IKATLO

769 12 0
                                    

Walang telepono sa inuupahang bahay nila Marvin. Nagpapaalam siya sa kuya niya na magpapahangin lang at magsosoftdrinks sa labas pero imbes magsoftdrinks ay pupunta siya sa phonebooth para tumawag sa akin. Tatlong piso kada limang minutong tawag. Tatlong piso para magkaroon kami ng pagkakataong makapagusap. Takot siyang kausapin ako sa harap ni erpats, malamang di ba? Mula nga nung malaman ni erpats na siya pala yung tumatawag kapag bandang alas nuwebe na ng gabi ay hindi na niya ako kailanman inutusan pang maghain ng meryenda.

Masaya ako kapag kausap ko si Marvin at gaya niya, bumibilis din ang tibok ng puso ko. Gaya niya, hindi rin ako agad nakakatulog matapos naming makapag-usap kahit pa limang minuto lang iyon.

Nararamdaman ko ang init ng pisngi at tainga ko kapag sinasabihan niyang gustong-gusto niyang marinig ang boses ko, lalo pa 'pag sinasabi niyang gustong-gusto niya ako.

May ilang beses din na parang nawindang ako ng banggitin niya ang mga katagang mahal kita dahil hindi ko alam ang isasagot. Kaya kailanman ay hindi ko ito nasagot. Isa pa, sa pagkakaalam ko ay hindi naman ito tanong.

------------------------------
Follow me on my accounts:
Facebook: Bonita Vianca WP
Wattpad: BonitaVianca

Tatlong Piso para sa Limang MinutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon