"Goodmorning president"
"Hi Jasmine"
"Hello President"
Saad nang mga nadadaanan kong studyante. Ako kasi ang president ng Student Council dito sa amin.
"Hello" bati ko sa kanila at nginingitian ko rin
"Ang ganda ganda mo talaga bestfriend. Ang bait at talino mo pa" sabi sa akin ni Clarisa
"Salamat" sabi ko sa kanya at sabay kaming pumasok sa classroom
"Goodmorning President" sabay sabay na sabi ng aking mga kaklase
"Goodmorning" sagot ko
"Bakit ang perfect mo Jasmine? How to be you? " saad ni Chryztine ang nerdy chick kong kaklase
"Just be yourself Chryz" sabi ko at nginitian ko siya.
Maaga aga pa kaya pumunta muna ako ng library at nagbasa. 7 am pa kasi ang start ng klase at quarter to six palang. Maaga yata akong nagising ngayon. Nagbasa lang ako ng mga guiness world records at ibang mga literature books. 6:00 na ng napagdesisyonan kong lumabas. Pumunta muna ako ng Cr para saglit na umihi.
Pagkalabas ko ng cubicle ay naghugas muna ako ng kamay at biglang may pumasok na dalawang studyante..
"Balita ko may transferees daw ah?" sabi ng isang babae na maikli ang buhok.
"Sikat daw sila at galing Japan daw pareho saka parehong gwapo"
Nagigting ang tainga ko sa narinig ko. Agad akong napalingon sa dalawang babaeng iyon.
"Sorry President kung maingay kami" sabi nung babaeng maikli ang buhok. At tumungo sila pareho
"Hindi. Okay lang, itatanong ko lang sana kung kilala ninyo kung sino yung transferees na sinasabi niyo?" pagtatanong ko
"Hindi po President eh" sabi naman nung isa.
"Ah. Salamat nalang" sabi ko saka umalis
Nilibot ko muna ang mga room at chineck kung lahat ng studyante ay pumason na sa kanilang mga room. Pagkatapos ko ay dumiretso na ako sa room
Sino naman kaya yung mga transferees? Galing Japan daw saka parehong gwapo. Kaso kung si Luigi yung isa. Sino naman yung kasama niya?
Tinignan ko ang oras sa aking wrist watch at nakita kong 6:50 na. Antagal ko pala? Dali dali akong naglakad ngunit napahinto ako ng mabangga ang pader. Pagkatingin ko ay hindi pala pader kundi dibdib ng tao ang nabunggo ko.
"S-sorry" saad ko
"Okay lang" sabi noong lalaki at ngumiti pa
Hindi ko na ito pinansin at naglakad na agad ako papasok sa room namin. Pagkarating ko doon ay wala pang teacher. Naupo na ako ng maayos at saka kinuha ang libro sa English. Maya maya pa ay dumating na si Mam Salazar
"Goodmorning Mam Salazar" sabay sabay na sabi naming magkakaklase
"Goodmorning students. You will have a two new classmates.. Makakahabol pa naman sila dahil 2nd quarter pa lang..Saka hindi rin sila madalas papasok dahil mga artista sila tulad ng ibang studyante dito.. Transferees come here and introduce yourselves" sabi ni Mam saka pinapasok ang dalawang transferees
Hell Noooo
Yung dalawang lalaki ay yung nabangga ko kanina saka si.....
Φ
Φ
Φ
Φ
LUIGI!!!
"L-Luigi?" pagtatanong ko
"Kilala mo ako?" pagtatanong niya. At doon na natatapos ang storyang to. Joke. Hindi na niya ako kilala? Pero grabe ang laki ng pinagbago niya.
"Gosh! Bestfriend! Yung ultimate crush mo nagbabalik na!" sabi ni Clarisa...
"Hi. I'm Mark Bautista" sabi nung nabunggo ko kanina saka ngumiti. Nagtilian naman ang nga kaklase kong babae at mga bakla
"Hello. I am Luigi Park" saad naman ni Luigi at marami ding babae ang nagtilian nang ngumiti siya. Gusto ko ring tumili kaso nahihiya ako. Heheh
"Students enough. Umupo na kayong dalawa sa kahit saan niyo gustong upuan." sabi ni Mam.
Umupo si Mark sa harap ko samantalang si Luigi naman ay umupo sa tabi ni Nikka. Tsk! Eto namang si Nikka todo pacute kay Luigi!
Hayst! Kinikilig ako!!!! Bumalik ka nga Luigi."Hi. I'm Mark" sabi ni Mark saka inalok ang kamay niya sakin
"Hi. I'm Jasmine. Sorry nga pala kanina" sabi ko saka tinanggap ko ang kamay niya.
Nagsimula ng magturo si Mam at hindi ako makapagconcentrate! Nakakainis si Nikka. Todo paganda kay Luigi! Nakakainis! Sa sobrang inis ko ay nakinig nalang ako kay Mam. Mas kailangan ko pang makinig kesa tignan ng tignan sina Luigi at Nikka.
Natapos na ang unang subject kaya nag-silabasan na kami.
"Oh pano na yan bestfriend aalis na ako ha" sabi ni Clarisa dahil Science ang second subject niya samantalang ako ay Math.
"Sige. Ingat" sabi ko
Pagkapasok ko sa room ay umupo ako sa may tabi ng bintana. Para mapresko ang hangin.
Ilang saglit pa ay nakita ko si Luigi. Parehas kami ng schedule! Naghahanap siya ng upuan at nakita niya ang upuan sa tabi ko at sa likod ko. Papunta na siya dito ng--
"Pwedeng makiupo Miss President?" pagtatanong ni Justine. Ang heart throb sa amin.
Bawal umupo! Diyaan si Luigi eh!
"Sige" sabi ko
Nakita ko naman si Luigi na umupo sa likod ko. Okay lang naman na dun siya sa likod kaso mahihirapan akong silipin siya!
Hanggang ngayon talaga ay hindi ako makapaniwala na andito na si Luigi.
Kunwari ay lilingon ako sa likod na nagmamaang maangan tapos biglang tititig kay Luigi. Nakatingin siya sa may bintana habang ako'y nakatulala sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang pogi pogi niya talaga.. Tanda ko pa ang sinabi niya dati na
'Walang mangaaway kay Jasmine! Dahil kung sino mang aaway sa kaniya ay ako ang makakalaban!'
Pag naaalala ko yun ay parang naluluha ako. Dati akala mo close kami para sabihin niya sa akin yun pero ngayon parang wala na siyang naaalala? Ano yun amnesia?
"Miss paiyak ka na yata kakatitig sa kin eh" biglang sabi niya saka liningon ako
"Ahh. S-sorry Idol" sabi ko saka bumalik ng tingin sa harap habang pinupunasan ang muntik ng lumabas na luha.
Hayst! Luigi.. Sana maalala mo pa ako. Idol
Fb: Jamilah Dilag Layesa
Insta: @JamilahLayesa
Twitter: @LayesaJamilahPlagiarism is a crime.
YOU ARE READING
An Idol Fell Inlove With A Fangirl
FanfictionAIFIWAF. On-going pa po ito kaya pa support.