(A/N: WARNING!Para sa mga hindi pa nakakabasa ng It Was A Deal maaari kayong ma-spoil. Anyways, thanks for reading.)
EXTRA BONUS CHAPTER
Aliona's P.O.V.
Nag-aalala na ako kay Sage at kay Shei. Bihira na lang kasi kami makauwi sa bahay nitong si Nate.
Mas lalo akong nag-aalala kay Sage dahil maraming nagsasabing bakla daw siya dahil wala siya g girlfriend.
"Honey, huwag mo ng isipin si Sage at Shei. Malalaki na sila kaya na nila sarili nila."Sabi ni Nate habang busy na nanonood ng soccer.
"Iyon nga ang pinag-aalala ko eh. Malalaki na sila at hindi magtatagal iiwan na rin nila tayo."Naiiyak nanaman ako.
Kinuha ni Nate ang remote at pinatay ang t.v. Nakangiti siyang lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likod.
"Kung nag-aalala ka gusto mo bang-"Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil alam ko na kung anong tinatakbo ng kanyang isip.
Pinagpapalo ko si Nate. Pilit namam niya akong pinipigilan.
"Diyan ka na nga!"Nag-martsa ako papunta sa kuwarto namin ni Nate.
Ang ganda talagang pakinggan ng salitang namin. Namin. Namin. Namin. Namin.
Naupo ako sa gilid ng kama ng maalala ko yung camera. Tama!Yung camera!Agad akong tumayo para hanapin sa cabinet ang camera. Sa wakas nakita ko na!
Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama. Binuksan ko ang camera at full charge naman ito. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Sage at ni Shei na magkayakap.
Matagal-tagal na rin ang pictur na ito. Maliit pa silang dalawa. Masaya nga akong may dumagdag na sa pamilya namin at iyon naman ay si Topher na anak ni Shei.
Medyo nagkaroon nga lang ng problema sa tatay ni Topher. Sana nga ay magkaayos sila. I want my daughter's happiness. Naiintindihan ko rin ang desisyon niya pero alam kong kahit masaya siya ay nasasaktan siya somewhere deep inside.
As I scroll down nakita ko yung video ni Sage at ni Nate na nanonood ng horror habang kasama nila si Shei.
Flashback
"Sage kapag hindi mo ito kayang panoorin ibig sabihin bakla ka!"Hamon ni Shei kay Sage.
Nandito ako sa kusina at naghahanda ng meryenda ng dalawa.
"Hindi mo naman mapapatunayan ang isang bagay ng dahil lang diyan. Umalis ka na lang kasi diyan dahil matatapos na yung laro."Sagot naman ni Sage.
Gustong manood ni Sage ng soccer pero ayaw ni Shei ng soccer gusto niya ng k-pop.
"Meron naman kayong sariling tv sa kuwarto niyo kaya bakita pa kayo nagtatalo."Pag-papaalala ko sa kanila. Meron na nga silang tv sa kuwarto nila pero nag-aagawan pa sila sa tv dito sa sala.
"Kapag hindi mo nagawang panoorin ito sasabihin ko doon sa babaeng crush mo na bagong lipat dito na bakla ka!"Banta ni Shei ng naagaw ni Sage sa kanya ang remote.
"Sinabi ng hindi ko crush si Yssabella!"Naiinis na sabi ni Sage.
Alam talaga ni Shei kung paano asarin si Sage. 14 pa lang si Sage pero mas natangkaran na niya ako. Mana talaga sa ama.
"Ah si Azarcon ba?Mukhang mabait ang batang iyon. Minsan ko ng nakilala ang papa niya. Kaibigan siya ng papa mo Sage gusto mo ba ireto kita?"Nakisali ako sa pang-aasar ni Shei kay Sage.
Minsan ko ng nakita si Yssabella Azarcon. Kung tutuusin may gusto ko ang batang iyon kaysa sa bukang-bibig nitong si Sage na si Stacy Ann. Ay naku!Ayaw ko sa ugali ng batang iyon. Kung dapat may maldita dito ako lang dapat iyon.
Inilapag ko sa maliit na mesa dito sa sala ang kanilang meryenda.
Nakipag-apir ako kay Shei dahil mukhang nainis na talaga si Sage. Sakton namang pagpasok ni Nate. Galing siya sa labas. Nilinis niya kasi ang kotse. Alam niyo na iyang lalaking iyan gusto siya mismo maglilinis. Ayaw niya ipahawak sa iba yung kotse niya.
"Oh andiyan na pala ang dad niyo. Bakit hindi niyo siya yayaing manood ng horror movies."Sabi ko napangisi naman ng todo si Shei.
"Dad..."Ngumiti si Shei ng malademonyong ngiti."Kapag hindi kayo nanood sasabihin ko kay mom ang sikreto niyo."
"Fine. Isang beses lang tayo manonood."Walang nagawa si Nate ganoon rin si Sage.
Bumalik ako sa kusina. Pinagmamasdan ko sila mula rito. Mukhang nagsimula na ang katatakutan dahil napapaigtad na ang mag-amang Sage at Nate.
Para silang pinagbiyak. Mana sa isa't-isa. Takot na takot na ang dalawang bakla habang si Shei naman ay tawa ng tawa. Inilabas ko ang camera ko at vinideohan sila.
Hindi dapat sinasayang ang mga ganitong ala-ala.
Nagulat na lamang ako ng nasa harap ko na pala si Nate.
"Enjoying the view?"Nakangiti siyang lumapit sa akin.
"Hindi lang dapat ikaw ang nag-eenjoy.Dapat pati ako nag-eenjoy."Sabi ni Nate at bigla na lang akong hinalikan sa labi. I kissed him back.
"Mom?!?Dad?!?"Sigaw ni Shei kaya naman natigil kami ni Nate. Sabay kaming napatingin sa kanya.
"If you want to kiss each other doon kayo sa kuwarto!It's disgusting!"Umalis si Shei.
Napahalakhak naman ng malakas si Sage. Kung gustong-gusto ni Shei nakikitang naiinis si Sage gustong-gusto rin naman ni Sage na nakikitang naiinis si Shei.
"Magkapatid talaga."Bumuntong hininga ako.
Bigla akong ninakawan ng halik ni Nate sa labi.
"Ano ba?!?"Pinagpapalo ko siya sa braso. Ngayon ako naman ang naiinis. Hindi ako tumigil sa pagpalo sa kanya janggang sa mahuli niya ang mga kamay ko.
Siniil niya ulit ako ng halik.
Narinig ko ang malakas na pagbuntong hinibga ni Sage.
"Hayss...mag-asawa talaga."Sabi niya at pumunta na rin sa kuwarto niya.
Natawa na lang kami ni Nate. We are happy with them sana lag7ng ganito.
End of Flashback
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Maya-maya lang ay biglang nag-ring yung phone ko. Si Yssabella.
"Hello po tita?Si Yssabella po ito. Kailangan ko po ng tulong niyo."Sabi ni Yssabella mula sa kabilang linya.
"Sure basta ikaw Bella."Napangiti na lang ako.
Well, well, well.Now, I feel well.
YOU ARE READING
That Kind Of Love Is Fake
Teen FictionAlmost perfect but worthless! That's how her parents treat her... Para sa magulang niya she never did something right kaya namam never siyang nakapagdecide para sa sarili niya... Hanggang sa dumating sa puntong pati yung taong mamahalin niya ay desi...