***
Labing dawalang taon ang lumipas
***Kakatapos lang magsara ni Walter ng kanyang maliit na restaurant nang dumating si Flakes at Jae-eun para kamustahin sya.
"Oy Walter!! Kamusta!!?"
bati ni Jae-eun.
"Oh? Kayo pala? Darating pala kayo.. hindi man lang kayo nagsabi.."
tugon ni Walter matapos nyang i-locked ang pinto ng kanyang restaurant.
"Syempre.. supresa nga eh.. bakit kami magpapasabi.."
sabi naman ni Flakes.
"Hehehe.. teka si Yasu at Jong-soo? Hindi nyo kasama?"
tanong ni Walter.
"Ahh.. busy sila.. si Jong-soo kasi nagtayo na ng bahay-ampunan para sa mga bata.. at si Yasuhiro.. sya na kasi ang pinuno ng kanilang angkan ngayon.."
sagot ni Jae-eun.
"Ahh ganun ba.. importante din naman pala ang ginagawa nila.. tara dun tayo sa bahay.."
tugon ni Walter at naglakad ito pauwi.
"Teka.. Walter.. asan ang anak mo?"
tanong naman ni Flakes nang sumunod ito sa kaibigan.
"Ahh.. alam ko naglalaro lang sila ni Seo-yun kanina.. siguro umuwi na sila.."
sagot ni Walter.
"Naku Flakes.. bakit ba hinahanap mo ang anak ng iba diyan.. bakit kasi hindi ka pa mag-asawa?"
nang-aasar na sabi ni Jae-eun.
"Huh? Naku wala pa sa isip ko yan noh.."
tarantang tugon ni Flakes.
"Eh matanda ka na.. kailangan mo ng mag-asawa.."
muling sabi ni Jae-eun.
"Hala!! Sino kayang mas matanda satin!?"
inis na wika ni Flakes.
"Eh ako naman kasi.. bata pa ang itsura ko.. hihihi.."
sagot ni Jae-eun.
"Ah! Sinasabi mo bang mukha na kong lola!?"
iritang tanong ni Flakes at natigilan ang asaran nila nang may nakita sila sa bubong ng mga bahay.
Nakita nila ang tatlong nilalang na tila naghahabulan at nagpapalipat-lipat ng bubong.
"Teka si Seo-yun yun diba? Saka Walter yung anak mo!!"
gulat na sabi ni Flakes.
"Ay Oo nga!! Pasaway talaga!! May pinagmanahan talaga.."
inis na tugon ni Walter at hinabol nila ang mga ito.
"Talaga bang yun yung anak nyo? Ang laki na pala.."
tanong ni Jae-eun.
"Oo.. nakakainis nga ang kulit ng batang yan sobra.. kahit si Seo-yun hindi sya mapasunod.."
sagot ni Walter habang tumatakbo sila.
Mula sa bubong ay hinahabol ng bata ang isang goblin na parang may ninakaw na alahas. Habang tumatakbo ay naglabas ang bata ng isang pana na tila gawa sa isang kulay puting apoy.
Inasinta nito ang goblin at tinamaan ng puting apoy na palaso ang halimaw sa balikat. Nahulog ang goblin mula sa bubong at sinundan ito ng bata sa isang maliit na eskinita.
"Master.. mag-iingat kayo.."
wika ni Seo-yun sa bata.
"Opo.. kaya ko po ito.. goblin lang ito.."
sagot ng batang babae.
"Pakiusap huwag mo kong sasaktan.. ito na yung mga alahas.. hindi na ko uulit.."
sabi ng Goblin.
"Alam mo.. hindi sapat ang paghingi ng tawad.. dapat kang maparusahan.."
sabi ng bata at mula sa kamay nito ay lumabas ang isang kulay puting espadang apoy.
"Teka.. sino ka ba kasi?"
natatakot na tanong ng Goblin.
"Ako si Lime.. at anak ako ng pinakamalakas na nilalang sa mundo!!"
sigaw ng bata at tumalon ito para ihampas ang kanyang espada sa halimaw.
Bigla nalang may dumating at humarang sa bata. Nagulat si Lime, lalo na at nakita nya ang isang malaking pakpak sa likod ng nilalang na dumating.
"Mama?"
gulat na tanong ng bata.
Hinawakan ng nilalang na ito ang espada ng bata para pigilan sa gagawin.
"Liiiimmeee!!! Ilang beses ko bang sasabihin sayo!? Na huwag mong paglalaruan ang Divine Sword!!"
galit na sabi ni Cloud.
"Ah eh.. Mama.. kasi.. nahuli ko syang nagnanakaw eh!"
sagot ni Lime habang nakabitin at hawak din ang espada.
"Master Cloud.. patawad po.. hindi ko sya nabantayang mabuti.."
wika naman ni Seo-yun na malapit lang din sa kanila.
"Haaaaays!! Pasaway ka talagang bata ka!!.."
inis na sabi ni Cloud.
"T-t-teka.. diba isa kang anghel? Anak mo ang batang yan?"
natatarantang tanong ng Goblin.
Biglang tumingin si Cloud sa goblin ng masama.
"Bakit may problema ka ba sa anak ko!?"
gigil na tanong ni Cloud.
"Ah eh wala naman.. kataas-taasang anghel ng langit.."
tarantang sagot ng goblin at napaluhod pa ito sa harap ni Cloud.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka na magnanakaw ulit.. dahil kung hindi.. babalatan kita ng buhay.. maliwanag?"
sabi ni Cloud sa halimaw.
"Ah eh.. Opo.."
takot na sagot ng goblin at mabilis na tumakbo ito paalis.
"At ikaw namang bata ka.."
wika ni Cloud at humarap ito kay Lime.
Natakot ang bata sa titig ng anghel ngunit nagulat sya nang bigla syang yakapin nito.
"Namiss kita anak.. hindi mo ba ko namiss?"
sabi ni Cloud habang yakap ang bata.
"Syempre namiss kita mama!!"
sagot naman ni Lime na yumakap na din sa anghel.
~~~ wakas ~~~
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the Guardian of Heaven (book 4)
AdventureMatapos mapatay ni Cloudberry si Diablo.. ay lumantad sa kanila ang totoong pagkatao ni Jae-eun. Ano pa kaya ang mga bagay na maibubunyag sa mga magkakaibigan?