Kabanata 6

1.7K 66 0
                                        

Kulang nalang lumipad na ako sa sobrang bilis kong tumakbo. Hayss mabuti nalang at sana'y ako sa probinsya naming makipaghabulan sa mga batang makukulit don. Bigla ko tuloy naalala sila marikit at makisig na kambal. Kamusta na kaya sila don?

Nawala ako sa pag-iisip dahil narinig ko ang boses ng guro namin mula sa loob. Nakakatakot talaga ang boses niya!

Unti-unti kong binuksan ang pintuan at nang tuluyan ng mabuksan ito ay tumambad sa akin ang mga kaklase kong nakatingin sa akin.

Binigyan ko lang sila ng ngiting alanganin. Paano naman eh grabe sila kung makatingin sa akin para bang isa akong kontrabida sa palabas! Eh ako kaya yung bida hehe..

"Miss lumiwag your 10 minutes late. Why are you late?? "

Ano daw?

Napakamot ako ng batok ko. "Ah ma'am ano pong sinabi niyo? Hi-hindi ko po kasi naintindihan "

"Hahahahahahahahahahaha! "

"Ano ba yan simpleng tanong lang hindi pa naintindihan! "

"So cheap "

"Palibhasa laking probinsya kaya walang alam! "

Sambit ng mga kaklase ko. Bigla akong napahiya at nawalan ng kompiyansa sa sarili. Isa lang naman akong hamak na probinsyana na hindi makaintindi at marunong mag english. Bobo kumbaga.


"Quiet! "-bulyaw ni missis chu. Agad naman silang nagsitahimik lahat.


" Hindi na bale miss lumiwag. Maupo ka nalang sa iyong upuan"


Nakayuko ako habang naglalakad palapit sa upuan ko. Ramdam ko pa din ang mga matang nakatitig sa bawa't kilos ko. Hanggang sa marating ko ang upuan ko at naupo ako agad habang nakayuko pa din.




Ma's okay pa sa probinsya mag-aral kahit hindi gaano nagtuturo ng english ang mga guro don. Tama nga ang sinabi nila na sa maynila madaming masasamang loob at puro gulo lang. Pero wala naman akong magagawa nandito na ako/kami hindi kami pwedeng umalis. Hindi ko din alam kay mamang at papang kung ano ang dahilan kung bakit kami lumipat ng tirahan dito sa maynila.



"MARICEL LUMIWAG? "


Napatingin ako sa guro naming tinawag ang pangalan ko. Masyado yatang nawala ang isip ko ngayon! Nakalimutan ko nasa skwelahan nga pala ako!



Tumayo ako habang nakatingin kay ma'am chu. Sumenyas ito na umupo ako agad saka bumalik sa folder na hawak niya.



Hoh kinabahan ako akala ko pagsasagutin ako nito ng tanong. Mabuti naman at hindi. Lutang pa naman isip ko ngayon nasa probinsya hehe..



"ELIANA MARIE ALONZO? "


"Present"


"ECESHA KIANA DEL MUNDO? "


"Madam chu here i am! "-sabay taas ni ece sa kanang kamay niya na katabi ni elia.



" ERZIA KAZE MONTALBAN? "


"I'm here"-tamad na sabi ng kadadating lang na babae na si erz.



Habang naglalakad ito ay nakatingin ito sa deriksyon ko. Huh? At ba't niya naman ako tinitignan?.


Girl Academy (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon