Paakyat na ako ng hagdan ng may humiklat sa balikat ko sisigaw sana ako ngunit bigla nitong tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Hmmm"
"Hey girl"
Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil sa nakakapangilabot na boses niya na siyang nakapagpahina ng aking katawan. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nawalan ng lakas. Para bang may humihigop nito sa katawan ko.
"Pagtapak mo palang sa academy na 'to amoy na amoy ko na ang dugo mo"-gigil na sabi nito.
Teka ano bang pinagsasabi ng babaeng to?
" Hmmm"-nagpumiglas ako gamit ang natitira kong lakas pero mas lalo akong nanghihina.
"Kakaiba ka"
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang inamoy ang leeg ko. Nakakakiliti ang ginagawa niya. Gamit ang tungki ng kanyang ilong!
"Ang bilis naman ata niya"-biglang sabi nito. " Mauna na ko cutie pie, sa susunod na magkita tayo hindi na kita papakawalan pa"-dagdag pa nito saka ko nalang naramdaman na wala na siya sa likod ko.
Hindi ko alam pero bigla nalang nanginig ang mga paa ko dahil sa hina. Hinintay ko ang pagbagsak ko sa sahig ngunit sa halip ay isang malambot na braso ang umalalay sa akin.
"Hey are you okay? "-nag-aalala ang boses nito.
Malabo ang mga mata ko kaya hindi ko maaninag ng malinaw ang kanyang muka. Ngunit bakas na bakas ang pag-aalala sa muka niya.
Bago pa ako mawalan ng ulirat ay narinig ko uli ang boses niya.
"From now on I will protect you until my last breath, I promise ,my princess"
....
Nagising ako dahil sa may paulit-ulit na humahaplos sa buhok ko. Pagmulat ng aking mga mata ay ang nag aalalang muka ni jean ang bumungad sakin.
"Sa wakas gising kana! Nag alala ako sayo! "-saka nito hinawakan ang kamay ko.
Nginitian ko siya para hindi siya mag alala sa akin masyado saka ako nagsalita. " Ayos lanv naman ako wala kang dapat ipag alala pa"-saka ko uli siya nginitian ng isang matamis na ngiti.
Ngumuso ito. "Ano ba kasing nangyari sayo ha? "-nagtatakhang tanong nito sakin.
Nangyari?
Teka ano bang nangyari?
Naguguluhan ko siyang tinignan.
" Anong tingin yan bes? "-tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya. " Wag mong sabihing wala kang naalala sa nangyari sayo!? "-dagdag pa nito.
Umiling ako sakanya.
Ano bang nangyari?
At teka anong lugar to?
Puro puti lang ang nakikita ko sa buong kwarto kahit maliit lamang ito disente pa rin itong pagmasdan.
" Nasa clinic ka! "
"Ha? Anong ginagawa ko dito?! "-nagtatakha kong tanong.
" Wala ka ba talagang naaalala ha? "-nanliit ang mga mata niyang tumitig sakin.
" Wa-wala"
Kahit isang pangyayari ay wala akong naaalala kahit isa!
"Hays, tinakbo ka dito kani-kanina lang dahil nawalan ka ng malay"
Nawalan ako ng malay? Teka pano naman nangyari yun?
Pinilit kong isipin ang nangyari pero wala akong maalala kahit! Aish!
"Ano may naalala kana ba??"-bakas ang pag aalalang tanong sakin ni jean.
Tanging iling lang ang sagot ko sakanya.
"Tsk,baka hindi mo na din ako kilala ha!"-nakasimangot niyang tanong sakin.
"Syempre naman! Kilala pa kita nu heheh"
"Mabuti naman ,siya nga pala excuse kana sa lahat ng subjects mo ngayong araw"-saad niya saka umupo sa tabi ko
Naguguluhan akong tumingin sakanya.Teka? May dalawa pakong subjects eh! Atsaka may...
May quiz pa ako sa dalawang subjects nayon! Kailangan ko ng umalis dito sa lugar na ito!
"San ka pupunta?!"
"Sa room kailangan kong pumasok!"
Agad kong inayos ang sarili ko saka kinuha mga gamit ko sa lamesa..
"Pero excuse ka nga! Ang kulit mo"-saad ni jean habang napapakamot ng kanyang ulo.
Excuse? Teka ano ba yon?
"Ah jean may itatanong ako"
"Ano yon?"-sabay kagat nito sa tinapay.
"Anong ibig sabihin ng excuse?"
Halos mabulunan ito sa tanong ko. Nagtataka ko siyang tiningnan . May mali ba sa tanong ko? Wala naman ah.
"Tu-tubig"-nahihirapang sambit nito
Agad akong nataranta at naghanap ng tubig sa paligid. Buti nalang at may isang bottle ng water sa mesa kaya agad ko itong kinuha para ibigay sakanya.
Ng mahimasmasan ito ay pinaningkitan niya muna ako ng tingin bago sumagot.
"Hayss,ano kaba naman maricel hindi kana nagbago ,hanggang ngayon dika pa din matuto tuto sa english"
"Eh wala naman kasi akong alam jan,sa probinsya kasi iisa lang yong lengwahe na aming ginagamit"
"Tss,don't worry i will teach you ,baka kasi mabenta ka dito ng wala sa oras"
Tila lumaki ang tenga ko sa aking narinig.
"Talaga jean?!"-galak na tanong ko.
Tamad na tumingin ito sakin." Oo nga kaya simula bukas tuturuan na kita".
"Yehey!"-agad ko siyang niyakap ng mahigpit .
"Teka hi-hindi nako makahinga!"
"Hehehe pasensya na ,masaya lang ako sa narinig ko e!"-masayang masaya kong sabi habang nakangiti sakanya.
"Kahit kelan napaka babaw ng iyong kaligayahan"-saka niya ako nginitian.
@RainbowFaded🌈
![](https://img.wattpad.com/cover/164839839-288-k448139.jpg)
BINABASA MO ANG
Girl Academy (GXG)
UmorGIRL ACADEMY KUNG SAAN TANGING MGA KABABAIHAN LAMANG ANG NAG AARAL DITO. NO BOY'S ALLOWED OR WELCOME HERE!🚫 Started: October 18,2018 Finished:?