Chapter 10: Ending

121 3 1
                                    

Christian's POV

Sinimulan ko na ang pagtugtog sa gitara habang pinapakinggan ko ang boses niya. Bakit ba ngayon ko lang na-appreciate ang boses niya. Ilang years na kaming magkakilala pero ngayon ko lang nalaman ‘yun. She gave me her sweetest smile na naging dahilan kaya biglang huminto sa pagtibok ang puso ko.

 ‘And if, forever’s not enough for me to love you. I’d spent another lifetime baby. If you asked me to, there’s nothing I won’t do. Forever’s Not Enough for me to love you so.’

 Malapit ko ng matapos ang nalalabing chords ng song ng naramdaman ko na lang na inilagay niya ang ulo niya sa shoulders ko. Narinig ko pa ang paghum niya sa last part kaya napangiti ako. Bakit kaya sa simpleng galaw niya iba na ang naramdaman ko? Nakita kong unti-unti, pumipikit na ang mga mata niya.

‘I love you’ I whispered galing sa kailaliman ng puso ko sinabi ‘yun. After I said that, parang ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. Na parang isang malaking parte ng buhay ko na hindi ko pa nalalaman ang natuklasan ko.

 After ko sinabi ‘yun, binigyan niya ako ng isang papel na parang ilang years na niyang itinago. Sinimulan kong basahin ‘yun at bago ko na-realize, isang luha na pala ang kumawala sa mata ko.

 ‘Naalala mo pa ang panahon na una kitang nakilala dahil sa park na ito? The way na nadapa ako at ginamot mo ang mga sugat ko? Natatandaan mo pa ba iyun? Ako? Tandang-tanda ko pa. The way na nahulog ka sa tree at lahat ng iyun. Hanggang sa naging magbestfriends tayo….’

 Tinigil ko muna ang pagbasa at tiningnan kung okay lang siya. As usual, nasa balikat ko pa rin ang ulo niya. Naamoy ko pa nga shampoo na gamit na niya mula noong bata palang kami..

 ‘Ano ba ang shampoo na ginagamit mo?’ Tanong ko sa kanya. Bigla lang siyang tumawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba nun?

 ‘Bakit gagamitin mo rin?’ Sabi niya. Kaya pala bigla na lang siyang tumawa. Suddenly, napansin kong wala na pala ang ulo niya sa balikat ko. Hinarap ko siya at nakita ko na lang na maputla na siya and she was trying her best to smile.

 ‘Okay ka lang?’ Tanong ko sa kanya habang inaalayan ko siyang tumayo.

 ‘Oo naman. Ba’t mo natanong? Gusto ko lang magswing. Pwede?’

Umupo ako sa katabing swing na inuupuan niya. At tinapos kong basahin ang ibinigay niyang letter.

“Sa lugar na ito,

Natutunan kong magmahal.

Sa lugar na ito,

Naranasan kong masaktan.

Sa lugar na ito,

Tinanggap ko ang pagkatalo.

Sa lugar na ito,

Handa akong pakawalan ka.

Mahal kita Christian,

‘Yun lang ang alam ko.”

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong naluha at bago ko man lang namalayan, ilang butil ng luha na ang kumawala sa mga mata ko. Umiyak ako hindi dahil sa nalaman kong mahal pala niya ako kundi sa oras at panahon na nasayang dahil sa kagaguhan ko. Kaya pala hindi nagtagal ang relasyon naming ni Gail dahil iba ang mahal ko. Akala ko lang na mahal ko si Gail pero hindi, I was inlove with the thought of being in love.

 Hindi ko pala napansin na nasa harapan ko na pala siya. With her gentle fingers, she wiped all the tears. Nabigla ako ng bigla mo na lang niya akong niyakap. Ilang minuto na kaming magkayakap na parang walang pakialam sa mundo. Napansin ko na lang na unti-unti na siyang kumawala sa yakap ko until naunawaan ko na lang na malapit na ang oras..

 Slowly, I laced your fingers with mine.

 ‘Perfect.’ I said. Sana, noon ko pa ‘to ginawa. Sana, noon ko pa na-realize na may feelings na rin pala ako sa kanya. Pero wala nang magagawa ang sana. Nakalipas na iyun, at hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. Sulitin mo ang ngayon, huwag ang kahapon.

“Sa kabila ng pasakit na ibinigay ko sa iyo, minahal mo pa rin ako, at hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa ngayon. Mahal kita, kahit mahirap paniwalaan, kahit mahirap ipaliwanag, mahal kita. Mahal kita. Mahal na mahal.” Hinalikan ko siya sa noo at naramdamang unti-unti niyang binitawan ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya at ng tiningnan ko siya unti-unti na niyang ipinipikit ang mga mata niya.

 “Therese. No! Huwag ka munang matulog. Please. No.” Sabi ko na nagiging hysteric na. Sa oras na iyun, nakaramdaman ako ng takot na kailanman hindi ko pa naramdaman.

 “I love you Christian. At salamat sa pagmamahal mo. Sana makakita ka pa ng babaeng mamahalin ka ng katulad o higit pa sa pagmamahal ko sa iyo. Kahit ayoko mang iwan ka, kailangan ko na talagang magpahinga. Ito ang gusto ng Diyos, 'di ba? And we need to value it." Nagkaroon muna ng ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita muli. "Goodbye.”

Slowly, she closed her eyes na para bang matutulog lang siya.

Kaya kahit masakit sa kalooban ko, I need to set her free.

“Sleep well, princess.” I said as I kissed her forehead.

“Goodnight..”

Forever's Not Enough (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon