IKAANIM

547 7 0
                                    

Sinarado na namin ang talyer para maipahinga naman ni erpat ang katawang hindi na kayang magbuhat pa ng mabibigat kaya't lalong lumiit ang dati nang makitid na tsansa na magkita kami ni Marvin. Wala na akong nabalitaan pa sa kaniya. Di ko alam kung nakahanap siya ulit ng trabaho o kung saan man siya napadpad. Hindi siya nagparamdam. Hindi ko rin naman siya hinanap.

Ilang buwan ang nakalipas ng makatanggap ako ng text mula sa kaniya na 'ga' lang ang laman. Kasabay ng pagdating ng text na iyon ang pagdagsa ng sandamakmak na deadline sa trabaho. Oras, araw at taon ang lumipas ay hindi ko na siya nareplyan pa.

Nauso na ang fb at dumami ang 'friends' ko rito, kakilala ko man o hindi. Hindi ko alam kung bakit pero sinubukan kong hanapin siya sa fb, marami siyang kapangalan pero tiyak kong hindi siya ang kahit isa sa mga iyon. Hinanap ko ang pangalan ng kuya niya sa pag-aakalang matutunton ko siya sa pamamagitan nito pero hindi ko talaga sila natagpuan.

Inisip kong itext siya pero di ko alam kung ano ang sasabihin. Kumusta ba?

Tinext ko siya pero hindi siya nagreply. Tinawagan ko ang numero niya pero hindi na ito makontak pa.

Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ko ba siya hinahanap. Kung minahal ko din ba siya o naging excited lang talaga ako noon. At kung excited lang pala ako, ano ba ang hindi ko sa kanya minahal, siya ba o ang estado niya sa buhay o ang mga pangarap niyang parang sobrang simple sa naging komplikado kong pag-iisip? Pag itong mga ito na ang tumatakbo sa isipan ko ay humahanap na ako ng mapagkakaabalahan. Hindi dahil ayaw kong hanapin ang mga sagot sa mga tanong ko kundi ayaw kong aminin sa sarili ko na matagal ko ng natagpuan ang mga sagot sa mga paulit-ulit kong itinatanong.

------------------------------
Follow me on my accounts:
Facebook: Bonita Vianca WP
Wattpad: BonitaVianca

Tatlong Piso para sa Limang MinutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon