Kung volleyball ang dahilan ng awayan namin, lubus-lubusan naman kaming nagkatuwaan kung music ang pag-uusapan. Sabi pa nga nila, para daw kaming kambal na laging nagkakasundo at mahihirapan talaga kayong paghiwalayin kami kapag music ang pag-uusapan. At alam niyo ba kung ano ang palagi naming kinakanta sa harap ng guitara niya? Marami naman talaga kung tutuusin pero ang pinakafavorite ko ay ang “Forever’s Not Enough”.Hindi ko alam kung paano niya nagawa basta ang alam ko lang ay tagos sa puso ko talaga kapag nagsisimula na siyang maggitara..
Kung guitar siya, piano naman ako. Marunong naman akong kumanta, pero pilit kong itinatago 'yun or may I say, I just don't have the guts to showcase my singing talent. Kaya kampante na akong maging member ng Glee Club, not as a member na kumakanta sa harap ng tao, but as a Glee Club Instruments member. Christian is also a member ng Glee Club. Sa katunayan, member siya ng both group, the Singing and Instuments.
Speaking of Glee Club, may natanggap na lang akong balita na marami ang naqualified sa 1st screening ng ginawang audition ng Glee club. At isa sa mga nakapasok ay talagang nagstand-out raw. Kaso, nakakalungkot isipin na wala ako sa araw na iyon kasi busy talaga ako for the past few days para sa incoming Science Month at sekreto daw ang identity ng girl.
Papasok na sana ako sa next class ko ng nakita kong paparating si Gail. Bigla na lamang akong nagpanic sa hindi malamang kadahilanan. Babatiin ko ba siya? Iiwasan? Hmmn, second choice na lang.
Nasa bintana pa ako ng unang room sa class ko kaya nahihirapan pa akong tumalikod sa dinaraanan at kung haharap naman ako sa bintana, para akong loka-loka kasi 1st year students ang naka-occupy at wala naman akong ibang close kundi ang teacher nila na hindi pa dumarating. So, ang ginawa ko na lang, yumuko at nagpa-as if na tinatali ko ang shoes ko kahit wala naman akong dapat itali kasi parang doll shoes ang style ng school shoes ko.
Buti na lang at hindi niya masyadong tinuunan ng pansin ang mga taong dinaraanan niya especially ako. Kasi naman, parang masyado siyang nakafocus sa pagmemorize ng nakasulat sa papel na hinahawakan niya. Pero nang napadaan na siya sa side ko, I heard that she's humming a familiar tune. Siguro namali lang ako ng iniisip or gawa-gawa lang ng utak ko 'yun kaya hindi ko na lamang inintindi na baka...
No way.
Don't tell me na baka siya ang sinasabi ng mga taong nagstand-out sa first screening ng Glee Club. Memorizing Forever’s Not Enough is an evidence. Isang napakalaking pangamba, takot at hinala ang bumangon sa isipan ko deep inside. Pero ko ‘yung iwinaksi sa isipan ko kasi parang napakaimposible nga. Since, Christian never told me that she was into music.
Yes.
Impossible.
~~~~~~~~~~~~~~~
The irony of life.
"Impossible. The word itself said that I’m possible." sabi nga nila.
Oo na! Inaamin ko. Binabawi ko. Possible ngang si Gail ang sinasabi nilang nagstand-out sa ginawang audition for the new members of Glee Club.
That day, sinabihan kaming magpresent sa madla after classes to showcase our new members. And since wala si Kuya Keith na chancellor namin at master rin pagdating sa instruments especially sa piano, ako ang naging instant tagapagtugtog nila since ako daw ang masasabi nating well-trained sa pangangalaga niya at bonus na lang na alam ko ang lahat ng songs na kakantahin nila.
Alam ko namang pinlano talaga nila na si Gail ang huling kakanta kahit iginigiit pa nila na coincidence lang 'yun, para marami pang tao ang manonood sa amin, since that girl has many fans.
At dahil walang nakakaalam sa napakasecret kong crush–na turning to love ko kay Christian, no one really know about how I felt at that time. Panibugho, kawalan ng pag-asa. For short, I almost broke. Buti na-managed ko pang tumawa. Gusto ko na ngang palakpakan ang sarili ko para sa pagiging martyr ko. But let us set aside to what I feel since ako lang ang nakakaalam nito, di ba?
Nagsimula na akong tumugtog, nagsimula na ring kumanta si Gail.. Yes, may voice siya but its not so impressive. Hindi dahil sa pagiging bitter ko kaya nasabi ko ‘yun pero dahil na rin sa mga trainings ko under our Glee Club Adviser, Miss Laussane. And according to that traning, I can classify that Gail belongs to the Soprano A class.
Let me explain you about my beloved Glee Club. Nahahati kasi kami sa apat na grupo; soprano and alto for girls at tenor and bass for boys. Hinati pa sa dalawang classifications ang Soprano group, Soprano A and Soprano B. Soprano A ang tawag sa mga high-pitched girls na kayang maghandle ng normal at average high notes while ang mga tao sa Soprano B ay mga abnormal na mga babae kung saan akaya nilang i-handle ang lahat ng notes na ibibigay sa kanila.
After the production number with Gail singing it and with me playing the piano, (inferness sosyal ang school naming kasi may grand piano, haha!) akala ko natapos na rin ang araw ko. Akala ko nga lang. Dahil sa araw na ‘yun, sabay kaming umuwi ni Christian kasi nga gusto nya akong bantayan against bad guys daw. Feel kasi niya na isa pa akong paslit na kailangan bantayan. Hanep ano?!
‘Therese, favor naman please?’ sabi niya after siya humingi ng permiso sa Daddy ko na nasa house ngayon na sabay nalang kaming magdinner. Syempre, saan pa? Kundi kay Chowking!
‘Ano ‘yun? Basta huwag mo lang ako pabayarin dito ha? Baka mapilitan akong maghugas ng plato ngayon. Alam mo naman, sensitive masyado ang skin ko.’
‘Silly, simple lamang talaga ang pabor ko sa iyo at hindi mo kailangan maghugas ng plato.’
‘Ano ba talaga ‘yun? Ikaw ha. Baka ma-expose talaga ang beauty ko nito masyado!’
‘Exactly, kailangan mo lang naman talaga magpakapal ng mukha mo.’ Sabi niya habang unti-unting kinakain ang halo-halo niya! Sarap!
‘Ano ba? Ikaw ha. Baka papuntahin mo ako sa crush mo tapos gusto mong hingin ko number niya.’
‘Exactly.’ He said na dahilan kaya napahinto ako sa pagkain.
‘eh?’ speechless yata ako masyado.
‘Sabi ko, tama ka. Pwede ba Therese? Hingin mo number ni Gail para sa akin. Love mo naman ako di ba?’ Oo nga. Love kita. Kaya ako nasasaktan ngayon.
‘Paano kung sabihin kong ayaw ko?’ Biglang hindi maipinta ang face niya, dahilan para bigla akong matawa na ikinabigla naman niya. Still, he didn’t said a word.
‘Joke lang yun!’ I said habang tinapunan ko siya ng ilang grains ng rice na kinakain ko.
‘Meaning? Payag ka na?’
Tumango lang ako. Sabay smile.
Kahit mahirap man, handa kong gawin iyun para sa ikakasiya niya.
‘Di ba sabi nila na ang tunay na pag-ibig daw ay handing gawin ang lahat para sa minamahal nila? Kaya ‘yun ang gagawin ko.
Wait. Why is this happening to me?
Argh! Kailan pa ako natutuno ng mga mahal-mahal na iyan?
Ngayon lang.
Siya naman kasi.
‘Alam ko talagang hindi mo ako matitiis, I really love you bestfriend’ he said.
Tama nga ang kasabihang..
“Secret love would lead you to a major heartbreak.”
BINABASA MO ANG
Forever's Not Enough (completed)
Teen FictionPaano kung isang araw malalaman mo na lang na mahal mo na pala ang bestfriend mo na may mahal na palang iba? NOTE: hindi ko po alam kung bakit naging PG-13 ito. xD