"Mang, pang. Nandito na po ako"-sabay bukas ko ng pintuan upang pumasok.
Tumambad sakin ang nakahaing pagkain sa maliit naming lamesa ngunit walang tao.
Nasan nanaman kaya sila?
" Mang, pang? "-saad ko habang inililibot ko ang paningin ko sa paligid.
" Naku anak nandito kana pala! "-masayang sambit ni mamang. Agad akong nag-mano sa kanya.
" Kamusta ang unang araw mo sa skwelahan?? Maayos naman ba ang pakikisama nila sayo? Marami ka na bang kaibigan? Anong-----"
Sumenyas ako na tumigil muna siya kaya naman hindi na natuloy pa ang tanong nito. Kung ang ibang nanay ay walang paki sa kanilang anak pwes si mamang ay iba dahil bawat araw na nangyayari sa buhay ko ay dapat alam niya palagi! Makulit si mamang at palatanong ngunit mahal na mahal ko sila ni papang!!
"Mang ayos lang naman po sakatunayan po ay mababait ang mga bagong kamag-aral ko kaya wala kayong dapat ipag-alala sakin"-sambit ko sabay upo sa upuan.
Ayoko munang sabihin kay mamang na medyo kakaiba ang mga studyante sa pinapasukan ko.
" Mabuti naman kung ganun, kaya ka namin pinasok sa skwelahang mamahalin na yun upang makaiwas ka muna sa pag no-nobyo "
Napabuntong hininga nalang ako saka na ako ng sandok ng kanin ko. Palaging pinapaalala sakin ni mamang na bawal muna akong mag nobyo. Eh wala naman talaga akong balak don ang mahalaga sa akin ay ang makapagtapos ako ng aking pag-aaral upang sa gayon maipagmalaki ako nila mamang at papang at matulungan sila balang araw..
"Oh nandito kana pala anak! "-masayang sabi ni papang na kadarating lang galing banyo. Agad itong kumuha ng plato at magsasandok sana ito ng tapikin ni mamang ang kamay niya.
" Ano ka ba naman honey wala ng kakainin ang anak mo! "-sabi ni mamang.
" Eh nagugutom pa ako honey pagbigyan mo na ko "-sabi naman ni papang at nagpaawa effect pa kay mamang.
Inirapan ni mamang si papang sabay sabing. "Nakakainis hindi kita matiis honey! "-sabi nito sabay ismid.
Niyakap ni papang si mamang sabay sabing. " Salamat honey ko! Mahal na mahal mo talaga ako at mahal na mahal din kita! Pa kiss nga! "-sabi ni papang saka ito ngumuso upang halikan si mamang ngunit tumalikod ito sakanya..
Napangiti nalang ako sakanilang dalawa. Masaya ako dahil nasasaksihan ko palagi sila mamang at papang na nagmamahalan..
" Ano kaba! Hindi kana nahiya nasa harap lang natin yung anak mo! "-sabi ni mamang sabay tingin sakin.
" Ah hehe kain na tayo "-aya ni papang.
Tahimik lang akong kumakain habang nakangiti dahil sa kanilang dalawa. Hehe ganito talaga ang pamilya namin. Kanina pa ako nilalanggam dito sa upuan ko dahil sa tamis ng kanilang pag-iibigan. Hayss bigla ko tuloy naisip kung magkakaroon din ba ako ng taong kagaya ni papang na sobrang mapagmahal at maalaga kay mamang?
....
Kwarto
Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip yung pangayayari kanina sa skwelahan.
Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit nila tinatawag na empress yung babaeng yun?
Ni hindi ko siya namukhaan kanina dahil ibang iba siya nong nakita ko. Nakasuot lang naman ito ng uniporme kanina ngunit bakit pakiramdam ko ang baba ko sakanya!
Empress? Anong ibig sabihin non?
Ipinalig ko nalang ulo ko sumasakit na kasi at isa pa inaantok na din ako.
Tumagilid ako ng pagkakahiga habang kaharap ko na ngayon ang rabbit na laruan ko na may hawak na carrot sa kanyang isang kamay.
Napangiti ako ng maalala ko kung sino yung nagbigay nito sakin.
" Sana magkita uli tayo nu? "-tanong ko sa laruang rabbit.
....
Nagtatakha ako habang naglalakad dahil kahit isang studyante ay wala akong makasalubong!
Anong meron?
Nagkibit balikat nalang ako saka naglakad. Hanggang sa mapatingin ako sa relo ko naku oras na pala nang aming klase sa unang subject!
Akmang tatakbo sana ako ng may humiklat sa aking braso.
" Ahh"-impit ko dahil ang kuko nito ay bumaon sa braso ko!
Unti-unti akong nag angat ng tingin. Agad kong naramdaman ang napakalamig na ihip ng hangin na dumampi sa balat ko.
Isang babaeng nakasuot ng salamin at diretso lang itong nakatingin.
"This is your first warning women"-mala robot na sabi nito.
Hindi ko alam pero bigla akong natakot sakanya!
"O-oo"-kinakabahang sabi ko sakanya saka naman niya binitawan ang braso ko.
Nagpamulsa muna ito bago maglakad palayo sakin. Habang naglalakd ito ay nakatingin lang ako sakanya. Napansin ko ang isang notebook na kulay pula sa kaliwang kamay niya habang ang kanan naman niya ay nakasuot ng itim na gloves..
Teka ano ba yung sinabi niya? Hindi ko kasi masyadong naintindihan heheh.
Hoy maricel huli kana sa klase ano pang tinutunga-tunganga mo jan?! -sabat ng isip ko.
Oo nga pala huli na ako sa klase! Naku naman! Tumakbo na ako ng matulin papuntang ikatlong palapag..
@Rainbow Faded🌈
BINABASA MO ANG
Girl Academy (GXG)
HumorGIRL ACADEMY KUNG SAAN TANGING MGA KABABAIHAN LAMANG ANG NAG AARAL DITO. NO BOY'S ALLOWED OR WELCOME HERE!🚫 Started: October 18,2018 Finished:?