"The Death of Archangels"Natulala ang lahat nang itarak ni Lucifer ang kanyang espada sa dibdib ni Raphael. Unti-unti ding nagbago ang itsura nito. Nagkaroon sya ng dalawang sungay sa ulo at marka ng demonyo sa mukha, at naging itim ang kulay puti nyang pakpak.
"Lucifer? Bakit?"
tanong ni Raphael.
"Tinatanong pa ba yan? Dahil isa na ko sa kalaban nyo.."
sagot ni Lucifer at binunot nito ang espada sa katawan ng anghel.
"Raphael!"
sigaw ni Gabrielle nang makitang humandusay ang kaibigan sa lupa at nawalan ng buhay.
"Lucifer! Bakit!? Anong nangyari?!"
tanong ni Michael dahil hindi ito makapaniwala sa nakita.
"Linawin mo ang tanong mo.. hindi ko alam paano kita sasagutin eh.."
wika ni Lucifer.
Hindi na nakapagpigil si Gabrielle at lumipad ito papunta sa anghel na itim ang pakpak.
"Luci!!"
sigaw nito at inihampas ang espada. Nasalag naman ni Lucifer ang sandata nya habang nakangiti pa.
"Oh? Bakit galit na galit ka? Hindi ako ang pinakamatalik mong kaibigan? Bakit hindi ka nalang kumampi sakin?"
wika ni Lucifer.
"Gabrielle! Umatras ka! Hindi mo sya kaya!"
sigaw ni Michael.
Biglang inikot ni Lucifer ang kanyang katawan at sinipa nito ang anghel. Tumilapon naman sa malayo si Gabrielle at tumama sa isang malaking bato.
"Lucifer! Bakit kailangan mong kumampi sa kanila!?"
tanong ni Michael.
"Ang totoo nyan.. wala naman akong balak kumampi sa kanila.. naisip ko lang.. pinagloloko na tayo ni Bathala.."
sagot ni Lucifer.
"Anong sinasabi mo!? Magbigay respeto ka kay Amang Bathala!"
inis na sabi ni Michael.
"Totoo naman eh.. diba sya ang may gawa ng lahat ng bagay.. bakit gusto nyang ipaubos ang mga demonyo? Hindi ba likha din naman nya ito?"
tugon ni Lucifer.
"Oo! Pero hindi dapat mangibabaw ang kasamaan.."
sagot ni Michael.
"Para saan ba? At nagkaroon pa ng masama at mabuti? Hindi ba pwedeng mabuti nalang lahat?"
tanong ni Lucifer.
"Ginawa ang kasamaan.. para makita at maipamulat satin.. kung gaano kahalaga ang kabutihan.."
sagot ni Michael.
"Kalokohan! Pinaglalaruan nya lang tayo!!"
sigaw ni Lucifer at mabilis itong lumipad palusob kay Michael.
Mabilis namang nabunot ng anghel ang kanyang espada para salagin ang sandata ng dark angel.
"Lucifer.. matalino ka.. bakit ka nagpadaya sa demonyo.."
sabi ni Michael.
"Matalino nga ako.. kaya nga naisip ko na pinaglalaruan lang tayong lahat ni Bathala!!"
sagot ni Lucifer at tuloy-tuloy nyang winasiwas ang sandata.
"Hindi mo nauunawan ang gustong ipahiwatig satin ni Amang Bathala.."
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the Guardian of Heaven (book 4)
AdventureMatapos mapatay ni Cloudberry si Diablo.. ay lumantad sa kanila ang totoong pagkatao ni Jae-eun. Ano pa kaya ang mga bagay na maibubunyag sa mga magkakaibigan?