Chapter 7

63 0 0
                                    

‘Christian! Napasyal ka yata dito.’ Sabi ko para mawala naman ang tension sa paligid.

 ‘Oo. Napansin ko kasi na hindi na kita nakikita sa school’ sabi niya tapos biglang tiningnan si Vinch. ‘Sino siya, Therese?’

 ‘Ah. Hindi mo ba naalala. Siya si–‘

 ‘Von. Nice meeting you.’ Pagputol ni Vinch sa sinabi ko. Tatanungin ko sana siya kung bakit hindi niya sinabi ang totoong pangalan niya kaso ningitian lang niya ako at tingnan ko daw si Christian na nakakunot ang ulo.

 Kinuha ko ang camera ko galing sa handy bag ko na bigay niya at kinuhanan ko siya ng picture.

 ‘What’s that for?’ Tanong niya na lalo niyang ikinabagot.

 ‘Wala lang. Trip. Masama ba?’ sabi ko naman.

 ‘Therese..’

 ‘Christian!’ at tinawanan ko siya.

 May biglang tumikhim kaya nilingon ko kaagad, nakita ko Vinch na hawak ang dibdib niya. Una, hindi ko ma-gets pero kalaunan nakuha ko na. Huwag daw masyadong tumawa baka mangyari naman ‘yun kanina. Funny.

 Maya-maya nagpaalam na si Vinch kasi may gagawin pa daw siya. Nagpaalam rin siya but before that may ibinulong siya sa Mommy ko at umalis na. Tinanong ko si Mommy kung ano yun pero ang tangi niyang sinabi ay, ‘Amin na lang ‘yun.’  Muntik ko na lang makalimutan na nandito pa pala si Christian sa bahay naming. At nang nilingon ko siya na nakaupo sa Garden namin. Tinitingnan niya pala ako kanina pa.

 ‘Ba’t titig na titig ka sa akin? Mesmerized ka sa beauty ko ano?!’ sabi ko na ikinabigla na naman niya.

 ‘Manliligaw mo iyon?’ tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin.

 ‘Hindi kaya! Friend lang kami.’

 ‘Friend lang daw. Halata namang nanligaw ‘yun sa iyo. Since when mo pa siya nakilala?’

 ‘Childhood friends. Since bata pa kami.’ Sagot ko naman sa kanya with matching smile pa.

 ‘Childhood friend? Since childhood kaya kita kilala. So sino ‘yun? Ba’t hindi ko siya kilala?’ sabi niya na puno na parang naiirita na talaga siya kay Vinch.

 ‘Basta. Hindi mo na siya nakilala. Kain na tayo, okay! Favorite mo oh! Tuna sandwich with egg with mayonnaise with hotdog with ketchup with juice!’ pahayag ko na agad naman niyang ikinatawa.

 ‘Favorite mo kaya ‘yan!’ .

 ‘Sabi ko nga.’ At napaupo ako sa tabi niya at humiga sa shoulder niya habang kinakain ang sandwich ko. Napansin ko na lang na bumuntong-hininga siya kaya umayos ako ng upo at tiningnan ko siya.

 ‘Ano problema mo?’

 ‘Si Gail kasi. Selosa masyado.’ Sabi niya sa akin habang tinitingnan niya lang ang sandwich niya na dati rati ay ubos na niya after 1 minute.

 ‘Okay lang ‘yun ikaw kasi, masyadong malapit sa girls. Dumistansya ka muna sa kanila, okay? At tsaka, understand her naman. Bago nga lang kayo. Away na kaagad. Bham! Huwag ganun pare.’ After sa sinabi ko, tinawanan niya lang ako at tiningnan lang ng mabuti.

 ‘Ano? Ngayon mo lang na-appreciate ang beauty ko?’ I said para hindi niya mahalata na kinakabahan na ako.

 ‘Paano kaya kung wala ka? Magiging friendly pa kaya ako sa mga tao tulad ngayon?'

 'Oo naman. Ikaw pa. Talented mo nga! Ba't ka pala nandito?' Pag-iiba ko sa usapan.

 'Binibisita lang kita. hindi ba pwede 'yun?' sabi niya. sasagot na sana ako ng bigla na lang nagring ang phone niya at si Gail daw 'yun. Hinahanap siya kasi naman, akalain ninyu 'yun! 2nd monthsary na pala nila. Bilis naman..

 Bago ko man siya ma-greet. Umalis na pala siya. Kaya here na naman ako.. alone.. walang kasama....

 Matutulog na nga lang ako...

Forever's Not Enough (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon