Prologue

160 5 1
                                    

Natutulog si Jae-eun sa kanyang kwarto nang magising sya sa isang panaginip. Napansin nitong may nakatayo sa isang sulok ng kanyang kwarto.

"Mukhang masama ang panaginip mo? Nakita mo ba ang iyong kamatayan?"

tanong ng nilalang na nakatayo at naglakad ito palapit sa kanya.

Nagulat si Jae-eun nang makita ang isang anghel na nasa loob ng kanyang kwarto. Mayroon itong gintong buhok at malaking pakpak ng tulad ng sa isang kalapati. May suot din itong magandang baluti at may nakasukbit na espada sa baywang.

"Samiel.. anong ginagawa mo dito?"

tanong ng dalaga.

"Alam kong alam mo.. kung bakit nandito ako Hanniah.."

sagot ng anghel.

"Sisisihin mo din ba ko.. sa pagbukas ng tarangkahan ng impyerno?"

tanong ulit ni Jae-eun.

"Sino pa ba ang dapat sisihin? Kung sumunod ka na din sana kay Mariel na mamatay.. hindi sana mangyayari ang kaguluhan na toh.."

tugon ni Samiel.

"Sinabihan nya ko.. na nakatakdang mangyari ang lahat.. alam din nyang may taong makakagawang patayin si Diablo.."

paliwanag ni Jae-eun.

"Sino? Ang kalahating tao na yun?"

tanong ni Samiel.

"Hindi naman sya ang nakapatay kay Diablo.. kundi ang pangil ng kidlat na iniwan ni Mariel sa ulo ng demonyong yun.. nakakainis talaga sya.. patay na sya pero nagawa nya pa ding matalo si Diablo."

dugtong ng anghel.

"Hindi ka ba masaya sa nangyari?"

tanong naman ni Jae-eun.

"Hindi.. dahil sya na naman ang mapupuri ni Amang Bathala.. pero gagaan ng kaunti ang loob ko.. oras na purihin din ako ni Ama.. kapag nadala na kita sa kanya at mahatulan ng kamatayan.."

sagot ni Samiel.

"Ganyan ba talaga ang galit mo samin?"

tugon ni Jae-eun.

"Hindi naman ako galit sayo.. nagkataon lang na kaibigan ka ng kinaiinisan kong anghel.. kaya mabuti pa sumama ka na.. kung ayaw mong mapahamak.."

paliwanag ni Samiel.

"Kung mamamatay lang din ako.. mabuti pang tapusin mo na ang buhay ko dito.."

wika ng dalaga.

"Hindi magiging masaya kung ako ang hahatol sayo.. mas gusto kong si Amang Bathala ang gumawa nun.. at kung hindi ka sasama.. alam mo na ang mangyayari.. hindi ikaw ang papatayin ko.. kundi ang mga kaibigan mong tao at hindi tao.."

sagot ng anghel.

"Sandali! Hindi mo pwedeng gawin yun! Hindi ka pwedeng pumatay ng inosenteng nilalang.."

tarantang sabi ni Jae-eun.

"Inosente? Huwag mo kong patawanin.. may mga pinatay na sila.. hindi na sila inosente.."

wika ni Samiel at natahimik lang dalaga sa sinabi nito.

"Ngayon.. sasama ka na ba?"

tanong ng anghel. Malungkot na bumaba ng higaan si Jae-eun at lumapit kay Samiel.

May inilagay ang anghel sa leeg at kamay ng dalaga saka sila umalis.

Cloudberry and the Guardian of Heaven (book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon