Chapter 6

55 0 0
                                    

After that day na sinabihan ako ng doctor ko na  isang taon at ilang days na lang ang natitira ko, pinayuhan kami ng family ko na ihinto ko na lang daw ang pag-aaral ko at maghomeschool na lang. At first, hindi ako pumayag kasi ang laki ng pagkakaiba ng pag-aaral sa school at homeschool pero ipinaunawa sa akin ng doctor na baka ma-stress ako na sanhi ng mas pinadaling pagkatigok, pumayag na lang ako na ihinto na ang pag-aaral.

 Sa principal at sa ibang matataas na officials ng school, pati na rin sa mga teachers ko, sinabi ko sa kanila ang totoong dahilan kung bakit kailangan kong magdrop-out gayong nasa kalagitnaan na ako ng school year. Of course naman, naunawaan nila iyon kasabay nag pagkaawa nila sa akin. I’m still young but I suffered heart problems na daw. Naintindihan ko naman iyun. Nagpapasalamat ako sa awa nila pero hindi ko kailangan ‘yun. All I need is their prayers and their smiles.

Malapit na ang pasko pero hindi ko pa rin nakita si Christian since that day na pinuntahan niya ako sa hospital. Kahit siguro alam na niyang nagdrop-out na ako sa school, uunahin pa rin niya si Gail. In love nga ang mokong.

 So here I am, alone na naman sa tambayan naming dalawa ni Christian, ang playground. Wala ako sa mood na magdala ng guitar kaya ang tanging dala ko ay ang second love ko, ang camera. Since I was five, nakita na daw nila Mommy and Dad ang talento ko pagdating sa photography at singing kaya isa ‘yun sa mga dahilan kaya nanghihinayang ako sa nalalapit kong paglaho sa world. Pero kahit ganoon, thankful pa rin talaga ako kay God sa lahat ng blessings na ibinigay niya habang nabubuhay pa ako dito sa world.

 Nasa kalagitnaan ako ng pagkukuha ng mga litrato sa paligid ko ng may tumabi sa akin sa swing. Pagtingin ko, mukhang familiar ang face pero hindi ko na talaga siya matatandaan. Ano ‘toh? Heart disease sabay Amnesia? Naman!

 ‘Hi.’ Sabi ng lalaki sabay smile pa. Bakit ba wala akong maalala?

 ‘Hello.’ Sabi ko naman para naman respect sa kapwa tao.

 ‘Hindi mo na talaga ako naalala?’ tanong niya na obviously ang sagot ko ay…

 ‘Hindi.’

 Tinawanan lang niya ako na obviously ay ikinabigla ko talaga. Sana sinunod ko na lang ang payo ni Mommy na ‘Don’t talk to strangers’ especially kung loko-loko ang kausap mo na bigla na lang tumatawa kahit wala namang nakakatawa.

 Inilahad niya ang right hand niya seriously kaya tinanggap ko kaagad iyun.

 ‘Hi Therese, I’m Vinch nice meeting you.’ Kahit sasabihin ko sanang ‘nice meeting you too’ ay hindi ko na nagawa kasi ang sunod kong mga actions ay ang tipong ikakashock ng bayan.

 Kumuha ako ng bato at inihagis yun kay Vinch.

 ‘Hindi ka rin pala nagbago. Amazona ka pa rin. Bakit hindi ikaw na lang ang kinuhang asawa ni Tarzan?’ He said bago pa man ako nakalapit at binatukan siya.

 ‘Ba’t ngayon ka lang bumalik? Lalaking-lalaki ka na pare!’ pang-aasar ko sa kanya.

 ‘Wow. Tingnan mo nga ang nagsabi. Babaeng-babae ka na Therese. Hindi na ikaw ang dating kalaro ko na kung saan-saan na lang nagtatago, tumatakbo sa kung saan.’ Sabi ni Vinch na tinawanan ko na lang. Si Vinch kasi ang isa sa mga close friends ko nung bata pa ako. Akala nga ng lahat na lalaki akong tomboy pero sa isang iglap lang daw, babaeng-babae na ang features ko.

 ‘Kumusta ka na?’ tanong niya sa akin after kami nambola sa isa’t isa.

 ‘Vinch may sasabihin akong importante sa iyo at huwag na huwag mo sasabihin sa iba ha?’

 ‘What?! Don’t tell me na buntis ka?’ tanong niya sa akin na obviously ay tinawanan ko masyado. At dahil sa tawa ako ng tawa, bigla na lang nanikip ang dibdib ko na sign na dapat akong uminom ng tubig at gamot. Nakalimutan ko palang magdala ng gamot at tubig kaya nahirapan na akong huminga buti na lang napansin ni Vinch iyun kaya agad niya akong nilapitan.

 ‘Therese! Anong nangyari sa iyon.’ Tanong niya sa akin na obviously ay nagpanic na siya. Kung hindi pa lang sumasakit na ang dibdib ko, tatawanan ko sana siya ng malakas kaso hindi ko makayanan kaya umiyak na lang ako.

 ‘I….need…..wa….ter……..Iuwi…..mo…..ako….please!!’ I said sa pagitan ng paghinga. Hindi ko na kasing makayanan magsalita at the same time ang umuwi sa amin. Buti na lang at may lisensya na si Vinch at dala niya ang motor niya instead of bike niya na palagi niyang dala noong mga bata pa kami. Binuhat niya ako at pinasakay sa motor niya at inuwi sa bahay namin.

 ‘Tita Chris! Si Therese!’ He said na ang tinutukoy niya ay ang mother ko na agad namang lumabas ng bahay at binuksan ang door.

 ‘Diyos ko! Halika ka Iho. Ilagay mo siya sa sofa at kukunin ko ang gamot niya.’ My mother said calmly kahit alam kong ilang seconds na lang ang bibilangin at papatak na ang mga luha niya.

  Pagbalik ng Mommy ko after 5 seconds, dala na niya ang gamot ko at isang galong tubig. Ganun ba talaga ang effect ng isang tao kapag nagpapanic na sila? Nakahinga na ako ng maluwag after ko ininum ang gamot ko kaya napakalma na rin pati si Mommy at si Vinch pero ilang seconds pa lang ang lumipas ng tanungin na ni Mommy si Vinch.

 ‘Thanks iho sa pagdala mo kay Therese dito. But may I ask if what’s your name?’ She asked.

 ‘Pati ba naman kayo Tita hindi niyo ako kilala?’ He reached out his hands to my mother sabay sabing, ‘Si Vinch po Tita. Suki ng cookies niyo dati.’

 Dala ng pagkashock, bigla na lang niyakap ni Mommy si Vinch.

 ‘Thanks talaga sa pag-uwi mo kay Therese sa bahay. You just don’t know kung ano man ang mangyayari kapag hinayaan mo si Therese na naninikip ng dibdib dun sa playground.’ My mother said.

 ‘Ano ba nangyari kay Therese? May asthma ka na ba?’ tanong niya sa amin na agad ikinabigla ng mother ko at tinanong ako kung pwede ring sabihin kay Vinch ang sakit ko.

 ‘Ako na po ang magsasabi Mommy. Sa garden tayo Vinch.’

 Kahit alam kong naguguluhan siya, sinundan rin niya ako papuntang garden. At doon ko sinabi sa kanya ang lahat.

‘Alam ba ito ni Christian?’ tanong niya sa akin after ako naglitanya. Siya lang kasi ang nag-iisang taong nakakaalam na crush ko si Christian mula pa noon kahit hindi ko man naman sinasabi sa kanya.

 ‘Hindi ko pa sinasabi sa kanya.'

‘Ba’t naman?’ Tanong niya sa akin.

 ‘Sasabihin ko sa kanya gayong ang happy na niya? Alam mo, may girlfriend na 'yung tao. Ang sama ko naman kung mawawala nalang bigla-bigla ang happiness niya ng dahil sa akin. Huwag na Vinch. Para naman ‘yun sa kanya.’ I said na pinipilit kong huwag maiyak.

 Tumayo siya at niyakap na lang niya ako ng biglang nagsalita si Mommy kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay Vinch.

 ‘Therese. Nandito si Christian’ She said kaya lumabas si Christian galing sa likuran ni Mommy. There was something in his eyes na parang nakakatakot tingnan. Especially when he looked at Vinch. Was he..?

Imposible..

Forever's Not Enough (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon