Chapter 41 "The Supporting Actor"

21 3 1
                                    

CHAPTER 41 “THE SUPPORTING ACTOR”

BLAKE’S POV

-DREAM-

“Zoey!” tawag ko dito. Takbo ako ng takbo para mahabol ko lang ito. Nakawhite dress ito at parang hindi naririnig ang pagtawag ko.

 

Hinahabol ko pa rin ito and finally nahawakan ko din ang kamay nito. “Zoey” tawag ko ulit dito.

 

Humarap ito at ngumiti. “Corn My superhero!” masayang sabi nito.

 

Napangiti na rin ako. Napakaaliwalas ng mukha nito. parang bumalik ang dating Zoey na masayahin at hindi iyong stiff na tulad ngayon.

 

“Where are you going?” nagtatakang tanong ko dito. Kasi parang may hinahabol ito kanina.

 

Ngumiti ulit ito na abot hanggang mata niya na parang sobrang saya niya. “Sasamahan mo ako?” tanong nito.

 

“Saan?”

 

“Sa kaligayahan ko,” simpleng sabi nito at hinila ako nito sa direksyong pinupuntahan niya kanina. sabay kaming tumakbo papuntang gubat. Habang ako masayang pinagmamasdan ito.

 

How I miss this kind of Zoey?

 

Tapos biglang dumilim ang kalangitan at namalayan ko na lang na nasa gitna na kami ng kagubatan.

 

Biglang yumakap si Zoey sa akin sa sobrang takot. Ang lakas ng hangin at parang may nagbabadyang panganib sa buong paligid.

 

“I’ll protect you,” sabi ko dito habang nagmamatyag sa buong paligid.

 

“I know,” sabi nito habang nakatitig sa mata ko.

 

Hanggang sa may nakita kaming anino sa harapan. Niyakap ko ng mahigpit si Zoey at hinanda ang sarili sa taong paparating. Makalipas ang ilang sandali luminaw na ang kabuuan nito. Humarap si Zoey para tignan kung sino ang lumabas.

 

Naramdaman ko ang pagkalas ni Zoey sa yakap ko. Hanggang sa nakita kong yumakap si Zoey sa taong iyon.

 

“Thank you at dumating ka,” sabi ni Zoey kay Prince.

 

Habang ako naistatwa sa kinatatyuan. Gumanti rin ng yakap ito kay Zoey. Sa paningin ko ang nakikita ko lang ay ang likod ni Zoey at ang mukha ni Prince.

STORY NG BITTER NA WRITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon