Chapter 1

9 0 0
                                    

The name is Vianne Iris Helms. 24 years of existence minus two.i was in coma for two years. After the accident that almost took away my life,now i was here lying in a hospital bed,fighting for another chance to live.wearing a hospital gown while surrounded by machine and different tubes in my mouth and nose just to keep me alive.

Everyday my soul visits my lifeless body. Tinitignan ko kung may progress ba o wala. Kung makakarecover ba o hindi. Nakakasawa na ngang maghintay kung kailan ako babalik sa katawan ko. Nakakapagod mag abang ng himala na walang kasiguraduhan kung dadating nga ba.

Two years ng buhay ko ang pakiramdam ko nasayang. Ang dami ko na sanang nagawa. Siguro nga ay ikinasal narin ako.

Sa kasalukuyang paglalakbay ng kaluluwa ko marami akong nakilalang tao. Sinasaniban ko ang iba para hiramin ang saglit na pagkakataon para magawa ko ang gusto ko. Sa paraang ganito parang hindi narin ako na coma, pakiramdam ko normal ako at buhay. Sa pagsanib ko sa iba, nabibisita ko pa ang pamilya ko kahit hindi nila ako kilala nagpapanggap na lang akong ibang tao na malapit sa sarili ko.Ng sa ganun ay makasama ko sila. Alam ko selfish ako pero wala naman akong choice ayokong magmukmok sa ospital habang tinititigan ko ang sarili kong nakaratay.

Nakakilala din ako ng isang pamilya, ang Chance family. Si Kendrick at ang asawa niyang si Aubrey. May dalawa silang anak si Reese at Mikiel 3 years old na identical twins. They live a comfortable and happy life. Nagtatrabaho si Kendrick bilang isang Engineer at si Aubrey naman ay isang Doctor.

Temporary akong naninirahan sa kanila syempre hindi nila ako nakikita. Kapg may pagkakataon ako hinihiram ko ang katawan ni Aubrey at nagpapanggap na siya. I play with the kids and adore them,Im starting to love them as my own children.Nagpapanggap din akong si Aubrey kapag nandiyan ang asawa niya. Hindi ko pinlano to nangyari na lang bigla. Alam ko hindi tama at masama ang ginagawa ko at unfair talaga para kay Audrey na inaagawan ko na siya ng sarili niyang buhay at pamilya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na at ito lang ang tanging paraan para maramdaman kong buhay parin ako.

Their family is a perfect fit. The way i dream about my future is their reality. A perfect husband and responsible father like kendrick. a loving children like Reese and Mikiel. how I wish i was Aubrey. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kanila dahil pagising ko nalang isang araw kasama kona sila. Akalain nyo natutulog din pala ang kaluluwa?

Hindi ako pwedeng magtagal sa katawan ng isang tao hanggat gusto ko. May limitasyon din kung gaano katagal. Pwedeng linggo o buwan pero hindi ng taon. At hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay pwede kang humiram ng katawan na pwedeng masaniban. Maswerte lang ako dahil effective ng subukan ko.

"Mommy" tawag sakin ng kambal nagulat ako dahil nakalimutan kong ginagamit ko nga pala ang katawan ni aubrey ngayon.

"Ahhh yes babies? What is it?" Madali kong sagot

"We're Sleepy." At tsaka nag yawn si Reese.

Tinignan ko ang wristwatch na suot ko 7pm na pala ng gabi.

"Awww, okay my babies are sleepy lets go to bed now....come" binuhat ko si Reese habang hawak ko ang kamay ni mikiel.

"Mom, wheres dada??" Tanong ni mikiel

"Ah uhm, Dada is still in work. He's going to come home late" pagdadahilan ko nalang sa kanya

"He promised he'll come home early and will read us a story before we sleep right Reese?"

Tumango naman ang tila antok na antok ng si Reese.

"Mommy will read you a story tonight is that okay?"

"Okay"

Nakarating na kami sa kwrto nila at Inayos ko na sila sa paghiga. Tuluyan ng nakatulog si Reese habang si mikiel naman ay Hinihintay pang basahan ko siya ng libro. Matpos kong gawin iyon ay nakatulog narin siya. Lalabas na sana ako ng pinto ng bumukas ito bigla at pumasok si Kendrick.

"I'm home! "Sabi niya

Agad naman akong nagpahiwatig na wag siyang maingay at natutulog na ang mga bata.

"Awwwww, my babies were asleep already. Daddy broke his promise again im sorry kids." At hinalikan niya ang mga ito sa noo.

Matapos nun ay tumingin na ulit siya sa akin. Hindi ko alam ang pakiramdam pero bigla akong kinabahan. Nilapitan niya ako at tangkang hahalikan ngunit umiwas ako.

"Hon? Anong problema mo?" Tanong niya sakin

"Ahh wala naman. Medyo pagod lang siguro. Mabuti pa mauuna na akong matulog, sumunod ka na." At lumabas na ako ng pintuan

Ilang minuto lang ay natapos na siyang maligo at magbihis ng pang tulog. Tumabi siya sa akin at niyakap ako. Inalis ko ang kanyang kamay at nag ayos ng higa.

"Hon, may problema ka ba?" Miluli niyang tanong

"I dont know. Pero Wag kang mag isip, okay lang ako. Napilitan akong halikan siya sa pisngi

"Goodnight" sabi ko

Ngunit muli niya akong niyakap. Hindi na ako makatanggi dahil baka magtaka na siya lalo at maging dahilan pa ng pag aaway nila.

Nakokonsensya ako sa ginagawa kong ito, pero hindi ko pwedeng itigil. Ito lang ang paraan para mabuhay ako. Kahit ginagamit ko ang katawan ni aubrey, hindi ko naman iniisip na dumating ako point na ayoko nang umalis pa sa katawan niya para lang makasama si kendrick at ang mga bata. Ayokong mahalin ang lalaking hindi naman ako ang mahal. . Kung ganun man ang mangyayari niloloko ko na pati ang sarili ko.

Already HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon