Act III
Quest 7
"Revelation"Nagising si Cloud na nasa ilalim ng isang puno at bigla syang napabangon. Napansin nya na gabi na at nakita nya ang mga kaibigan na nakapalibot sa isang siga malapit sa kanya. Nakita nya din na nakahiga sa tabi nya si Flakes na natutulog din.
"Gising ka na.. kamusta na pakiramdam mo?"
tanong ni Jong-soo na dumating sa tabi nya.
"Ah.. anong nangyari?"
tanong ni Cloud sa binata.
"Natagpuan namin kayong walang malay at naliligo sa sariling dugo.. buti naagapan pa namin kayo.."
sagot ni Jong-soo.
"Master!! Nag-aalala ako sa inyo.."
wika naman ni Seo-yun at niyakap nito ang dalaga.
"Ah.. salamat.. okay na ko ngayon.. si Flakes.. okay lang ba sya?"
tugon ni Cloud.
"Ayos na sya.. kung pangkaraniwang tao kayo.. malamang patay na kayo.."
wika ni Jong-soo.
"Oh Cloud.. kumain ka muna.."
sabi naman ni Jin nang lumapit ito sa dalaga at iniabot ang isang mangkok ng pagkain.
"Oy! Salamat! Nagugutom na nga ako eh.."
sabi ni Cloud at kinuha nito ang pagkain.
"Ano bang nangyari.. natalo nyo ba yung anghel?"
tanong ni Yasu na lumapit na din sa kanya.
"Ah eh.. ang totoo nyan.. hindi man lang nga namin sya nagalusan eh.. hehehe.."
nahihiyang sagot ni Cloud at nagsimula na syang kumain.
"Isipin mo.. hindi pa sya ang pinakamalakas sa kanila.. anong plano mo ngayon? Paano mo mababawi si Jae-eun?.."
tanong ni Jong-soo.
"Ang totoo nyan.. wala pa kong naiisip na plano.. pero hindi naman pwedeng mag-antay lang ako dito sa wala.."
sagot ni Cloud.
"Wala ka ba talagang takot mamamatay?"
yamot na tanong ni Jin.
"Ah.. syempre natatakot din kasi.. hindi ko na kayo makakasama.. pero mas natatakot ako.. na mawala ang isa sa inyo.."
tugon ni Cloud.
"Ehdi sana inisip mo din ayaw ka din naming mawala.."
sabi naman ni Yasu.
"Uuuy! Mahal na mahal nyo talaga ako noh?"
nang-aasar na tanong ni Cloud.
"Hindi noh! Kung gusto mong magpakamatay.. bahala ka.."
inis na sagot ni Yasu at bumalik harap ng siga na ginawa nila.
"Napikon?.. sya nga pala Jong-soo.. alam mo ba kung kailan magpapakita ang hagdan ng langit?"
tanong ni Cloud sa kaibigan.
"Kung hindi bukas ng umaga.. malamang sa sunod na araw.."
sagot ni Jong-soo.
"Wala palang eksaktong araw yun.."
wika ni Cloud at inilapag na nito ang mangkok nang maubos ang pagkain.
"Kung hindi pa gising si Flakes hanggang bukas.. pwede na kayong mauna.. ako na ang magbabantay sa kanya.."
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the Guardian of Heaven (book 4)
AdventureMatapos mapatay ni Cloudberry si Diablo.. ay lumantad sa kanila ang totoong pagkatao ni Jae-eun. Ano pa kaya ang mga bagay na maibubunyag sa mga magkakaibigan?