Kampanteng pinagmamasdan ko siya habang tinugtog niya ang gitarang bigay ng kanyang ina sa kanya with me, while singing that song. He was really talented. Hindi ko maitatanggi 'yun. Marami na ang nagkakacrush sa kanya dahil siguro sa bagay na iyun! At dahil sila mismo ang nabigay sa akin ng titulo na bestfriend niya, ginawa nila akong tulay para makalapit kay Christian at mabasa nito ang letters nila for him. Akalain niyo 'yun?
Tandang-tanda ko pa na kalilipat lang nila sa village namin nang makilala ko siya. I was a happy-go-lucky child at tha age of 5 while he was still very shy kahit 7 years old na siya. Sa edad kong iyun, pwede na akong manalo bilang Miss Friendly sa school palibhasa halos lahat ng mga bata, matanda, babae man o lalaki ay kinakaibigan ko. Kaya nga halos bawat galaw ko ay dapat nasa tabi ko ang Mommy ko, mahirap na at baka makuha ako ng kung sinong nabibighani sa pagiging cute ko. Pero siya? Kailangan pang nasa tabi niya ako to have a new friend.
Nasa playground ako sa oras na iyun na naghahanap ng matataguan ng bigla na lang akong natumba. nang dahil sa isang bato na hindi ko man lang napansin.
Pero masisisi mo ba ako kung sasabihin kong ako ang isa sa top 3 pinakamagaling na manlalaro ng tagu-taguan? Kaya dapat focus ako sa laro dahil baka masira ang reputasyon ko.
'Okay ka lang?"
That was his first three words to me. Tinanong niya 'yan ng makitang parang iiyak na ako at kahit mahahalatang hindi siya sanay kumausap ng ibang tao, he still asked me if I was alright. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at tinulungan akong tumayo saka tiningnan ang sugat ko.
"Hindi masyadong malaki ang sugat mo pero kailangan pa rin natin itong linisin para hindi magka-infectoin."
I looked at him with admiration katulad ng paghanga ko sa Power Rangers.
"Are you a doctor?" tanong ko.
Umiling siya. "Hindi pero sabi ng Mommy ko na dapat hugasan ko ito kaagad." Nagsimula na siyang lumakad papunta sa lugar na may faucet ng mapansin siguro nitong hindi siya nakasunod.
"I.."
"Hindi mo kayang lumakad?"
"I can pero.." Nahihiyang napayuko na lang ako. Napagtanto ko na nagsimula nang magtubig ang mga mata ko kaya agad ko iyong pinunasan. I haven't realized it hurts to much not until I tried to walk towards him.
"Here"
I saw him infront of me in a position na hindi ko alam kung anong tawag.
"Ano 'yan?" I asked him.
"Come. Bubuhatin kita." Pero nang nakuha nitong hindi ko pa rin siya naiintindihan, he caught my arms, put it in his shoulders and said. "Piggyback ride." At binuhat niya ako.
"Sabi ng Mommy ko, don't talk to strangers pero since mabait ka naman, ipapakilala ko ang sarili ko sa iyo. Hi. I'm Therese Dimaano."
I heard him chuckle while i was his back.
"Christian Geronda, nice to meet you."
And that's how our friendship started.
BINABASA MO ANG
Forever's Not Enough (completed)
Teen FictionPaano kung isang araw malalaman mo na lang na mahal mo na pala ang bestfriend mo na may mahal na palang iba? NOTE: hindi ko po alam kung bakit naging PG-13 ito. xD