Act II : Quest 4

54 3 1
                                    


"Lost Soul"

*** Sa kasalukuyan ***

Pinatawag ni Jong-soo sila Cloud at Flakes kasama na din sila Walter, Yasuhiro at Jin. Nakarating sila sa mansyon ng kaibigan sa oras na alas-9 ng gabi.

"Jong-soo.. bakit mo naman kami pinatawag? Naku naman.. sayang.. may kliyente pa naman ako ngayon.. laki ng offer sakin.."

tanong ni Cloud habang nasa balikat nya ang maliit na kumiho.

"Sakin din.. pina-cancel ko tuloy yung pinapahanap sakin.."

wika ni Flakes.

"Anong hinahanap mo ngayon?"

tanong ni Cloud sa kaibigan.

"Florentine Diamond.. eh ikaw?"

tugon ni Flakes.

"Yung espada ni Attila.."

sagot naman ni Cloud.

"Huwag na kayong magreklamo.. mahalaga ang sasabihin ko.. umalis si Jae-eun kagabi.."

wika ni Jong-soo habang nakaupo ito sa sofa ng kanyang mansyon.

"Huh? Saan naman sya nagpunta?"

tanong ni Yasu.

"Baka naman namasyal lang sya o nagpangahin kagabi.."

sabi naman ni Jin.

"Eh hindi ba delikadong maglalabas sya.. lalo na at minsan na syang nadukot para buksan ang impyerno.."

wika ni Walter.

"Hindi sya namasyal o nagpahangin.. dahil hindi pa sya bumabalik hanggang ngayon.."

sagot ni Jong-soo.

"Haah!? Teka! Alam mo ba kung saan sya nagpunta?"

gulat na tanong ni Cloud.

"Hindi.. pero may nakakita sa kanya na sumama sya isang nilalang.."

sagot ni Jong-soo.

"Anong klaseng nilala? Bampira na naman ba? Baka naman isang halimaw?"

tanong naman ni Flakes.

"Hindi isang halimaw.. kundi isang anghel.."

sagot ulit ni Jong-soo.

Nagulat ang lahat sa narinig at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.

"Kung anghel naman pala.. wala sigurong problema.. dating anghel si Jae-eun.. baka naman kaibigan nya yun.."

wika ni Jin.

"Maaring tama ka.. pero nakakaduda ang sinabi sakin ng nakakita sa kanya.."

tugon ni Jong-soo.

"Sino ba yang nasaksi ng pag-alis nya? Maganda siguro sya na ang magpaliwanag satin.."

tanong naman ni Yasu.

"Halika na dito.. bumaba ka.."

utos nalang bigla ni Jong-soo.

Nakita nilang may bumaba mula sa hagdan ng mansyon isang maliit na nilalang na akala mo ay isang duwende.

"Teka! Dokkaebi yan!!"

biglang sabi ni Cloud.

"Mahal yung magic wand nyan saka magic hat diba?"

wika naman ni Jin.

"Hindi ako nagpunta dito para magbenta ng gamit.."

tugon naman ng Dokkaebi.

Cloudberry and the Guardian of Heaven (book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon