IKALIMA

569 7 0
                                    

Nagsimula na ang pasukan at madalas ay gabi na ako nakakauwi galing Maynila. Mas pinili ko kasing mag-uwian kaysa magdorm. Dumalang lalo ang dati nang paminsanang pagkikita sa talyer gayun din ang aming pag-uusap sa telepono. Tuwing Biyernes at Sabado na lang siya tumatawag. Masyado akong naging abala at madalas humahanap pa ng mas pagkakaabalahan.

Hindi nagtagal ay tuwing Sabado na lang siya tumatawag hanggang sa kalauna'y hindi na siya tumawag pa.

Nauso ang cellphone at ang unli text. Nakuha niya ang number ko at muling nabuhay sa akin ang kung hindi ko man matawag na 'pagibig,' ay 'excitement.' Text ni Marvin ang una kong nakikita sa umaga at siyang nakakatulugan sa gabi na madalas ay may 'ga' sa bawat unahan o dulo.

Madalas na tanong niya'y ga, kumain ka na ba? Madalas ang sagot ko naman ay oo, kanina pa at madalas siyang nagsasabing ingat ka sa pag-uwi ga, na madalas ko namang sinasagot ng ikaw din tc. Kinalauna'y ang kaniyang matamis na pagsuyo ay nagbunga ng aking pagkaumay.

Unti-unti ay namatay na naman ang aking kung hindi man matawag na 'pagibig,' ay 'excitement.' Madalang ko na sagutin ang mga text niya dahil mas naging excited ako sa buhay sa Maynila. Buhay Maynila na unti-unting lumamon sa akin.

Sa Maynila hindi na ako middle class. Isa lang ako sa libo-libong nakikipagsapalaran. Nag-aral, nagtapos, nagtrabaho. Nanggamit at nagpagamit sa mga tao at kumpanya, sa alak at pagibig. Sa pagkakataong ito'y madali na akong abutin, pero ang mga pangarap ko naman ang hindi.

------------------------------
Follow me on my accounts:
Facebook: Bonita Vianca WP
Wattpad: BonitaVianca

Tatlong Piso para sa Limang MinutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon