IKAAPAT

658 10 0
                                    

Hindi ko pa masyadong naiintindihan ang nararamdaman ko noon. Sabi nga ni ermats, baka excited ka lang dahil ngayon ka lang naligawan.

Hiniling ni Marvin na magkita naman kami bago magsimula ang pasukan dahil baka daw maging sobrang abala na ako. Pinayagan naman ako pero kinailangan kong isama ang pinsan ko at isang oras lang ang taning ko.

Nagtungo kami sa playground, may mga swing pero wala ng mga bata dahil alas syete na ng gabi. Do'n kami naupo. Maliwanag no'n ang bilog na buwan na siya lang naming tinitigan.

Wala kaming masyadong napag-usapan. Parehas kaming nangimi. Parang mas marami kaming napag-uusapan sa loob ng limang minuto sa telepono kaysa sa isang oras naming paghaharap.

Sa palima-limang minuto naming pag-uusap ay naikwento niya ang kaniyang mga pangarap. Makapag-asawa at magkaroon ng ilang anak. Magkaroon ng maliit na talyer tulad ng kay erpats para buhayin ang kaniyang pamilya. Mabuhay ng tahimik at masaya.

Sa palima-limang minuto ay naikwento niya ang naging buhay niya, ang mga gusto niya, ang laman ng puso at isip niya.

Sa palima-limang minuto ay nasabi niya kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa babaeng nais niyang makatuluyan at kung paanong nakita niya daw sa akin ang lahat ng mga iyon.

Simple at masayahin, yun lang naman ang importante sa akin, wika niya.

Sa palima-limang minuto nabuo ang masasayang alaala ko nung summer ng 1998.

------------------------------
Follow me on my accounts:
Facebook: Bonita Vianca WP
Wattpad: BonitaVianca

Tatlong Piso para sa Limang MinutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon