Kabanata 2

2.8K 87 5
                                    

Halos lahat ng makakasalubong naming mga studyante ay nagsisi yuko at bumabati.

Siguro ay kanina pa naka kunot ang noo KO habang sinusundan ko siya hehe.

Hanggang sa....

Toink..

Nauntog ako sa likod niya!

Ang sakit naman ang tigas!

"Why are you following me lady?"-walang ganang tanong nito habang nakatalikod sa akin.


Napahawak ako ng noo ko. " Ah ehh "-teka ano nga pala yung sasabihin ko hindi ko kasi naintindihan hehe..


" What I said is. Bakit mo ako sinusundan? "-pag-uulit naman saad nito.


Teka ba't ko nga ba sinusundan tong babaeng to?

Isip

Isip

Isip

Isip

Aha! Kaya ko pala siya sinusundan kasi magpapatulong ako sakanya hanapin yung section ko hehe..


Naisip ko masyado na ba akong tumatanda para maging makakalimutan?


(o_O)

Halos lumuwa ang dalawang mata ko dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha! Isang maling galaw lang ay tiyak na magkaka-dikit ang aming mga labi!


Teka pano siya nakalapit ng mabilis sakin?!


"Answer my question lady"

"Oo! Oo! "-sagot ko nalamang kahit hindi ko naman talaga naintindihan masyado. Isa pa sino ba ang matinong sasagot kung napakalapit ng kanyang mukha sa muka ko!


" Tss "-lumayo ito sa akin saka ako nito tinignan mula paa hanggang sa tumigil siya sa..


Teka tama ba yung nasa-isip ko? Napababa ako ng tingin dahil sa dibdib ko siya nakatingin! Agad ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay ko!


Ba't ngayon ko lang napansin na nakabukas pala ang ilang butones sa blouse ko!


Napangisi ito sabay sabing.

" Flat"

Mahina ako sa english pero alam ko kung anong ibig sabihin ng flat nu!!

"Hi-hindi ako flat nu! "-saad ko sakanya na siyang ikinabalik ng seryoso niyang mukha.


" What ever flat"-saka na ito tumalikod sa akin at nagsimula ng maglakad palayo.


Flat? Oo flat nga pala talaga ako! Wala akong maipagmamalaki pero meron naman akong bagay na kaya kong ipagmalaki at ipagyabang nu..


Ng tapunan ko ito ng tingin ay napakalayo na pala nito sa akin! Ilang segundo lang kaya ako nag isip-isip nasa malayo na ito!


Kasali ata ito ng patimpalak sa pagtakbo eh!!


"Hoyy hintayin mo ko! "-sigaw ko habang tumatakbo.


Ng maabutan ko na ito hinawakan ko agad ito sa laylayan ng kanyang uniporme na siyang ikinatigil niya sa paglalakad.


Lumingon ito sa akin sabay tanong ng " Ano bang kailangan mong babae ka ha? "-inis na tanong nito sa akin.

Nakakamangha ah may tuno na siya sa pananalita niya! Kanina lang ay halos parang robot na nagsasalita dahil sa walang kabuhay-buhay na tuno ng kanyang boses.


"Diba sabi ko sayo na magpapatulong ako sayo sa paghahanap ng classroom ko heheh"


Teka ang natatandaan ko section C ako ehh..


"At bakit ka sakin magpapatulong? "-tanong nito sakin.


Bakit nga ba? Isa lang naman naiisip ko eh mukha kasi siyang mabait kahit na nakakatakot yung boses niya.


"Kasi gusto ko"-nakangiti kong sagot.


Akala ko ay magsasalita ito ngunit tinalikuran niya ako!

Napaka bastos naman ng babaeng ito nagpapatulong lang naman akong maghanap ng section ko eh!


Kaya ang ginawa ko ay sinabayan ko siya ng paglalakad niya.

Wala paring pinagbago ang asal ng mga studyanteng babae na nakakasalubong namin sa daan.


Teka kanina pa ako nagtataka kung bakit nila ito ginagawa eh siya lang naman yung nakikita kong binabati at may kasama pang yuko ng kanilang mga ulo bilang isang pagbibigay galang.Para siyang isang prinsesa kung ituring nila.


"Omg sino ba yang babaeng yan? Kanina pa siya sunod ng sunod kay erz! "

"Wag ka ngang maingay kate baka kasintahan niya yan! "

"Seriously? "


Tama ba yung narinig ko kasintahan? Hindi ba pwedeng magkaibigan kami?! Atsaka babae siya at babae din ako nu! Nakakaloka din tong mga babaeng to. Haysss.



"Damn you lady! Why are you still following me?! "

Gulat akong napabaling sakanya dahil sa tanong nitong nakakagulat at nakakatakot na tuno! Siguro kung bata ang pinagsabihan niya nito ay baka umiyak na huhuhu..


Tinitigan ako nito at mukhang alam niya ata na hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito..


"Bakit mo ba ako sinusundan? Kung magpapatulong ka sa paghahanap ng room mo huwag ka sakin magpatulong sa iba! Naintindihan mo ba ha?! "


Teka bakit ba parang galit sila sakin lahat? Wala naman akong ginawang kasalanan. Ang akala ko ay marami akong makikilala na bagong mga kaibigan dito pero akala ko lang pala.


"Pa-pasensya na sa istorbo"-saad ko sa mababang tuno ko saka na ako tumalikod sakanya at naglakad.




@Rainbow Faded🌈

Girl Academy (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon