"Hope"Nagmadaling pumasok si Mariel sa himpilan ng mga anghel sa langit. Mapapansin ang pagka-inis nito dahil sa masamang balita na kanyang natanggap.
"Anong nangyayari? Sinong demonyo ang nanggugulo ngayon sa mundo?"
mabilis na tanong ni Mariel sa mga anghel na nasa himpilan.
"Ah Madam Mariel.. hindi pa po tukoy kung sino ang demonyo.. masasabing isa itong bagong silang.. pero nagawa na nitong magwasak ng apat na kaharian sa lupa.."
natatarantang sagot ng anghel.
"Ano!? Anong ginagawa nyo? Bakit hindi pa kayo nagpadala ng anghel?"
inis na tanong ni Mariel.
"Nakapagpadala na po kami.. kaso po.. hindi tumagal ng isang minuto ang limang anghel na pinadala namin.."
sagot pa ng isang anghel.
"Tsk! Nasaan si Coretha? Anong ginagawa nya?!"
tanong ulit ni Mariel.
"Nagbabantay po sa hagdan ng langit.."
sagot ng isang anghel.
"Sabihin mo.. magpadala sya ng dalawang pulutong ng anghel.. para puksain ang demonyo.. pupunta muna ako kay Amang Bathala.."
utos ni Mariel at saka ito umalis ng himpilan.
"Opo!"
agad namang sagot ng mga anghel.
Samantala,
mabilis na natanggap ni Coretha ang utos ni Mariel at nagtipon ito ng dalawang pulutong ng anghel na aabot sa bilang na mahigit sa isang daan. Nagpunta sila sa isang kaharian na kasalukuyang winawasak ni Diablo. Habang lumilipad at nagulat si Coretha nang makita nya ang malaking na bumubuga pa ng isang kulay pulang enerhiya na parang apoy at makasama pang kuryente.
"Yan ba ang demonyo? Ang laki nya huh.."
wika ni Coretha.
"Opo Madam.. at napakalakas din po nya.."
tugon ng isang anghel.
"Sige.. palibutan natin sya.. kailangan ko ng labing limang sasama sakin na susugod sa harapan nya.."
utos ni Coretha at mabilis na kumilos ang mga anghel.
Bago pa man makapwesto ang mga anghel ay agad na silang namataan ng demonyo at binugahan sila nito ng kulay pulang enerhiya na may kasamang kuryente. Agad na kumilos si Coretha at isinalag nya ang kanyang kalasag na nagkaroon ng hindi nakikitang harang na may lawak na 15 metrong pabilog.
Hindi lahat ng anghel ay nagawang protektahan ng kalasag ni Coretha at nakita nya kung paano malusaw ang kasama nyang nasa labas ng harang.
"Anong klaseng halimaw sya?.."
tulalang tanong ng anghel nang makitang halos naubos ang kalahati ng kanilang pwersa.
Nagpatuloy sa paglusob ang mga anghel at pinalibutan nila ang demonyo. Iwinasiwas ng halimaw ang mga kamay nito sa hangin at may lumalabas na apoy mula doon. Tumitilapon palayo ang mga anghel na tinatamaan ng apoy at unti-unti na namang nauubos ang pulutong nila.
Mabilis na lumipas palusob si Coretha sa kalaban at inihampas nya ang espada sa katawan nito. Nagulat ang anghel nang hindi man lang nagalusan ang demonyo at hinampas sya ng kamay nito. Nasalag ito ni Coretha gamit ang kalasag at subalit tumalsik pa din sya pabulusok sa lupa.
Maririnig ang mga sigaw ng pagdurusa sa kapaligiran at tila para ka nang nasa impyerno dahil sa kaguluhan. Bumangon si Coretha at muling lumipad para atakihin ang demonyo subalit hindi pa din tumalab ang kanyang sandata sa katawan nito.
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the Guardian of Heaven (book 4)
AventuraMatapos mapatay ni Cloudberry si Diablo.. ay lumantad sa kanila ang totoong pagkatao ni Jae-eun. Ano pa kaya ang mga bagay na maibubunyag sa mga magkakaibigan?