Chapter 4

69 6 0
                                    


Chapter 4

Nagtungo ako sa isang bar. Hindi masyadong kilala ang bar na ito. Ayaw ko rin kasi pumunta sa kilalang bar ngayon baka may makakilala pa sa akin.

Nakapitong bote na rin ako mg alak at medyo lasing na ako. May biglang lumapit sa akin na lalaki.

"Hey miss, can I have your number?"Tanong nung lalaki pero hindi ako sumagot at tumayo na ako palabas ng bar.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pakiramdam ko may sumusunod sa akin kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad palabas. Lumingon ako at may sumusunod nga sa akin pero hindi ko nakita yung mukha.

Medyo nahihilo na din ako at pagewang-gewang na rin ang paglakad ko. Ang dami ko na kasing nainom kaya ganito ako.

Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Cassy pero lowbat na yung phone ko.

Bigla na lang tumagilid ang mundo ko.

"Aliona..."Narinig ko at tuluyan ng nagdilim ang paligid ko.

Sa pagmulat ko ng mata ko nasa isang kuwarto ko. Wait kuwarto ko toh ah. Paano ako nakauwi?

Masakit ang ulo ko. Siguro ay may hangover ako. Bumaba ako para kumuha ng gamot sa baba. Pagbaba ko ay nakaupo si dad doon sa lamesa sa may kusina. Umiinom sila ng kape habang nagbabasa ng newspaper.

Umikot ulit ako pabalik sa kuwarto pero ng hahakbang na ako ay nagsalita si dad.

"Aliona come here."Tawag ni dad sa akin. Bumaba naman ako. Kumuha muna ako ng gamot at tubig. Pagkatapos ay ininom ko iyon.

Babalik na sana ako sa kuwarto ko dahil parang hindi ko pa kayang kausapin at harapin si dad.

"Aliona take a seat."Sabi naman ni dad. Nilingon ko sila at sinunod ko na lang ang sinabi nila.

Tahimik lang ako at hinihintay na magsalita si dad. Humigop sila ng kape pagkatapos ay ibinaba na nila ang newspaper then tumingin sila sa akin.

"Aliona, you have to marry Nate Lerman. It's for your own good."Agad na sabi ni dad. Hindi ko tuloy napigilan ang pagkunot ng ulo ko.

"Dad, alam ko na ginagawa niyo ito para sa sarili kong kapakanan pero sumusobra na kayo. I am marrying someone I don't love. Someone I don't even know."Tumayo si dad at tila hindi nila pinakinggan ang sinasabi ko.

"I'll go now."Sabi ni dad at tinalikuran ako. Tumayo naman rin ako. Tumutulo na ang luha ko.

"You're unfair.Nagkamali ako akala ko itinuturing niyo ako bilang anak pero ang totoo you treat me as an object na binebenta.It seems like your selling your own daughter, dad."Naluluha kong pagkasabi.

"What did you just said?"Galit na sabi ni dad. Naglakad na ako patungo sa kuwarto ko.

Sinarado ko ang pintuan ko at sumandal ako doon. Nagsimula ng bumuhos ang luha ko.

Narinig ko ang pagkatok ni dad sa pintuan ng kuwarto ko.

"Open the door, Aliona. I said open the door!"Galit na sabi ni dad.

"Ano ba Leo?Ang aga-aga ang ingay mo. Ako na ang kakausap sa kanya. Pumunta ka na sa trabaho mo."Narinig kong sabi ni mom.

"Pagsabihan mo iyang Aliona ha. Palagi mo na lang siyang kinukunsinte ayan...tignan mo nagiging pasaway."Sagot naman ni dad.

"Malaki na si Aliona. Hayaan mo siyang magdesisyon para sa sarili niya."Pagtatalo naman ni mom and dad.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas mukhang nakaalis na si dad. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

"Sweetie, this is mom. Will you open the door for me?"Malumanay na pagkasabi ni mom habang kumakatok. Agad ko namang binuksan ang pintuan at niyakap ng mahigpit si mom.

Niyakap ako pabalik ni mom at hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.

Tinapik ni mom ang likod ko habang pinapatahan ako. Mga kalahating oras rin ang nakalipas bago ako tumahan ng tuluyan. Naupo kami ni mo sa kama ko. Hinawakan ni mom ang dalawa kong kamay pagkatapos ngumiti aila ng bahagya.

"I'm sorry Aliona pero kailangan mong sundin ang dad mo. Kung ayaw niyo pang magpakasal at least kailangan niyong magkaroon ng relasyon."Naawang pagkasabi ni mom.

"Pero mom ayaw ko. Hindi ko mahal si Nate at hindi ko siya lubos na kilala."Pangangatwiran ko.

Totoo naman ah. Hindi ko pa lubos na kilala si Nate. Kakagraduate ko lang ng college tapos kasal agad. 23 years old pa lang ako for pete's sake. I am not yet ready to get married. Hindi ko pa naeenjoy ang buhay ko.

"Sweetie, kapag hindi ka nagpakasal sa kanya ipapadala ka ng dad mo sa ibang bansa and I'll never see you again."Unti-unting pumatak ang luha ni mom.

"What do you mean mom?"Tanong ko.

Bakit hindi na ulit ako makikita ni mom?Anong mangyayari kapag hindi ako nagpakasal?Anong mangyayari kung ipapadala nila ako sa ibang bansa?

"At tsaka na natin ito pagusapan. Magpahinga ka na muna dahil alam kong may hangover ka pa."Sabi ni mom at pinunasan nila ang tumulo nilang luha.

"Aliona, mag-ready ka dahil darating dito si Nate mamaya."Pahabol ni mom bago magsimulamg maglakad palabas ng kuwarto ko.

Lumabas na si mom ng kuwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko at tinignan kung sino si Nate. Hindi naman sa interesado ako sa kanya. Curious lang ako kung sino ba itong Nate Lerman.

Mayaman nga sila pero wala siya masyadong pictures dito. Bakit kaya?Siguro ayaw niya sa social media. Ako kasi mahilig ako sa sosyal media. Hindi ba nakakatawa.

Hindi bale na nga iyan. Kailangan ko maghanap ng paraan para makaalis dito. Agad kong di-nial ang phone number ni Cassy.

"Hello Cassy. I need your help right now. I'll tell you the details pagkatapos kong makaalis dito sa bahay."I seriously said.

"Sa bahay?Wala ka sa apartment mo?"Nagtataka naman niyang pagkatanong.

"I'll tell you later. Pick me up at our meeting place. I'll hang up now."After that tuluyan ko ng pinutol ang linya.

Inilabas ko ang backpack ko. Hindi ko akalain ma gagamitin ko ulit ito. Sinuguro ko rin na may cash sa wallet ko. Kakailanganin ko rin magwith-draw kaagad mamaya. Alam kong ipapablock ni dad lahat ng credit cards ko sa oras na malaman nilang umalis ako ng bahay.

Nilagay ko ang mga damit na kailangan ko at ang iba pang gamit na kakailanganin ko. Binuksan ko ang bintana dito sa kuwarto ko. Una kong hinagis ang bag ko pagkatapos ako naman ang tumalon.

Sanay na ako sa ganito. Ilang beses na rin akong tumakas. Akala ko ng hindi na ito mauulit pero naulit nanaman. Nang makalabas na ako sa bakuran naman ah narinig ko ang sigaw ni mom.

"ALIONA!"Sigaw ni mom sa pangalan ko. Hindi na ako lumingon at nagpatuloy na lang sa pagtakbo.

Agad akong pumara ng taxi. Pumunta ako sa cafeteria kung saan madalas kami nagkikita ni Cassy.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now