Isang linggo na ang nakalipas sa nangyari kay hanna at hanggang ngayon usap-usapan parin siya ng mga studyante sa academy na 'to.
"Baka naman kasi may nakalaban? "
"Who knows diba? "
"Masyado naman kasing malandi yong hanna na yun"
"Your right"
Rinig kong bulungan ng mga studyanteng nadadaanan ko sa daan.Lalayo na sana ako sakanila ng biglang may kumalabit sa akin. Agad ko itong nilingon. Tumambad sakin ang tatlong babaeng naka cross arms at nakataas ang kanilang isang kilay habang pinagmamasdan ako.
"Are you transferee here? Ngayon lang kita nakita"-maarteng sabi nang babaeng napapagitnaan ng dalawang babae. Muka itong masungit.
" Oo "
Mabuti nalang at nakakaintindi na ako ngayon ng english nagpaturo ako kay jean hehe.
"What section? "-maarte ring tanong ng isa sa mga kasamahan niya na nasa kaliwa.
" C"
Nanlaki ang mga mata nilang tatlo matapos kong bitawan ang salitang ito. Ilang segundo lang ang kanilang gulat na mga muka ay napalitan ng halakhak nila.
"Seriously? "-sarkastikong sabi ng babaeng nasa kanan.
Ano bang tinatawa tawa nila? May nakakatawa ba sa sinabi ko? May topak ata tong tatlong to.
Kesa panuorin silang halos mamatay na sa kakatawa ay tinalikoran ko na sila. Mahirap na baka ma huli ako sa third subject ko terror pa naman yong teacher namin!
Patuloy lang ako sa paghakbang nang may humawak ng balikat ko at iniharap ako sakanya.
Sino pa ba edi yong tatlong babae!
" At sinong may sabi sa'yong pwede mo kaming talikoran ha?! "-inis na tanong sakin ng babaeng masungit.
" Ha? "-napakamot ako ng aking ulo. " Pasensya na hindi ko alam na dapat pala ipaalam ko muna sa inyo".
"Hahahahahahahah"-tawa ng dalawang babaeng kasama niya.
"How stupid she is right callie? "-natatawang sabi ng nasa kanang babae.
" How stupid you are bitch! "-halos ilapit nito ang muka niya sa muka ko masabi lang ang salitang stupid.
Medyo naasar na ako sa tatlong to. Relax lang maricel.
"Mauna na ako sainyo ma le late na kasi ako sa third subject ko"-paalam ko sa tatlo.
Hindi pa ako nakakahakbang ng may humiklat ng braso ko.
" Hindi pa ako tapos sa'yo masyado kang walang respeto sakin! "-madiin na sabi nito.
Isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwang pisnge ko sanhi para tumulo ang luha ko sa mga mata ko.
" Ano? Masakit ba? "-sarkastiko nitong tanong.
Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko mula sakanya.
Hinawakan nito ng madiin ang pisnge ko saka ito nagsalita." Ano sagot! "-bulyaw na sabi nito.
Gusto kong sumagot sakanya pero kahit isang salita ay walang lumalabas sa bunganga ko!
" Ano hindi ka uli sasagot? "-tanong nito uli.
Napapikit nalang ako at inihanda ang sarili na tanggapin ang isang malakas na sampal niya ulit. Ngunit ilang segundo na ang nakalipas wala pa ring palad ang tumama sa pisnge ko. Napansin kong biglang tumahimik ang paligid. Unti unti kong binuksan ang mgat mata ko. Halos manlaki ang dalawang mata ko sa nakikita ko.
Isang matangkad na babae ang nasa harapan ko. Nakasuot ito ng puting t-shirt, jeans, black shoes, at nakausot ito ng itim na cap.Napaka bango nito at napakaganda niya kahit na napaka seryoso ng kanyang muka. Bagay na bagay sakanya ang suot niya.
" E-ej "-utal na sabi ni callie.
Wala akong kahit na anong narinig na salita mula kay ej. Bigla nalang nawala na parang bula ang tatlong babaeng masama ang ugali.
Unti unting humarap sakin si ej. Nagtama agad ang aming mga mata sanhi para bumilis uli ang tibok ng puso ko!
Bakit pag nasa malapit ka hindi normal ang tibok ng puso ko. Anong meron sayo?
" Anong ginawa nila sa'yo? "-biglaang tanong nito.
Nagulat ako sa tanong nito sakin. Sa isang linggong pag-aaral ko dito sa academy ngayon lang niya ako kinausap. Palaging mag isa at tahimik si ej sa klase namin ni minsan nga hindi ko pa siya nakitang nakipag usap kina elia at ece na palagi kong nakaka kwentuhan.
Tila bawat salitang mabibitawan nito ay napaka mahalaga.
"Ki-kinausap lang"-sagot ko sakanya saka napa iwas ng tingin.
Hindi ko inaasahan ang ginawa ni ej. Hinawakan nito ang baba ko at unti unting iniharap sa muka niya. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng muka niya sa muka ko! Amoy ko na rin ang hininga niyang amoy coke na pinag halong mentos.
Tutok na tutok ito sa muka ko na para bang pinag aaralan niya bawat detalye ng muka ko!
Bigla nalang niyang binitawan ang baba ko. Saka ito tumalikod.
" Teka sa-sandali "-san naman kaya siya pupunta hindi ba siya papasok sa subject namin ngayon?
Huminto lang ito sa daan. isang linggo ko palang dito sa girl academy halos kabisado ko na ang ugali nilang tatlo dahil palaging nag kwekwento sakin si jean tungkol sa apat.
"Hindi ka ba papasok sa subject natin ngayon? "
Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi siya sumagot. Sabi ko nga eh hindi niya sasagutin tanong ko. Tumalikod nalang ako saka humakbang.
Natigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses nitong malamig.
"Papasok ako may importante lang akong aasikasuhin"
Paglingon ko sakanya ay wala na siya. Napakamot ako ng ulo ko. Minsan naisip kung nag ma-magic ba tong kaklase ko bigla bigla nalang nawawala tapos biglang susulpot!
Nagkibit balikat nalang ako saka naglakad pupuntang classroom.
@Rainbow Faded🌈

BINABASA MO ANG
Girl Academy (GXG)
HumorGIRL ACADEMY KUNG SAAN TANGING MGA KABABAIHAN LAMANG ANG NAG AARAL DITO. NO BOY'S ALLOWED OR WELCOME HERE!🚫 Started: October 18,2018 Finished:?