Chapter 16

528 16 0
                                    

Napalitan ng takot ang saya ko ng malaman kong Mommy ni Jason ang kaharap ko. Nakatitig ito sa amin ni Angel.

" Totoo pala ang sinabi ni Kasandra? bakit hindi mo sinabi Jayson ako na Mommy mo ang huling makakaalam ng tungkol sa anak mo" nag punas ito ng luha ngunit wala naman akong makitang luha dito.

"Kristine ipasok mo muna si Angel sa room." kinarga ko si Angel papunta sa kwarto. Kinakabahan ako. Mukha namang mabait ang Mommy nito pero nag aalala parin ako na baka hindi nito matanggap ang sitwasyon namin ni Jason.

Nakatulog na si Angel kayat lumabas ako nag timpla ako ng maiinom para dito.

" Uminom po muna kayo." alok ko dito.

" Kristine right? " tanong nito. Tumango ako dito.

" Alam mo ba na engaged na si Jayson? at hindi maganda na nakatira kayo sa iisang bubong?" kumuha ito ng sanitazer at ipinahid sa mga kamay. Bago inabot ang juice at inumin ito.

Hindi ko alam ang isasagot ko.. " She knows Mi!" si Jayson.

" Habang wala pang DNA bakit hindi mo sila ikuha muna ng matitirhan. " sagot ng Mommy ni Jayson.

" Hindi na po!" nabigla ako sa sinabi ko. " Sana po pagbigyan nyo muna kami ni Angel dito. Humihingi po ako ng pasensya."

"Si louie ang nag suggest na mag stay sila dito. Sige na kristine pumasok kana." Utos ni Jayson.

" Jayson! paano si Kassandra ang family nito kapag nalaman ito!" narinig ko pa ang huling sinabi ng Mommy nito ngunit hindi na ang sagot ni Jayson.

Totoong kapag sumobra ang saya mo may kapalit itong problema. Kanina ang saya saya ko ng makipag laro sa amin ni Angel si Jayson. Halos gusto kong umiyak.. finally kahit isang araw lang nakita ko itong ngumiti sa amin ni Angel.

Ano nang mangyayari ngayon sa amin ni Angel.. wala akong magagawa kung ipagtabuyan kami nito ngayon din.

Hindi ako makatulog alam kong nakaalis na ang Mommy ni Jayson kayat lumabas ako para mag laba. Dalawa lang ang damit ko at apat ang kay Angel kayat halos araw araw akong maglaba ng damit namin. Sinasabay ko ang ibang damit ni Jayson ng hindi nito nalalaman. Para kahit sa paglilinis or pag lalaba makabawi kami sa kinakain namin ni Angel.

Malaki ang laundry room ni Jayson. Automatic ang dalawang washing machine nito. May upuan at lamesa dito. Umupo ako habang inhiga ko ang ulo at katawan ko sa lamesa. Iniisip ko parin ang naging pag uusap ni Jayson at ng Mommy nito.

May ulong biglang sumungaw sa mukha ko! Napatayo ako at nagkauntugan kami... ni Jayson.

Sa mukha  ito tinamaan at sa ulo naman ang sa akin. Napahawak ito sa pisngi.

" Oh my God! sorry!" bigla kong naipatong ang kamay ko sa kamay nito na nkahawak sa pisngi nito. Tinanggal nito ang sariling kamay kayat nakita kong namunula ang pisngi nito.

" Hindi ko sinasadya!" lumabas ako ng laundry room at kumuha ng ice pack. Nakaupo na ito sa silyang inuupuan ko ng bumalik ako sa laundry room. Iniabot ko dito ang ice pack.

" Ok lang medyo nawawala na ang sakit" ayaw nitong kunin ang ibinibigay ko kayat ako na mismo ang nagdampi nito sa mukha nito.

Napangiwi ito sa sakit. Kayat napahawak ito sa kamay ko na may hawak ng ice pack. Hindi ko alam kung bibitawan ko ba ang hawak kong ice pack dahil malalaglag ito for sure dahil kamay ko ang hawak nito at hindi ang ice pack.

Huminga ako ng maraming beses upang kumalma ang dibdib ko.

" Wag mo ng isipin ang sinabi ng Mommy ko.  Ako ng bahala doon" nakangiwi parin ito sa bawat pag dampi ko ng ice pack sa pisngi nito.

" Baka mag ka pasa ito bukas" iniba ko ang sagot ko sa sinasabi nito.

" Hindi may ointment ako lalagyan ko mamaya." sagot nito

" Ako na ang maglalagay san nakalagay ang med kit mo?" akma akong tatayo mabilis na hinawakan nito ang kamay ko na may hawak ng icepack.

" Gabi na bakit naglalaba kapa?" hindi rin nito sinagot ang huling tanong ko.

" Hindi kasi ako makatulog, hindi dahil sa Mommy mo dont worry. Gusto ko lang maglaba!" ngumiti ako dito.

Nakatitig ito sa akin.. matagal kayat bigla akong na concious.

" May dumi ba ako sa mukha o maganda lang talaga ako?" gusto kong mawala ang katahimikan sa pagitan namin ni Jayson.

Tumawa muna ito bago sumagot. " Tumaba kana pala!" namula ako sa sinabi nito! ako mataba! diniinan ko ang yelo na nasa mukha nito kayat napaaray ito.

" At ikaw magaling ka paring mambully!" inirapan ko ito! diet nga ako eh sasabihan pa akong mataba!

" Im just kidding! mas bumagay nga sayo kesa dati na ang payat mo.!" nakangiti ito.

Alam kong nagsasabi ito ng totoo. Kayat tinanggal ko na ang ice pack sa mukha nito. masyado nang nalalamigan ang mukha nito.

" Lagyan mo yan ng ointment para mawala ang pasa. "

" Kapag ito nagkapasa lagot ka kay Louie palalayasin ka non! mas galit sa akin iyon kapag may mosquito bites ako!" pananakot ni Jayson.

" Di nga?" kinabahan ako sa sinabi ni Jayson.

Tumawa na nman ito ng malakas..at lumayo sa akin.

" Bugbugin kaya kita ng mag kulay ube kana! pinagttripan mo ko!" Tumayo ako upang habulin ito.

Nang maabutan ko ito mabilis na nahawakan nito ang kamay ko. Nakatitig ito sa akin. Napako ang mata ko sa mga labi nito hahalikan ba ako nito? Oh my!

" Tapos na yung washing mo taba!" mabilis itong lumabas ng laundry room.

Finally unti unti nang natatanggal ang harang sa pagitan namin ni Jayson.














Sweet Melodies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon