"Kasi, most couple, especially showbiz couples, after breaking up, hindi na sila nag-uusap, hindi na sila nagkikita, they do not work together anymore. In our case kasi, we remained good friends," says Richard Gomez about working again with former girlfriend Dawn Zulueta.
Halos isang dekada na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Richard Gomez ang ABS-CBN, ang orihinal niyang mother network.
Ang mga huling proyekto niya sa Kapamilya network ay ang sitcom na Richard Loves Lucy (2001) at teleseryeng Your Honor (2002).
Ngayong taon, nagbabalik ang aktor sa pamamagitan ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Walang Hanggan, na magsisimula sa Lunes, Enero 16.
"I'm very happy sa pagbabalik ko sa ABS-CBN because I was given this project," sabi ni Richard nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.
Nangyari ito sa press conference ng Walang Hanggan kagabi, January 10, sa 9501 Restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.
Patuloy pa niya, "I really cherish the day na in-offer sa akin ito, pinakinggan ko 'yong istorya, sinabi ko kaagad, 'I'm all for it!'"
Nang ikuwento ni Richard kung paano in-offer sa kanya ang proyekto, nabanggit niya na isa sa mga nakapagkumbinsi sa kanyang tanggapin ito ay nang sabihin na si Dawn Zulueta ang makakapareha niya.
"Huwag na nating pag-usapan. I-tape na natin ito. Let's do this project right away!" sabi umano ni Richard kay ABS-CBN business unit head Deo Endrinal.
Dating reel- at real-life couple sina Dawn at Richard.
Isa sa mga hindi malilimutang proyekto nilang dalawa ay ang Hihintayin Kita sa Langit (1991).
Ang naturang pelikula at ang Walang Hanggan ay parehong base sa nobelang Wuthering Heights ni Emily Brontë.
Ayon kay Richard, hindi balakid ang kanilang nakaraan ni Dawn sa pagsasama nila sa mga acting project.
Aniya, "Alam mo, very unique 'yung friendship namin ni Dawn.
"Kasi, most couple, especially showbiz couples, after breaking up, hindi na sila nag-uusap, hindi na sila nagkikita, they do not work together anymore.
"In our case kasi, we remained good friends.