Nakatitig ako sa sala-salabid na kable ng kuryenteng tanaw mula sa bintana ng opisina kong nasa ikatlong palapag ng building habang nagkakape para mainitan ang sikmurang kanina pa nilalamig dahil sa maghapong pagkakaupo sa loob ng airconditioned na opisina. Iniisip kung saan ba nagmula ang mga kableng 'to at kung saan ba ito nagtatapos.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng malakas na lagabog. Si Jinky na naman. Palagi siyang nadadapa dahil sa linya ng teleponong nakabuyangyang sa gilid ng kaniyang mesa na hindi niya kailanman ginawan ng paraan.
Buti pa itong telepono. Nung mahulog merong sumalo, sa'kin wala, natatawang sabi ni Jinky habang hinahaplos ang nasaktang tuhod at kinukuha kay Gerard ang tumalsik niyang telepono.
Hirap kasi sa inyong mga babae, hilig niyo ma-fall kahit alam niyong wala namang sasalo, sagot naman ni Gerard. Nagtawanan silang lahat.
Buti pa si ma'am eh, sabi ni Arnel, sabay tingin sa akin. Never siyang na-fall. Di ba ma'am?
Biglang tumahimik ang lahat. Binasag lang ni Jinky ang katahimikan ng sagutin niya si Arnel ng, ikaw diyan ang ma-fa-fall sa silya mo kapag tinadyakan ka ni ma'am dahil sa mga pinagsasabi mo.
Hindi ko maiwasang matawa sa kalokohan ng mga batang ito pero hindi ko rin naman maiwasang pag-isipan ang mga pinagsasasabi nila, minsan.
------------------------------------
More stories:
●ILYS1892 BOOK REVIEW {COMPLETED}•SERENDIPITOUS LOVE (SAN VICENTE SERIES #1) (ON-GOING) [All about Tanod]
Check out my profile now! BonitaViancaFollow me on my accounts:
Facebook: Bonita Vianca WP
Wattpad: BonitaVianca
BINABASA MO ANG
Tatlong Piso para sa Limang Minuto
Short StoryAlam mo yung taong akala mo sya na talaga? Hmm. Totoo pala talaga yung katagang 'Pinagtagpo pero di Itinadhana'. ------------------------------------------------------- Disclaimer: ●Completed ●Not Original Story of Mine ●Short Story Original Author:...