Chapter 8

68 2 0
                                    

Hindi ko namalayan na umuulan na pala ng malakas sa labas kasi naaliw na ako masyado sa kakalaro ng Monopoly kasama si Vinch na nasa bahay naming buong maghapon. Maglalaro pa sana kami ng biglang tumunog ang telephone na agad ko namang sinagot.

 ‘Hello? Sino po ito?’

 ‘Therese? It’s me. Tita Joan mo. Nandyan ba si Christian sa inyo?’ tanong niya sa akin na puno ng pag-aalala.

 ‘Wala po Tita. Tatawagan ko na lang po kayo kapag dumito po si Christian.’ Sabi ko sabay nagpaalam na sa Mother ni Christian at habang binababa ko ang phone, isang pasya ang nabuo sa isipan ko. Ang hanapin si Christian.

 Hindi pumayag ang Mommy ko na mag-isa kong hanapin si Christian dahil umuulan daw so pinasama niya sa akin si Vinch. Buti na lang naintindihan ako ni Vinch kaya naghiwalay kami ng landas. Siya papuntang basketball court habang ako nama’y papunta sa tambayan namin, sa playground.

 Habang naglalakad ako, iniisip ko kung ano nga ba ang problema ni Christian. Summer na summer pero parang napakalaki talaga ng problema niya. Dapat kapag summer kasi, tumutugtog siya with his friends sa banda at hindi talaga niya ugali ang umalis sa bahay nila na walang pasabi.

 Nakita ko siya na nakaupo sa swing na pwesto ko palagi. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya kasi nakasubsob ang mukha niya sa dalawang kamay niya. Nilapitan ko siya at pinayungan. Napansin siguro niya na hindi na siya nabasa ng ulan kaya tiningnan niya ako na nakangiti.

 ‘Ano na naman ang trip mo? Oy. Ang umiiyak habang nagpapa-ulan. That’s so not you.’ Sabi ko na nakangiti pa rin sa kanya pero sa ikinabigla ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Buti nalang, hindi ko nabitiwan ang payong kundi basang-basa na talaga kaming dalawa.

 ‘Si Gail….break na kami.’ Sabi niya na naramdaman ko na lang na umiiyak na pala siya. Kaya pala. Kawawa naman ng bestfriend ko. Umiiyak. While nag-eemote ako.

Kinuha ko ang camera ko sa loob ng sling bag ko at kinuhanan ng picture si Christian. Kaso, dahil yakap niya ako, ang sarili ko na lang ang kinuhanan ko ng picture na ang view ay kitang-kita si Christian na nakasubsob ang ulo sa shoulders ko. Tapos kapag nadevelop ko na 'to, ang ilalagay kong caption ay, "my bestfriend's first heartbreak". Ang bait ko talaga.

 ‘Hanggang ngayon pictures pa rin ang inaatupag mo.’ Sabi niya. Pictures mo lang. Gusto ko sanang idagdag. Pero huwag na. Broken na nga, bobolahin ko pa.

 After ilang minutes napakalma na rin si Christian at sinabi kong doon muna kami sa bahay ko magstay habang umuulan. At doon ibinuhos niya ang lahat ng hinanakit niya kay Gail. Kawawa naman ng bestfriend ko. According to him. Nagkaroon sila ng matinding pag-aaway kay Gail last week pa daw. Dahil daw hindi na sila masyado nagkikita ni Christian. Na banda na lang daw palaging inuuna ni Christian. At sa week na ito. Naging mas malala ang pagtatalo nila na umuwi sa hiwalayan with both panig na umuwing luhaan. Hahaay. Life parang buhay nga naman. xD

 After ilang days na nag-eemote si Christian, hindi niya muna ako binulabog. Pero okay lang. Si Vinch naman, nagpaalam na. Babalik na kasi sa States ang mokong. Sosyal na nga niya. Sabi pa niya na hintayin ko daw siya until Christmas kasi may pasalubong daw siya sa akin. Tinanong ko kung ano pero wala lang naman siyang sinagot. Tingnan na lang kung makakayanan ko pa until Christmas. As for my health, pumupunta ako sa hospital for my weekly check-up. As usual, ‘yun pa rin. Lumalala. Ilang months na lang ang natitira ko. Kaya hanggang ngayon, slowly but surely, kinukuhanan ko lahat ng magagandang bagay na nakita ko at inilalagay ko sa album na pinapabili ko pa sa Mama ko.

Sa whole summer, palagi nalang kaming magkasama ni Christian. Ewan ko nga kung bakit. basta yun na lang alam ko. Everyday nasa bahay namin siya or pumupunta kami sa bahay niya. Yun na nga magbestfriends! Always magkasama. Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon. Basta ganun na lang iyun!

Forever's Not Enough (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon