Huling text na natanggap ko mula sa kaniya ay 'malakas 'tong bagyo, lilikas kami. Ingat ka diyan ga.' At mula noon ay hindi na kami nagkausap pa. Text man o tawag. Ilang beses ko pa siyang sinubukang tawagan pero hindi ko na siya nakontak pa.
Tuwing naiinis ako noon kapag panay ang pagtetext niya sa akin ay palagi kong natatanong sa sarili kung bakit ba niya ako kinukulit at kung bakit ba hindi na lang siya maghanap ng ibang kukulitin? Inaantay niya ba ako gayong wala naman akong kahit anong ipinangako?
Pero ngayong hindi ko na siya mahagilap pa ay tinatanong ko naman ang sarili ko kung bakit ako patuloy na nag-aantay gayong wala naman siyang sa akin ay ipinangako.
Sa ilang taon kong pagtatrabaho dito at pamamalagi sa opisina ay tila walang humpay ang pagdami ng sala-salabid na kable ng kuryente. Parang taon-taon ay nadaragdagan pa ito. Dumadami ang mga linyang pinagmumulan ng mga palaisipan ko sa tuwing ako'y nagkakape dahil nilalamig ang sikmura ko. Mga linyang hindi ko alam kung saan nagmula at hindi ko rin alam kung saan nagtatapos.
At sa ilang taon ko dito sa opisina ay patuloy ko pa ring naririnig ang paminsanang lagabog ng tuhod ni Jinky na tumatama sa sahig tuwing nadadapa siya dahil sa nakabuyangyang na kable ng telepono sa gilid ng kaniyang mesa na kailanman ay hindi niya talaga nagawan ng paraan.
------------------------------
Follow me on my accounts:
Facebook: Bonita Vianca WP
Wattpad: BonitaVianca
BINABASA MO ANG
Tatlong Piso para sa Limang Minuto
Short StoryAlam mo yung taong akala mo sya na talaga? Hmm. Totoo pala talaga yung katagang 'Pinagtagpo pero di Itinadhana'. ------------------------------------------------------- Disclaimer: ●Completed ●Not Original Story of Mine ●Short Story Original Author:...