**HABANG BINABASA NIYO, SABAYAN NIYO NG GANITONG MUSIC: Christina Perri - A Thousand Years (Piano/Cello Cover) - ThePianoGuys
Richard and Dawn: Ikaw Lang Habambuhay Fan Fiction
Sa pagtatapos ng Walang Hanggan, hindi na muling nakapagusap sina Richard at Dawn. Walang texts o tawag. Pero isang gabi..
Nagtext si Richard kay Dawn.
Richard: It’s been awhile. :-)
Dawn: Yes! Kamusta na?
Richard: All is well. You know what, we can catch up this Friday? Dinner?
Dawn: This Friday? Sure.
Richard: Friday, 7pm. :-)
Normal. Yung palitan nila ng texts na ganyan, was just normal. Tulad lang ng dati.
Dumating ang Friday. Nasa restaurant na si Richard dahil ayaw magpasundo ni Dawn.
Nung dumating si Dawn sa restaurant na sinabi ni Richard, nagulat siya.
Nakita niyang naglalakad si Richard sa path na may paper bag candle lanterns,
dala-dala ang bouquet of flowers para sakanya.
Naka-ngiting bati ni Richard.
Richard: Hi. Flowers.. (at inabot niya ang flowers kay Dawn)
Dawn: Wow! This is too much para mag catch-up tayo.
Richard: You’re welcome..
Dawn: Ahahaha! (sabay palo sa left shoulder ni Richard) Pero, thank you! Thank you, Richard!
Richard: (napangiti ulit si Richard at inabot niya ang left arm niya sabay sabi) So, shall we?
Sabay silang naglakad papunta sa table na nasa dulo ng daan ng paper bag candle lanterns.
Habang naglalakad sila, medyo napaiyak si Dawn dahil noon naman ay hindi ganito si Richard.
Hindi umabot sa ganitong point na he would effort a lot para sa isang dinner.
Tinignan niya lang si Richard at sabi niya sa sarili niya, “You have changed, Richard.”
Pag dating nila sa table na napapalibutan ng mga bulaklak na nakabitin..
Richard: I will make sure, you’ll enjoy this dinner I prepared for you. (sabay ngiti)
Dawn: Wag mong sabihin pati kakainin natin, ikaw nagluto?
Richard: Basta.. (at ngumiti ulit)
At nagsimula na silang kumain. Tahimik ang paligid..
Nang biglang may sinabi si Dawn..
Dawn: Richard, thank you.. I don’t know kung ano meron pero, thank you. (sabay ngumiti)
Hindi tumingin si Richard kay Dawn at nakatingin lang sa kinakain niya
at napangiti nalang ito nang marinig ang sinabi ni Dawn.
Nang biglang tumingin si Richard kay Dawn..
Richard: Actually, kulang pa ‘to sa lahat-lahat nang nagawa ko sa’yo noon, Dawn. Kulang pa.
Biglang nawala ang ngiti ni Dawn at siya nama’y napatingin sa kinakain niya.
Sa pagkasabi ni Richard, bumalik kay Dawn lahat nang nangyari noon.
Ayaw isipin ni Dawn ulit pero pilit bumabalik nang mga nangyari noon.
Richard: You know, hindi ko man matandaan kung ano mga ginawa ko noon. I know one thing’s for sure. Tandang-tanda ko pa na sobra kang nasaktan at sobra din akong nasaktan, Dawn.
Wala pa ring imik si Dawn.
Nang napansin ni Richard na mukhang wala na sa mood si Dawn..
Tumayo si Richard, nilapitan si Dawn at inabot niya ang kanang kamay niya.
Richard: Pwede ba?..
Tinignan ni Dawn si Richard na parang nagugulahan at maluha-luha pa..
Dawn: Wala namang music..
Richard: Basta..
Tumayo si Dawn at sabay silang pumunta sa lugar
na napapalibutan ng petals ng bulaklak at paper bag candle lanterns..
Nang walang music biglang kumanta si Richard nang pabulong sa tenga ni Dawn.
Kinanta ni Richard ang ilang linya sa kantang Ikaw Lang ang Mamahalin..
“Kulang man sa 'tin itong sandali. Alam ko na tayo'y magkikitang muli..
Hangga't may umaga pa na haharapin..”
At huminto si Richard at tumingin kay Dawn..
..Ikaw lang ang mamahalin.”
Niyakap nang mahigpit ni Richard si Dawn..
Naluha si Dawn at hindi na napigilan ni Richard pero ito’y naluha rin.
Pagkatapos kumanta ni Richard, nag-hum siya ng kantang Ikaw Lang ang Mamahalin..
At sa pag-hum ni Richard, sila’y nagpatuloy sa pag-sayaw.
Habang sumasayaw..
Richard: Dawn, I’m sorry.. Alam kong huli na para mag-sorry ako pero..
Dawn: Tapos na yun, Richard. Wag na nating balikan. Nangyari na..
Hinawakan nang mahigpit ni Richard ang dalawang kamay ni Dawn..
Richard: Dawn, I’m so sorry.. (naluluhang pag-sabi ni Richard) gawin mo na lahat sakin. Suntukin mo ‘ko, sampalin! (inangat ni Richard ang mga kamay ni Dawn at pilit sinasampal ang sarili)
Dawn: Richard! Tama na..
Richard: I deserve this. Sinaktan kita noon. Saktan mo ‘ko ngayon.
Dawn: Ayoko. Hindi dahil sinaktan mo ako noon, sasaktan kita ngayon. Walang dahilan para gawin ko. Richard, nagbago ka na at nakita ko yun.You don’t deserve na saktan pa kita. (at hinawakan ni Dawn ang mga pisngi ni Richard)
Hinawakan ni Richard ang mga kamay ni Dawn habang hinahaplos ang kanyang mga pisngi..
Nang biglang bumuhos ang mga luha ni Richard..
Richard: I’m sorry.. (at patuloy na umiyak si Richard)
Pinunas ni Dawn ang mga luha ni Richard at sabay niyakap ito.
Pumunta sina Richard at Dawn sa isang bench malapit sa kinatatayuan nila..
Naunang umupo si Dawn at pag-upo ni Richard, inakbayan niya si Dawn.
Napa-rest naman si Dawn sa balikat ni Richard.
Dawn: Richard, everything was beautiful. Thank you.
Richard: This was all for you. Sana hindi ito yung huling dinner natin..
Dawn: Hindi yan, promise.
Ilang sandali din silang natahimik at ninamnam ang sandaling yun..
Richard: Dawn, remember this. Sinaktan man kita noon, mamahalin naman kita habambuhay. Hindi ako mawawala, Dawn. Hindi.
At niyakap nang mahigpit ni Dawn si Richard.