Chapter 5

64 0 0
                                    

‘Isang taon at ilang buwan na lang ang natitira para sa kanya.’

 Paulit-uli ko pa rin iyong naririnig sa doctor before niya iniwan ang kwarto ko.

 ‘Ma. Please. Tumigil na po kayo sa kaiiyak. Gusto niyo bang maging sad ang natitira kong araw?’ Sabi ko sa mama ko na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.

 ‘Therese. Huwag kang magsalita ng ganyan. Mabubuhay ka pa. May magagawa pa ang doctor para mabuhay ka pa.’

 ‘Ma. Alam naman natin ‘di ba? Since birth ko, may diperensya na ang heart ko. Kaya tanggap ko na kung ano man ang mangyayari sa akin.’

 Sa kawalan ng masasabi ni Mama, niyakap na lang niya ako. Umiyak na nga ako.

 ‘Hala. Hindi ka pala pwede paiyakin sabi ng doctor. Stop crying na my baby!’ My mommy said habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

 ‘Mommy naman. May feelings din ako noh! At promise. Hindi po ako maapektuhan ang puso ko.’

 Bumukas na lang ang door at doon iniluwa si Christian.

 ‘Akala ko ba matatag ka. Ba’t nandito ka sa kwartong ito ngayon?’ Sabi niya sabay tawa.

 ‘Wait lang Christian ha. May sasabihin pa ako sa Mommy ko.’ Tumango lang siya at tumalikod muna at humarap sa pinto para bigyan kami ng space ng Mommy ko.

 ‘Mommy. Huwag ninyo pong sabihin kay Christian ang sakit ko, ha?’

 ‘But may karapatan siyang malaman ang totoo.’ Giit naman ng Mommy ko. Pero lahat ay may rason. Happy siya kahapon at ayokong mag-aalala siya.

 ‘Please.’

 ‘Okay.’ Pagsang-ayon na lang niya sabay sabi kay Christian na pwede na kaming mag-usap at lumabas na rin ang Mommy ko.

 ‘Congrats nga pala.’ Pagbasag ko sa katahimikan.

 ‘Belated happy birthday. At sorry na rin– ‘

 ‘Kasi hindi mo sinabi sa akin na monthsary niyo kahapon at hindi ka makakapunta sa birthday ko at hindi ka nga pumunta.’

 ‘Ya. Sorry na ha? Heto oh. Gift ko sa iyo.’ He said sabay bigay sa akin ng flowers na ngayon ko lang napansin.

 Tinitigan ko lang siya ng maramdaman kong naiilang na siya. Pero nilubus-lubusan ko na ang pagkakataon. Sa nalaman ko ngayon. Lahat ng panahon, ng oras mahalaga na para sa akin. Magpapabili nga ako ng notebook bukas o baka ngayon.

 ‘What?!’ Tanong niya na may halog irritation.

 ‘Wala naman.’

 ‘Ba’t ganyan ka kung makatitig sa akin. Ngayon mo lang narealize na ang gwapo ko talaga?’

 ‘Payakap.’ Sabi ko na obviously ikinabigla niya at ikinabigla ko rin. Pero kahit nabigla siya. Nilapitan niya ako at niyakap. Naramdaman ko rin na hinalikan niya ako sa noo.

 Now I know, kung bakit mahal kita.

 ‘Hanggang kalian ka dito?’ Tanong niya after niya ako niyakap at umupo siya sa tabi ko na nakahiga pa rin sa hospital bed.

 ‘Ewan.’

 ‘Anong sabi ng doctor? Bakit ka daw biglang hinimatay?’

 ‘Over-fatigue daw.’ I lied.

 ‘Ganun lang?! Ikaw naman Therese. Akala ko strong ka.’ Sabi niya na ikinatawa naming dalawa. Naalala niya pala ‘yun.

 ‘Strong nga. Pero nanghihina pa rin ako.’

 May sasabihin pa sana siya ng biglang nag-ring ang phone niya na agad naman niyang sinagot after siya nag-excuse sa akin.

 Pumikit na lang ang mga mata ko sa kahihintay ng bumalik si Christian. Hindi ko na kinayang imulat ang mga mata ko kasi inaantok na talaga ako.

 ‘Si Gail ang tumawag’ Gail na naman. Okay lang naintindihan ko. ‘May date pa pala kami ngayon. Ikaw kasi. Na-miss kita bestfriend. Alam kong may itinatago ka pero pagbigyan muna kita ngayon kasi alam kong inaantok ka na talaga. Alam kong naririnig mo ako ngayon.’ Pinilit kong itago ang pagtawa ko pero kumawala pa rin iyon. Kilala niya talaga ako. ‘Tingnan mo. Gising ka pa talaga. Pero okay lang kahit hindi mo na ibuka ang mga mata mo. Basta, nandito lang ako for you. Huwag kang mahiyang magsabi ng problema mo kahit may Gail na ako. Alam kong may darating na lalaki na para sa iyo.’ Bigla na lang siyang tumahimik kaya akala ko umalis na siya. Pero hindi pa pala. Naramdaman ko na lang ang halik niya sa noo ko and it feels so right.

 Before siya umalis. May sinabi siya sa akin na naging dahilan kaya lihim akong umiyak.

 ‘Kung sino man siya. Paharapin mo muna sa akin ha? At kapag pinaiyak ka niya, ako ang bahala sa iyo. Goodbye muna ngayon bestfriend. Magpagaling ka ha?’

 Paano kung sasabihin kong sa iyo na ikaw ang lalaking gusto ko?

Huwag na lang.

Ililihim ko na lang ito.

Baka maging dahilan pa siguro iyun para masira ang friendship natin.

Kakalimutan ko na lang iyun.

I promise that to you…..

My friend.

 my first and and might be my last love.

Forever's Not Enough (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon