CHAPTER48

19 2 0
                                    

Makalipas ang one week ready to publish na ang ginawa ni Zoey. Minadali ni Harry ang lahat para mapublish ito as soon as possible. Tuwang tuwa naman si Mr. Sy ng mabasa ang ginawang story ng anak. Sobra siyang natouch because the story tells about his lovestory. Hindi niya inaasahan iyon. Maiyak iyak pa niyang nayakap ang tinuturing na anak.


"You really made me happy. I don't know how I'll give thanks to you," sabi ni Mr. Sy habang yakap yakap ito.


"No need. I'm the one who should thank you for taking care of us like your own," nakangiting sabi ni Zoey.


"Oh. Did I miss something?" Singit ni Harry na kararating lang. May dala itong flowers Na agad inabot kay Zoey. "Congrats."


"Thank you." Sabi naman ni Zoey.


"Okay I think I have to go now. Harry take good care of Zoey And drive her home. Zoey I'm sorry I have a meeting to catch up."


"It's okay dad. Take care,"


"I will," at nagpaalam na si Mr. Sy.


"Shall we?" Sabi ni Harry habang inooffer ang braso nito kay Zoey.


"Pormal mo," natatawang sabi ng dalaga.


"Dapat lang. You heard dad. I need to take care of you and drive you home."


"No I have my car."


"Then my assistant will take care of it."


"But—" hindi na natuloy ni Zoey ang sasabihin ng biglang sumingit si Harry.


"You know I won't take buts. I'll find my ways. So Zoey don't try to resist all my efforts."


"Ayaw mo talagang magpatalo no."


"Haha. Syempre ikaw susukuan ko? Never. I'll fight for you." sabi ni Harry sabay kindat sa dalaga.


Napailing na lang si Zoey sa inakto nito at sa sinabi nito.


ZOEY'S POV


Pagdating sa parking lot nagulat ako ng makita si Cyrus sa tabi ng kotse ko. Hindi ko inaasahan na susunduin ako nito ngayon.


"Zoey." Tawag ni Cyrus na nakatingin kay Harry.


"Anong ginagawa mo dito?" galit na sabi ni Harry.


"I'll take her home," kalmadong sabi ni Cyrus.


Napapikit naman ako ng mariin dahil sa narinig. Ito ang iniiwasan kong mangyari. Ang magkita si Harry at Cyrus at malaman ni Harry na ayos na kami ni Cyrus.


Humarap ako kay Harry. Nakita kong nakatingin din ito sa akin.


"Nagkaayos na kayo?" Hindi makapaniwalang sabi nito.


Hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kung pano ko iyon ipapaliwanag ng hindi siya nagagalit sa akin.


"Why?! He hurt you Zoey! Nakalimutan mo na ba? Anong kabaliwan ito at napagkatiwalaan mo siya ulit!"


"Matagal ng tapos iyon. Kaya dapat ng kalimutan." Ang tanging nasabi ko.


" i don't get you." Sabi nito at biglang umalis sa tabi ko.


ako naman naiwan na parang tuod dito sa kintatayuan ko. Napabuntong hininga na lang ako. Naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ni Cyrus.


"Let's go," yaya nito.


Tumango ako at sumama dito. Hindi na rin kami nag usap sa byahe dahil alam naman ni Cyrus na ayaw kong pag usapan ang nangyari kanina.


- - - - - -



ZOEY'S POV


After 3 days hindi pa rin kami nag uusap ni Harry. Tuloy na tuloy pa rin ang pagpublish ng libro ko. Marami na ring reporters ang gustong mainterview ako. Ang dami ko ding emails sa official site ko. Sobrang busy ko today ng tumawag si Dad at nagyayang maghorseback riding bukas.



"May gagawin ka bukas?" Tanong ko kay Viz ng ountahan ko ito sa kusina. busy itong gumawa ng lunch namin.


"Hindi bakit?"


"Maghohorseback riding kasi kami bukas. You know family bonding"



"What? Ayoko! Alam mo namang nandoon ang asungot mong kuya," reklamo ni Viz.


"Viz wala akong kasama and dad invited you," nagmamakaawang sabi ko dito. Ayoko din pumunta mag isa doon kasi galit sa akin si kuya Hans and Harry. Magiging awkward ang lahat."Please."


"Okay fine but in one condition."


"Ano iyon?"


"Magsasama ako ng isa."


"Ha? Sino?" Nagtatakang sabi ko. Sa pagkakaalam ko wala itong dinadate ngayon kaya nagtataka ako kung sino isasama niya.


"Sikreting malupit" tatawa tawa niyang sabi.


"Tsk. Sige basta sumama ka bukas."


"Yehey! Sure! Kokontakin ko na siya. I'm so excited," sabi nito at nagtatakbong pumunta sa kwarto niya.


Napailing na lang ako.


"I think I should invite him too," sabi ko sa sarili at kinuha ko ang cellphone and dialled his number.










STORY NG BITTER NA WRITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon