Seniors na siya. Sophies naman ako. Grabe kaming magbangayan especially nung Intrams namin. Hindi tuloy sila makapaniwala na magbestfriends kami, kasi mas tamang sabihin na enemies kami especially kung Volleyball ang pinag-uusapan. Pero alam ko namang iisa lang ang makakapagpahinto sa away namin. Sino pa nga ba? Eh di si goddess-like girl, Gail Rabac. Napakaganda niya. Akala ko nga hulog siya ng langit. She's 1 year older than me at 1 year younger than him. Greatest asset daw niya, sabi ng karamihan sa school, ang mga mala-anghel na mata niya. But for me, ang lahat-lahat ng sa kanya ang greatest asset niya.
Dahil Sophomores ako, marriage both kami at dahil officer ako, ako daw ang tumatayong "ninang" sa lahat ng kasal. Biglang umingay ang building kung nasaan kami naka-assign kami. Tapos na kasi ang lunch break namin at time na for the first couple sa afternoon. Laking gulat ko na lang ng makita ko si Christian, dala-dala ng mga kaparehas kong sophomores. Meaning, siya ang groom. Hindi ko nakita ang pagpasok ng bride-to-be kasi tawa ako ng tawa kay Christian kasi pulang-pula na siya. At nang nag-announce na si Father na time na sa Wedding March, nawala lahat ng smile ko at gusto ko tumakbo. Who else could that be? Walang iba kundi si Gail, ang pinakahinahangaan ko, at ang dahilan sa pagkakaroon ko ng mga insecurities. Oo nga. Sabi nila, maganda daw ako. Pero obvious naman na wala ako kumpara sa kanya.
Gusto ko na lang umalis, tumakbo at umiyak. Pero hindi pwede. Ang dami kasing tao at baka mapahiya lang ako. And then, nalaman ko na lang na time na for the "Kiss the Bride". Naman oh! Sumasakit na ang dibdib ko, Ewan. Hindi ko alam kung ano ito. Tiningnan ko na lang ang "Newlyweds" Bagay sila. Bagay na bagay.
Umalis ako at nagpaalam na masakit ang ulo ko. Syempre nag-aalala sila and since pwede kaming lumabas at pumasok sa school, umuwi na ako sa bahay. Pero before ako pumunta sa kwarto ko, nagpahinga muna sa sala. Tawa ng tawa kahit hindi naman nakakatawa. Para akong sira. Tumayo na ako at pumasok na sa banyo.
Last Summer, na-realize ko na more than crush na pala ang na-feel ko for Christian. Ewan kung love ba 'yun. Basta ang alam ko, naniniwala na ako sa kasabihang, 'Absence makes the heart grow fonder.' Dahil sa 2 years na wala siya sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayan na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Falling for him was not that easy. Sa 3 days na ibinigay ng Admin sa Intramurals namin, hindi siguro ako manhid para hindi mahalata kung ano ang mga pangyayari. Gail likes Christian. And for Christian, the feeling is mutual. And that was my First broken heart.
BINABASA MO ANG
Forever's Not Enough (completed)
Teen FictionPaano kung isang araw malalaman mo na lang na mahal mo na pala ang bestfriend mo na may mahal na palang iba? NOTE: hindi ko po alam kung bakit naging PG-13 ito. xD