Chapter 4

83 1 1
                                    

After ko tinupad ang munting kahilingan ni Christian from me, nanatili pa rin akong tahimik. Alam ko naman kung anong mangyayari after that…..

 Maging sila na.

 Pero mas masakit rin pala kung talagang nangyari iyun kaysa sa ineexpect na ng brain mo ang mangyayari. Pero, brain mo nga lang, hindi ang puso mo.

 A week before the sembreak, mga Monday siguro, may natanggap akong balita na nagsasabi na sila Christian at si Gail na daw. Kaso, ang tigas talaga ng ulo ko. Ayaw pa rin maniwala. Hanggang sa isang NAPAKAGANDANG araw, sa canteen kung saan sana isa sa pinakafavorite kong lugar, nandoon silang dalawa. Happy together. Smiling together. Laughing together. Pwede bang alone na naman? Huwag together? Sakit kasi, alam niyo? Pero hindi nga niya alam. Gaga ko kasi.

 ‘Therese!’ that was Christian’s voice. Ilang months na nga ba niya ako hindi tinawag? Hmmmn. Magdadalawang buwan na siguro.

 ‘Oy! Long time no see!’

 ‘Silly. Guess what?’

 ‘Ano?’ Tanong ko pa rin. Kahit alam ko naman kung ano ‘yun.

 ‘Kami na.’ He said holding Gail’s hand happily. Eh ako? Sino ang taong karapat-dapat sa gap between this precious hands? Ikaw sana ‘yun Christian, pero may Gail ka na kasi kaya hindi na pwede.

 ‘Weh? Kayo? Ni Gail? Naniwala ako.’ I said, happily, trying so hard to be happy – for him.

 ‘Hala! Hindi daw siya naniwala Gail oh!’

 ‘Haha. Naniwala na ako. Akala mo naman. Seriously, I’m happy for you, Christian.’ Sakit! Sakit! Sakit!

 ‘Thanks bestfriend. Paano ba ‘yan! Aalis na kami. Ihahatid ko muna siya sa next class niya.’

 Hindi pa nga ako nakapagreply, tumalikod na sila.

 And now I’m alone. AGAIN.

 Wooh! Stupid Cupid! Stop breaking my heart!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 Sembreak na! Pero wala naman akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kaya wala akong maikwento masyado. Sorry. First time ko kasi maging emosyonal. Nakakasira rin pala ng ulo ‘yun!

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 After sembreak, syempre, klase na naman. Sabi ng mga kaklase ko na pumayat daw ako. Which was quite obvious. Ang laki na ng ipinagbago ko. Hindi na ako masyado tumatawa which was obvious na pala. Tinanong nila kung okay lang ako. Okay lang naman. Smile pa rin.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 November 23.

1:43 P.M.

 Birthday ko na.

 Ang saya-saya ko nga. Nakatuntong pa ako ng Fifteen. At syempre, masayang-masaya ako kasi pupunta siya ngayon sa birthday.ko. Every year, nasa tabi ko siya kapag blowing of candles ko na except na lang sa 2 last years, umalis kasi siya pero inferness, hindi niya nalilimutan magpadala ng gifts niya. Kaya ngayon excited na ako kung ano na naman ang isusuot niya.

 5 P.M. na pero wala pa rin siya. Ngayon lang siya na-late ng ganito. Dumating na halos lahat ng mga inimbita ko pero siya na lang ang wala. Nandito na sila Joy, Bea, Luz, Kuya Keith, Kimberly, Grace, Poala, at kung sinu-sino pa. Na-blow ko na ang candles at tapos na rin kaming kumain pero hindi pa rin siya dumarating. Pinilit kong maging masaya para na rin sa birthday party ko at para na rin sa mga bisita ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan ng bigla na lang inabot ni Vic sa akin ang cellphone niya at sinabing si Christian daw ‘yun kaya agad ko namang tinanggap. Susumbatan ko na sana siya ng narinig ko ang boses ni Gail sa other side. Akala ko si Christian ito.

 ‘Puntahan na lang kaya natin siya Christian kahit presence na lang natin.’ Narinig kong sinabi ni Gail kay Christian.

 ‘Huwag na. Alam kong maiintidihan ni Therese. Quiet ka muna heart ha? Hello’

 Tumahimik muna ako para naman hindi niya mahalata na narinig ko ang pag-uusap nila.

 ‘Hello? Hello?’

 ‘Oh! Hello? Sino po ito?’ I said. Kahit alam ko naman na si Christian ‘yun.

 ‘Hindi mo na natandaan ang boses ko Therese?’ Sabi niya na nasa himig ang pagtatampo.

 ‘Si Christian ito?’

 ‘Come on, Therese. Sorry kung hindi ako makakarating diyan ngayon.’

 ‘Pansin ko nga. Malapit na nga kaming magkaraoke – ‘ Hindi pa ako natatapos sa paglilitanya ng may biglang kumuha sa cellphone sakamay ko.

 ‘’Tol! Congrats!’

 ‘Ikaw ha! Paburger mamaya.’

 ‘Happy Monthsary Christian!’

 ‘Huh? Anong pinagsasabi ninyo?’ Tanong ko. Na obviously nalilito. Kasi hindi ko alam kung ano ang ipinagsasabi nila.

 ‘Hindi mo pa alam na may relation na si Christian at si Gail?’ Tanong ni Poala sa akin.

 ‘Alam ko. Before sembreak pa nga iyun.’

 ‘Well, ngayon ang monthsary nila.’ Sabi naman ni Grace na isa sa mga closest friend ko.

 I guess tapos na ang friendship namin. Hindi na pala niya ako kailangan. Tumayo na lang ako na ikinabigla nila  at binigyan ko sila ng pinakasweet kong smile. At binalingan sila Daniel at iba pang lalaki na maayhawak ng cellphone ni Vic.

 ‘Psst. Kayo! Pakisabi kay Christian congrats ha!

 Nakailang hakbang pa lang ako ng biglang sumakit ang dibdib ko na tipong hindi na ako makahinga.

 ‘Therese, okay ka lang?’ tanong ng Tita ko na nasa likuran ko lang pala.

 ‘Okay lang po ako.’

 Naka-isang step pa lang ako ng bigla na lang akong nahilo.

 Everything turned black.

 The next thing I knew, nasa hospital na ako.

Forever's Not Enough (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon