Ilang araw narin ang lumipas simula ng makilala ko si Jean. Iniiwasan at pinangdidirihan ng karamihang studyante dahil sa itsura nito.
Pinagmasdan ko si jean habang kumakain ng spaghetti niya. Mukha naman siyang maayos tignan kung tutuusin. Wala naman itong kahit isang tigyawat sa kanyang muka sa katunayan mas makinis at mapino pa ang kanyang balat sa akin kung ikukumpara..
"May problema ba maricel?"-takhang tanong niya. " May dumi ba ako s-sa mu-muka? "-utal na tanong nito.
Umiling ako. " Naku wala ang linis nga ng muka mo eh hehe "-nakangiti kong sabi.
Yumuko ito saka nagpunas ng tissue sa kanyang bibig saka tipid na ngumiti sa akin.
"Ano nga palang section mo maricel? "-tanong niya sakin saka dinampot ang orange juice niya upang inomin.
" Ahh section C hehe"
"Hukkkk"
"Jean okay ka lang?? "-nag aalalang tanong ko dito dahil nabulunan ito habang umiinom.
Ilang segundo ang lumipas bago niya ako sinagot.
Pinandilatan ako nito ng mata niya. " Se-section c? Kung ganun klasmate mo si empress erz?! "-gulat na tanong niya..
Tumango ako. " O-oo? "
Bakit naman gulat na gulat siya eh normal lang naman yun kung tutuusin eh. Atsaka kating kati na yung bibig ko kung bakit ba nila tinatawag na empress si erz?
"Ano ba yung empress?? "
Nilapit nito ang muka niya sakin ng unti. "Ang empress siya ang pinakamataas at pinaka makapangyarihan na babae dito sa lahat. Ginagalang at kinatatakutan nila ito madalas dahil sa awra nitong nakakatakot"-bulong na sabi niya..
" Teka ba't kaba bumubulong? "
"Mahirap na baka may makarinig. Atsaka lahat ng mga studyante rito ay kilala siya kahit transfer pa"
Bakit parang hindi naman nakakatakot yung babaeng yun? Sa katunayan nga mukha siyang mabait eh at hindi nananakit hehe.
Naputol ang pag-iisip ko ng may sumigaw na studyante mula sa pintuan.
"Guy's may-may patay ulit! "-bulyaw nito.
Agad na napatayo lahat ng studyante at lumabas ng pintuan.
Anong patay??
Bakit sila lumalabas lahat?!
Anong nangyayari??
Hinila ako ni jean.
" Jean te-teka san tayo pupunta? "-naguguluhang tanong ko.
Halos mabunggo bunggo na kami ng mga studyanteng tumatakbo at nagmamadaling maglakad.
" Sa quadrangle! "
...
Halos mapatakip ako ng muka dahil sa nakikita ko ngayon sa harap ko. Isang babaeng may tusok ng kutsilyo sa ulo ang nakabaon at dilat na dilat pa ang mga mata nito at punong-puno ng kalmot ang kanyang muka!
"Jusko "
"Ano ba yan? Wala pang isang linggo may ganto nanaman?"
"Nakakainis baka maubos lang tayo sa skwelahanag ito huhuh"
Bulungan ng mga studayante sa paligid..
"Je-jean uumalis na tayo! "-aya ko kay jean na nakatingin sa babaeng patay na..
" Hindi na sila naawa "-seryosong sabi nito habang nakatingin sa bangkay.
Naawa saan??
Hihilain ko na sana si jean ng biglang sumulpot si leji habang hawak nito ang maliit na kulay pulang notebook sa kaliwang kamay niya habang ang kanan ay may suot na itim na gloves.
Lahat ng madaanan niyang mga studayante ay binibigyan siya ng daan.
Diretso lang itong nakatingin habang walang emosyon man lang ang kanyang muka..
Nakatitig lang ako sa kanya habang unti unting papalapit sa direksyon namin ng bigla nalang itong tumingin sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Tug
Tug
Tug
Tug
Tug
Bakit parang kinakabahan at parang hindi ako mapakali? Parang isang tambol ang puso ko dahil sa lakas at bilis nito kung tumibok! Teka ano bang nangyayari sakin?!
Hinawakan ko ang dibdib ko. " Ang lakas jean "-wala sa sarili kong sabi.
" Ang alin? "
"Yung tibok ng puso ko"
"Huh? Syempre buhay ka malamang. Alangan hindi yan titibok ng malakas diba? "
Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses nitong napakalamig. Para bang wala itong pakiramdam kung magsalita.
"Anong nangyari? "
"President naabutan po namin ang babaeng yan na nakahandusay na jan"-sagot ng isang studyante.
" Tapos? Wala bang nakakita kung sino ang may kagagawan niyan?"-malamig na tanong ni leji.
"President me-meron po akong nakita"-sabi ng isang studyante sa may gilid. Halatang kinakabahan ito sa taong nakatayo sa harapan niya..
" Anong nakita mo? "
"Nakasuot po ito ng kulay itim na hood kaya hindi ko po alam kung babae po ito o lala--ki"
"Sinong nakakakilala sa babaeng to? "-tanong ni leji sa lahat habang naka tingin sa walang buhay na babaeng nakahandusay at duguan.
" A-ako po president. Kaibigan ko po si hanna "-sabat ng isang studyante na walang tigil sa pagpatak ng luha nito hababg akay siya ng isa pang studyante.
Ibinuklat ni leji ang maliit na notebook na hawak niya at inilabas ang bullpen neto.. Ng matapos siya magsulat ay tumingin siya sa babaeng umiiyak pa din.
"Sumunod ka sakin"-utos nito.
Bumaling ito sa aming lahat sa pangalawang pagkakataon ay nagtama uli ang aming mata agad akong napaiwas sakanya.
"Lahat kayo bumalik na sa inyong mga kanya kanyang silid "
"Maricel ano pang ginagawa mo jan halika na! "
Saka ko lang napagtanto na kami nalang ang natira ni jean dito kasama sina leji at dalawang babae at ang nakahandusay na babaeng walang buhay sa sahig.
Bago kami makaalis ni jean ay may binitawan pang salita si leji pero hindi ko na ito narinig.
@Rainbow Faded🌈

BINABASA MO ANG
Girl Academy (GXG)
HumorGIRL ACADEMY KUNG SAAN TANGING MGA KABABAIHAN LAMANG ANG NAG AARAL DITO. NO BOY'S ALLOWED OR WELCOME HERE!🚫 Started: October 18,2018 Finished:?