Chapter 12
Hindi ko na maalala kung ano pa yung mga sinabi ko kagabi. Pagkagising ko kaninang umaga ay nandito na ako sa condo ko at wala akong ideya kung paano ako nakauwi.
Ano pa kayang mga nasabi ko Dino?Bakit naman kasi ako naglasing?!?
Nang mapatingin ako sa oras ay 7 na ng umaga. Nagmadali na ako sa pagligo at tumakbo na ako papuntang restaurant dahil late na ako. Na-late na ako ng 5 minutes pero hindi naman iyon nahalata ng manager.
Agad na akong nagbihis ng uniform ko. Napansin kong bago na ang uniform ko. Hindi na yung katulad nung suot ko kahapon na maiksing skirt. Pagkatapos kong magbihis deretso kaagad ako sa trabaho. Medyo nahirapan ako sa pagtratrabaho dahil nakakaranas pa rin ako ng hangover. Buti na lang at hindi gaano marami ang customer ngayon.
Lumipas na ang isang buwan at meron daw magaganap na inventory bukas. Bibisita rin dito bukas yung may ari ng restaurant kaya naman OT daw kaming lahat ngayon.
Isang buwan na rin ang nakalipas ng umalis ako sa bahay. Paubos na rin yung budget na winithraw ko. Buti at sumuweldo na ako kahapon. Yung mga pinaghirapan ko nagbunga na.
Hindi ko na masyado nakakausap at nakikita sa Cassy sa tuwing magkikita kasi kami parang merong sumusunod sa amin. Hindi na rin kami nag-uusao sa phone dahil baka ma-trace yung location ko. Halos one month ko na ring hindi binubuksan yung cellphone ko.
Mga 8 na ako nakauwi sa condo. Nakakapagod ang araw na ito. Bagsak ako sa kama ng pagdating ko. Buti nga't nakayanan ko ang trabaho ko. Hindi ko akalain na tatagal ako sa trabaho ko ng ganito.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Paggising ko as usual nanaman pero ngayon medyo nagmamadali ako dahil late na ako....Ligo. Inom ng kape..tapos pasok na sa trabaho...iyan na ang everyday ko.
Pagdating ko ay may nakita akong nakaparking na kotse. Marahil ay dumating na nga ang may ari nitong restaurant.
Pero teka...bahagya napatagilid ang ulo ko at pinagmasdan ko munag maiigi yung kotse...para kasing pamilyar sa akin eh...
Hindi bale na nga..pumasok na ako sa loob at deretso ako sa staff room. Nagbihis kaagad ako. Paglabas na paglabas ko ay agad akong tinawag nung manager. Ang sabi nung manager ay ihatid ko na raw ang coffee nung may ari nitong restaurant.
Sinunod ko naman sila. Hinatid ko yung coffee.Nakatalikod sa akin yung boss.
"Uhmm..sir ito na po yung order niyo."Sabi ko.
"Just leave it there."Sagot naman nung may ari ng restaurant. Inilapaga ko naman yung kape sa lamesa.
Wait lang, parang pamilyar yung boses niya ah. Sa tingin ko narinig ko na somewhere. Hindi kaya....
Lumingon yung may ari ng restaurant. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ito...Nanlaki ang mga mata ako. Tama nga ako...It's Nate Lerman. So si Nate ang BOSS?
YOU ARE READING
That Kind Of Love Is Fake
Teen FictionAlmost perfect but worthless! That's how her parents treat her... Para sa magulang niya she never did something right kaya namam never siyang nakapagdecide para sa sarili niya... Hanggang sa dumating sa puntong pati yung taong mamahalin niya ay desi...