Chapter 19
Aliona's P.O.V.
"Let's go."Hinawakan ni Nate ang kamay ko at hinila na niya ako palabas. Patungo sa opisina niya.
Ang laki ng opisina niya parang isang buong condo. Ang laki talaga.
"You can have a sit there. There is a spare laptop underneath. You can use that."He said at dumeretso na siya sa upuan niya.
I took the laptop at ginamit iyon. Nanood na lang ako sa Netflix.
After 20 minutes na pag-aayos ni Nate ng mga kung anu-anong documents ay lumabas siya. Narinig ko naman na may nagriring na phone. Lumapit ako sa desk ni Nate at nakita ko ang phone niya.
Fiona❤
Iyon ang name nung tumatawag. Fiona?Sino si Fiona?Ah bahala siya diyan. Tumigil na sa pagtawag iyong si Fiona. Bumalik ako sa puwesto ko kanina. Saan na ba yung pinapanood ko?
Mga kalahating oras ang nakalipas bago nakabalik si Nate. Niluwagan niya ang kanyang neck tie.
"Hindi pa ba tayo kakain?Saan dito ang pinakamalapit na kainan?"Tanong ko.
Nagugutom na kasi talaga ako. Ang tagal-tagal kasi niyang bumalik samantalang hindi ako pwedeng umalis ng hindi siya kasama. Natatakot rin kasi ako nakapagsumuway ako ay ibalik ako doon sa hacienda ng lola niya. Katakot kaya doon.
"We can eat at our company's canteen."Aniya. Inilapag niya ang suit niya sa mesa at naglakad patungo sa direksiyon ko.
Ako na mismo ang kumapit sa braso niya. Lumabas kami ng opisina niya at nakasalubong namin ang secretary niya. Napakapula ng labi ng secretary niya. Balingkinitan at medyo maputi. Kahit sinong lalaki ay gugustuhin siya.
Nginitian niya si Nate habang si Nate naman ay walang reaksiyon. Bago magsarado ang elevator ay tinitigan ako ng masama nung secretary. Siya siguro si Fiona pero parang imposible naman iyon.
Bumitaw ako sa braso ni Nate kaya naman ay napatingin si Nate sa akin pero hindi ko siya kinibo. Nanguna ako sa paglabas ng bumukas ang pintuan ng elevator. Dere-deretso ako sa paglalakad.
"Hindi diyan ang daan."I heard Nate saying. Agad naman akong pumunta sa kabilang direksiyon.
"Mas lalong hindi diyan."Sabi niya ulit nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko.
Hinila niya ako papunta sa kainan nila. Nagsitinginan naman ang mga empleyado. May ibang tila may iba naman na dismayado.
Nag-order na kami ng pagkain ni Nate. Agad kong sinunggaban yung pagkain. Hindi kaya ako nag-almusal. I heard Nate chuckled a little at ng tignan ko siya ay bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Pagbalik namin ng opisina niya ay wala ang secretary niya sa kanyang desk.
Pagpasok namin ni Nate sa opisina niya ay naupo kaagad si Nate sa desk niya. Bumalik naman ako sa puwesto ko at ipinagpatuloy ko ang pinapanood ko kanina sa Netflix.
Nakailang ring ang phone ni Nate. Siguro ay tumatawag nanaman si Fiona with heart sa kanya. Ano bang pakialam ko?Ah...bahala sila diyan.
Lumabas si Nate para sagutin yung tawag. Nag-concentrate na lang ako sa pinapanood ko. Mabilis na lumipas ang oras 6 na rin ng hapon bago nakabalik si Nate dito. Kailangan ko ng makaalis kanina pa nagtetext si Cassy sa akin.
Tinatanong niya ako kung matutuloy pa ba kami. Tinatanon pa ba iyan. Myghad.
Facebook:DACY
Twitter:DACY95774883
YOU ARE READING
That Kind Of Love Is Fake
JugendliteraturAlmost perfect but worthless! That's how her parents treat her... Para sa magulang niya she never did something right kaya namam never siyang nakapagdecide para sa sarili niya... Hanggang sa dumating sa puntong pati yung taong mamahalin niya ay desi...