Chapter 15 "The Robot Girl's Tears"

46 3 1
                                    

 CHAPTER 15

-Movie-

3rd person

Nagmamadali sa Zeth na puntahan si Kean sa bahay nito dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa kanya.

Ngunit pagkarating nito sa may garden ng bahay nila Kean ay nanibago ito sya sa kanyang nakita. Nagmistulang halloween garden ang itsura nito. Madilim ang paligid at nakbalot ng tela ang lahat ng nasa paligid pati na din ang mga upuan at lamesa sa garden na ito.

Biglang nakaramdam ng inis ang dalaga dahil pakiramdam nito ay isa na naman ito sa mga prank ni Kean.

Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil buong akala nya ay magkakaayos na sila ng binata ngunit ngayon ay tila pinagtritripan na naman sya nito. Kaya pinili nyang umalis na sa lugar na iyon bago pa siya makita ni Kean.

Ngunit pagkatalikod nya ay laking gulat nya ng makita ang binata. Dahil dito ay muntik na syang matumba kung hindi lang sya nasalo kaagad ng binata.

"Aalis na ako. Bitiwan mo ako," masungit na sabi ni Zeth ngunit hindi makatingin ng diretso sa kay Kean.

Hindi kumilos si Kean o nagsalita hanggat hindi tumingin sa kanya si Zeth.

Nang tumingin ng masama sa kanya si Zeth ay ngumiti ito. "Bakit hindi mo ako matitigan?"

"Nakakainis ka alam mo iyon Kean. Kaya bitawan mo ako. Hindi lahat ng prank nakakatuwa. Kaya tigilan mo ako," at dahil doon pilit na kumawala ang dalaga sa bisig ng binata pero hindi nito magawa.

"Hindi kita niloloko. Seryoso ako noong niyaya kitang magdinner dito sa amin"

"Talaga lang ha. E, panghalloween kaya ang garden nyo ngayon. Sinong maniniwala sa'yo?"

"Takot ka sa multo?" nagtatakang tanong ni Kean.

"Hindi no"

"Talaga? Bakit umuurong ka?"

"Hmmm" sabi ng binata na tila hindi ito kumbinsido sa sinabi nya.

"Hindi nga ako takot sa multo"

At biglang tumingin ito sa gilid nya kaya sya napasigaw ng malakas.

Tawa ng tawa ang binata dahil sa ginawa. Itinaas nya kasi ang ginawang multo na may nakakatakot na mukha.

"Yabang mo talaga" naiinis na sabi ng dalaga. At akmang aalis na ng pigillan ni Kean sa kamay.

Hinila nya ito papunta sa may lamesa na nababalutan din ng puting tela.

"Kung ano man ang nasa loob nyan. 'Wag mong bubuksan. Hindi nakaktuwa"

"haha. Kala ko ba hindi ka takot"

STORY NG BITTER NA WRITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon