Chapter 40

17 3 0
                                    

CHAPTER 40

HARRY’S POV

11 pm ng umalis si Steven. Naiwan ako para bantayan si Zoey. Natutulog na si Zoey at busy akong tinititigan ito ngayon ng may istorbong kumakatok.

“Wait lang,” sabi ko ng hidni pa rin ito tumigil sa pagkatok.

Hehe. Nilock ko kasi ang pinto para walang istorbo.

Nang buksan ko ang pinto bumungad agad sa akin si Blake.

“Anong ginagawa mo dito? Tapos na ang visiting hours at tulog na si Zoey,” iritang sabi ko dito.

“Blake?” narinig kong sabi ni Zoey. Napalingon kami parehas dito.

“Hi Zoey. Buti gising ka pa?” sabi ni Blake.

Hindi sumagot si Zoey at tumingin sa akin. Napilitan tuloy akong papasukin ang lalaking ito. May dala itong pagkain na inilagay sa table.

“Kumusta? Kumain kana ba?” nakangiting sabi ni Blake kay Zoey.

“11pm na. malamang kumain na siya. Patulog na nga siya kung hindi ka lang nang-istorbo,” sabi ko dito.

“It’s fine. Masyadong napahaba ang pahinga ko. Hindi na ako makatulog,” sabi naman ni Zoey.

“Sure. Ang lalim ng mga mata mo. Umiyak ka ba?” –Blake.

Umiling si Zoey. “Of course not.”

Well, I know that’s a lie. Geez Bakit hindi ko ba napansin kanina na umiyak ito at hindi dahil sa nanghihina lang ito kaya malalim ang mga mata nito.

“Okay. Sorry ngayon lang ako nakapunta. Busy kasi sa premier night kahapon tapos sa mga interviews ngayon. Ayaw akong paalisin ni Maddy hanggat hindi pa tapos,” nakangiting sabi ni Blake habang hawak hawak ang kaliwang kamay ni Zoey.

Naiinis ako. Kasi parang wala ako sa kwartong ito sa paraan ng pag-uusap nila.

Bigla akong lumapit at inalis ang kamay ni Blake na nakahawak sa kamay ni Zoey.

“You need to sleep. Sabi ng nurse kanina kailangan bumawi ng pahinga iyang katawan mo para gumaling ka agad,” sabi ko kay Zoey.

“Okay. Bukas na lang tayo magkwentuhan Blake.”

“Sige sleepwell. Goodnight. I’ll stay here tonight.”

Tumango lang si Zoey at pumikit na para matulog.

Maklipas ang ilang minuto ng masiguro ko ng tulog si Zoey hinarap ko si Blake.

“Anong ginagawa mo pa dito? You can leave now,” iritang sabi ko dito. He can’t be serious of staying here tonight, right?

“Magbabantay ako kay Zoey ngayon,” kampanteng sabi nito.

“Seriously? Talagang sasabayan mo pa ako?”

“Hindi ko alam na ikaw ang magbabantay ngayon.”

“Tsk.”

He smirk at inilapit ang upuan nito sa kaliwa ni Zoey at doon sa kama ni Zoey ipinatong ang ulo. Kaya napilitan akong pumunta on the other side.

Hindi ako magpapatalo dito. ‘yun pala ang gusto niya. Inisan, ha. Pwes. I never loose on any game.

-          - - - - - - -

STEVEN’S POV

“Oh natulog ba kayo kagabi?” tanong ko pagkapasok ko sa kwarto ni Zoey at nakita ang dalawa dito na naalimpungatan yata dahil sa pagpunta ko.

STORY NG BITTER NA WRITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon