Kabanata 1

5.8K 139 1
                                    

Pagpasok ko palang sa loob ng skwelahan ay tumambad agad sa akin ang mainit na mga tingin ng mga babaeng studyanteng naka-tayo sa gilid ng gate.

"Look at her"

"Hindi pamilyar muka niya"

"Yan ata yung bagong salta! "

"Really? I can't believe na matatanggap siya dito sa academy na to! "

Bulungan ng mga studyanteng babae sa paligid ko! Seryoso hindi ata bulungan yun kundi parinig!

Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad lakad nalang ng maalala ko na hindi ko pala alam kung saan ang classroom ko!

Pano to? Ni wala akong kilalang mga studyante dito! Malamang sa mas lamang eh transferee nga pala ako dito hehe..

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na may nakabunggo na pala ako.

"Ouch"-daing nito.

Agad kong iniabot sakanya ang aking palad upang tulungan siyang makatayo ngunit halos mangawit ang kamay ko na nakaabot sakanya pero hindi niya ito tinanggap at kusa nalang siyang tumayo.

Sumalubong sa akin ang iritang mata nito habang nakatingin sa akin!

"Paumanhin"-saad ko saka yumuko unti. Sanay na ako na yumuyuko kapag humihingi nang paumanhin.

" I don't need your sorry bitch! "

Ano daw? Hindi ko masyadong naintindihan dahil laking probinsyana ako at isa pa purong tagalog lang ang madalas na salitang itinuturo sa amin!

Lumapit ito sa akin at tinulak ako sa balikat sabay sabing. "Ang kapal naman ng mukha mong gawin sakin ang bagay na yun! "-galit na saad nito sakin.

Humingi naman ako ng paumanhin sa babaeng to bakit galit na galit siya sakin? Hindi paba iyon sapat? Sa amin kasi kapag humingi ka ng paumanhin ay patatawarin ka nila agad ngunit kakaiba naman ata itong babaeng nasa harapan ko.

Pinasadahan ko ito ng tingin. Maganda ang mukha nito at may kurba ang katawan na tinatawag nilang 'sexy' at meron itong mapinong balat na hindi naman masyadong kaputian yung sakto lang ba.

"Are you such a stupid?! "-ulit na tanong nito sa maarteng tuno.

" Paumanhin uli hindi ko naman sinasad----"-hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil dumampi na sa aking kanang pisnge ang kanyang pwersadong palad.

Tila namanhid ang aking pisnge sa ginawa niyang pagsampal sa akin. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal!!

"Ano bang problema mo?! Humingi na nga ako ng paumanhin sa iyo hindi ba? "-inis na tanong ko sakanya na siyang ikinatagis ng ngipin niya.

Tila mas lalo ko itong ginalit!

" Omg ano yan? "

"May kaaway si Jane! "

"Hindi niya ba kilala yang kinakalaban ng babaeng yan? "

Napatingin ako sa mga studyanteng nakatingin sa amin! Nakaramdam ako ng hiya sa loob looban ko.

"Ang lakas naman ng loob mong taasan ako ng boses! "-matapos nitong sambitin ang salitang yan ay agad nitong hinablot ang buhok ko!

" Ahh tama na!! "-wala akong magawa kundi ang masaktan lang sa pinag gagawa sa akin ng babaeng nananakit sa akin!

Hindi ako marunong manakit at gumanti!

" What's happening here?! "

Matapos naming marinig ang malamig na boses na nagtanong na nagmumula sa likod ko ay bigla nalang tumahimik ang kapaligiran dahil sa boses na iyon.

"Erz"-sambit ng babaeng nanambunot sa akin habang nakatingin sa likod ko.

" What?! I thought you will change? "

Napayuko ang babaeng nanambunot sa akin.

"I'm sorry"-matapos nito sambitin ang salitang yun ay tumakbo ito palayo sa kinatatayuan ko.

Anong problema niya? Akala ko ba matapang at palaban ang babaeng yun pero bakit tila tumiklop naman yata ito?

Dahil sa kagustuhan kong mausisa kung sino ang nasa likod ko ay unti unti akong lumingon.

Halos mapanganga ako sa isang babaeng matangkad na nakatayo at nakapamulsa ang isang kamay nito sa bulsa ng suot niyang palda. Hindi ko aakalain na makakakita ako ng isang napakagandang studyanteng nilalang dito sa skwelahan na ito!

Ang akala ko ba ay walang ginawa ang diyos na taong perpekto? Ngunit ang isang ito?

Nakaka----

"Can you stop staring at me! "-saad nito sa malamig na tuno.

Ang suplada naman nito.

Teka ano daw yung sinabi niya?

" Ha? Ano yung sinabi mo? "-tanong ko sakanya.

Eh hindi ko nga masyadong naintindihan yung sinabi. Ang naintindihan ko lang ay yung 'stare' hehe..

" Are you serious about your question?"

Teka ba't ba napakalamig ng boses nito nakakatakot! Kababaeng tao hindi marunong magsalita man lang ng mahinhin o tamang tuno para sa boses babae!

Napakamot ako ng ulo sabay sabing. "Hindi ko kasi masyadong naiintindihan ang english eh"

Akala ko magbabago ang reaksyon ng muka nito na wala man lang kabuhay buhay ngunit nagkamali ako!

"Talk to your own"-saka na ako nito tinalikuran.

" Teka hoyy hindi ko nga kasi masyadong naintindihan! "

@Rainbow Faded 🌈

Girl Academy (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon