© 2012 by Jazawesome. All rights reserved
Nalagay ako sa isang sitwasyon na hindi ko naman inaasahan
Napunta ako sa isang pangyayari na wala man lang akong kaalamalam
Pano nga ba nangyari ang lahat? Paano nga ba ako napasok sa isang sakuna na makakapagpabago ng buhay ko?
Ako si Pariz Lopez. Isang sikat na fashion designer and a ramp model around the globe.
May isang invitation akong natanggap galing sa isang TV company kung saan iniimbitahan nila akong sumali sa isang show nila na pinamagatang "THE INTERVIEW"
Naririnig rinig ko na sa ibang tao kung ano tong show na to dahil sikat ito sa bansa ngayon, eto daw kasi yung papasok ka sa isang bahay tapos may makakasama kang isang tao, either babae o lalaki tapos magtatanong ka daw sakanya ng mga bagay na hindi pa alam ng mga tao, mga walong tanong
sakatunayan madali lang ito kasi may time limit, dalawang buwan lang pero sa tingin ko mahaba na ang isang buwan kaya sigurado namang magagawa ko to
Ang mga premyo ay naaayon sa mga taong kasali dito pero hindi ko pa alam kung anong premyo ngayon at kung sino ang makakasama ko, basta pag tinatanong ko ang mga kaibigan ko kung sasali ba ako ang tanging sagot nila ay "oo, masaya kaya yan"
December 8 20** 9:20 pm
Nandito na ko ngayon sa harap ng isang bahay, dito kasi gaganapin yung opening mamaya para sa show na sasalihan ko at mamaya ko na rin makikilala yung makakasama ko
nandito muna ako sa loob ng isang SUV dahil ito yung sumundo sakin kanina sa condo at katulad ng mga ibang game show, nakapiring ang mga mata ko
"Maam tara na po"
naramdaman ko naman na may humigit sa kamay ko at dahan dahan akong inalalayan palabas ng SUV
kakababa ko palang pero narinig ko na ang sigawan ng mga tao na nag-aabang para sa game show na ito
"At ngayon ipinakikilala ko ang dalawa sa mga elite superstars na hinahangaan natin lahat na sasabak sa ating game show, may we call on Ms. Pariz Lopez and Mr. ************"
Sa sobrang ingay ng tao hindi ko na narinig kung sino yung kapartner ko pero narinig ko yung part na Mr. so lalaki ang makakasama ko?
BINABASA MO ANG
The Interview
AdventureDahil sa isang interview nagbago ang takbo ng buhay ko. Dahil sa isang interview may maaalala ako sa nakaraan na matagal ko nang kinalimutan. Dahil sa isang interview natuto ulit akong masaktan.