Perpekto ka na kahit panget kang tatawa
Perpekto ka na kahit sobra ang iyong daliri
Perpekto ka na kahit may salamin ka sa mata
Perpekto ka na kahit duling ang iyong mga mata
Perpekto ka na kahit hindi ka nakakapagsalita
Perpekto ka na kung di mo alam lahat ng bagay
Perpekto ka na kahit ang boses mo pag kumakanta ay parang palaka
Perpekto ka na kahit para kang ginisa o robot kung sumayaw
Perpekto ka na kahit wala kang alam na laro na nilalaro ng karamihan
Perpekto ka na kahit di ka kagandahan
Perpekto ka na kahit hindi ka kagwapuhan
Perpekto ka na kahit hindi ka matalino
Perpekto ka na kahit nagkakamali ka
Perpekto ka na kahit lahat sila kinukutya ka
Perpekto ka na kahit lagi ka nilang konokompara sa iba
Perpekto ka na kahit akala mo may kulang sayo
Lahat tayo perpekto, di lang matanggap ng iba kasi lagi nilang nararamdaman na may kulang pa
Makontento ka lang sa isang bagay o katangian na meron ka Perpekto ka na

Lahat naman tayo gustong maging perpekto
Napakasimple lang naman
Ginagawa lang nating komplikado ang ating mga buhay
Perpekto ka na
Kaya wag ka ng humiling na sana maging ako nalang siya
Perpekto na tayo dahil bawat isa sa atin ay may taglay na kakaiba
Ginawa tayo ng Diyos na pantay pantay
Pero hindi magkakapareha
Pantay na kakaiba
Kaya sa nagbabasa wag ka ng mainggit sa taglay kong ganda
Perpekto ako, perpekto ka na😊

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now