Christian's POV
‘Saan ka pupunta?’
‘Sa bahay po ni Therese ‘Ma. May ipahahatid po ba kayo?’ sagot ko habang inaayos ko ang sapatos ko. Ibibigay ko sana ang dalawang gifts na binili ko lang kahapon para kay Therese. Pasko na kasi at every year kami nagbibigayan ng gifts parang tradition na sa aming dalawa ‘yun. Ngayon ko lang narealize kung gaano na kami katagal naging magbestfriends. It’s been what?! 11 years na.
‘Wala sila sa bahay nila ngayon Christian’ sabi ng Mama ko.
‘Nasaan po sila ngayon? Nagkausap na po kayo ni Tita Chris?’ tanong ko na ang tinutukoy ay ang mommy ni Therese.
‘Oo. At sabi niya na nasa hospital sila ngayon.’
‘Ah. May dinalaw po ba sila? Pupuntahan ko nalang si Therese dun at ipapasyal ko siya.’ Nasa pintuan na ako ng tinawag ako ng Mama ko kaya lumingon kaagad ako.
‘Si Therese. May sasabihin ako sa iyo Anak.’
‘Ano po mayroon si Therese? Ma, pwede mamaya na lang. Baka kasi ma-traffic na ako ngayon.’
‘Mamamatay na si Therese.’ Natigilan ako. Tama ba ang narinig ko?
‘What did you say?’
‘She’s going to die one of these days. May sakit siya sa puso, Christian. Matagal na.’ Sagot niya na may halong lungkot.
‘When. Kailan niyo po iyan nalaman?’ Tanong ko na lang. Wala na akong ibang matanong kundi iyun.
‘Last year.’
‘WHAT?! At hindi ko pa rin alam?!’ Out of frustration, napaupo ako sa sahig.
‘Therese told us not to tell you!’ sabad ng ate ko na kanina lang pala nakikinig.
‘Alam mo rin?! Ako lang ba ang walang alam sa sakit ni Therese?!’
‘Sadly, Yes.’
‘Bakit?’ Hindi ko alam na pahina na ang boses ko.
‘She doesn’t want you to be sad.’ Sagot ng Dad ko na nasa stairs lang pala. So, ako lang pala ang walang alam.
‘Instead na magmukmok ka dyan, Puntuhan mo siya. Nasa hospital sila ngayon. Trip told me na hinimatay na naman si Therese kahapon. Make the most out of it Christian. Baka pagsisihan mo iyan.’
With my guitar. Pinuntahan ko si Therese sa sinabing hospital ng mama ko. To my surprise, wala na pala sila doon. Kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila. Nandoon lahat ng family niya, siya lang ang wala dun.
‘Hinatid ko siya sa playground. She’s there waiting for you. Tama nga sinabi ng kapatid ko.’ Sabi ni Trip, ang older brother ni Therese.
‘Ano bang sinabi niya?’
‘Pupuntahan mo siya with your guitar. Alam kong alam mo na ang sakit ni Therese and all I can say is sorry sa pagkaselfish niya at hindi niya pagsabi sa iyo. It’s for your own good, Christian.’ Sabi ng Kuya niya sabay ginulo ang buhok ko.
After that, dali-dali kong pinuntahan si Therese sa playground. And as usual, nakaupo pa rin siya sa favorite place niya, ang swing.
‘Nandito ka!’ bati niya sa akin sabay tayo. Kaso, na-outbalance siguro siya at malapit na matumba, buti na lang nasalo ko siya. Nang tingnan ko siya, dun ko napansin na namumutla na pala siya.
‘Kailan ka pa nandito?’ tanong ko sa kanya na may konting halo ng pagkagalit.
’30 minutes ago. Huwag ka ng magalit please? Sorry na.’ To my surprise, umiiyak na pala siya.
‘Shh. Bakit ka umiiyak? Therese stop crying na. Please? Smile ka na?’ Sabi ko na pilit pinasaya ang boses. Gustuhin ko mang umiyak kahit nakakahiya hindi pa rin lumalabas ang luha sa mga mata ko. Kaya ang tanging ginawa ko na lang ay niyakap siya.
‘Christian, may ibibigay ako sa iyo.’ Sabi niya kaya pinakawalan ko siya.
May inabot siyang blue small box. Nang tiningnan ko siya, ningitian niya lang ako. She gave me a signal na pwede ko na daw iyun buksan. Kaya naman sinunod ko siya. Laking gulat ko na lang sa nakita ko..
Isang photo album na naglalaman ng mga pictures ko.
Since I met her and up until now.
Did she kept all these?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Therese's POV
Tinitigan ko lang si Christian habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga pages na naglalaman ng mga shots ko galing sa camera ko at sa ibang files ko. Nakakatuwa talaga siyang tingnan lalo na kapag binabasa niya ang mga captions na nasa baba ng each picture niya. Tinawanan ko lang siya. At huminga na ng malalim. Feel ko. Malapit na talaga ang time ko,.
Pero bago ‘yun…. Dapat magawa ko muna lahat ng dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
Forever's Not Enough (completed)
Teen FictionPaano kung isang araw malalaman mo na lang na mahal mo na pala ang bestfriend mo na may mahal na palang iba? NOTE: hindi ko po alam kung bakit naging PG-13 ito. xD