"What will make you smart, will make you strong"Nakarating si Marcela sa Japan at agad syang nagtungo sa isa sa mga templo sa Shibuya, Tokyo. Sinalubong sya ng isang lalaki na nakatayo sa labas ng templo.
"Magandang araw.. ako si Marcela Reyes.."
bati ng dalaga sa lalaki.
"Magandang araw din.. ako si Masaru.. ang pinuno ng aming angkan.. halika.. ipapaliwanag ko sayo sa loob ang nais kong ipagawa sayo.."
tugon ng lalaki at pumasok ito sa loob ng templo.
Sumunod naman si Marcela sa kanya at naupo sila sa sahig ng isang malawak na silid ng templo. Maya-maya lang ay dumating ang isang bata at naupo sa tabi ni Masaru.
"Ito ang aking anak.. at gusto kong sanayin at turuan mo sya kung paano maging isang malakas.."
wika ni Masaru.
"Naiintindihan ko.. pero bakit ako ang gustong nyong magsanay sa kanya? Hindi ba may mas malalakas na miyembro ng inyong pamilya?"
tanong ni Marcela.
"Oo nga.. pero napakahina kasi nitong anak kong ito.. naisip ko na.. ikaw bilang isang tao.. ay isa ka ding mahinang nilalang.. pero nagagawa mong talunin ang mga katulad naming mas higit na malakas sayo.."
paliwanag ni Masaru.
"Ganun ba?"
tugon ni Marcela at tinignan nito ang batang nakasimangot na katabi ng lalaki.
"Sige.. pumapayag na ko.. pero.. hindi ko mapapangakong lalakas sya.. matapos ko syang sanayin.. sya mismo ang dapat gumawa noon sa sarili nya.."
dugtong ng dalaga.
"Naunawaan ko.. sige na.. maari na kayong magsimula.."
tugon ni Masaru at iniwan na nito ang dalawa.
Tumayo si Marcela at lumapit ito sa bata at muling naupo sa harap nito.
"Ako si Marcela.. anong pangalan mo?"
tanong ng dalaga.
"Hm! Hindi ko ibinibigay ang pangalan ko kung kani-kanino.. lalo na sa isang taong tulad mo.."
mataray na sagot ng bata.
"Ang unang bagay na dapat mong matutunan ay magbigay respeto sa kahit na sinong nilalang.. mas mahina man sya o mas malakas sayo.."
tugon ni Marcela at hindi sya kinibo ng bata.
"Sige.. magsimula muna tayo sa kung anong kaya mong gawin.. para malaman ko kung ano ang dapat ituro sayo.."
wika ng dalaga at tumayo ito saka naglakad patungo sa gitna ng malawak na silid.
"Hindi ko kailangan makinig sayo! Hindi porket inupahan ka ni ama para turuan ako! Ay basta-basta nalang akong makikinig sayo!"
inis na sabi ng bata.
"Ang pagkakaalam ko.. nasa mahigit dalawampung taong gulang ka na.."
sabi ni Marcela at bigla nalang nagulat ang bata.
Agad na sumulpot ang dalaga sa likuran ng bata at sinipa ito. Hindi ito naiwasan ng bata at nagpagulong-gulong sya sa sahig ng silid.
"Tsk! Itsurang bata ka kasi.. kailangan ko tuloy pigilan ang lakas ko.."
wika ng dalaga.
Halos nahirapan namang tumayo ang bata matapos syang tamaan ng sipa ni Marcela.
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the Guardian of Heaven (book 4)
AdventureMatapos mapatay ni Cloudberry si Diablo.. ay lumantad sa kanila ang totoong pagkatao ni Jae-eun. Ano pa kaya ang mga bagay na maibubunyag sa mga magkakaibigan?