Ikalabing-tatlong Kabanata

39 1 1
                                    

Someones POV

"Ilang araw ka na ring wala sa serbisyo ah. Gusto mo pa bang ituloy ang pangarap mo?" pagtatanong ni Daddy

"O-opo dad. Hindi ko po t-tatalikuran ang tungkulin ko." sabi ko naman. Marahil ngayon ay naguguluhan kayo sa mga sinasabi ko at ni Daddy pero mukhang ito na ang tamang araw para malaman niyo ang katotohanan. Pero siyempre di muna ako magpapakilala hehe

"Kailangan mong mapatay si Kristine Javier sa darating na Febrary 14. Oo sa mismong valentines para naman maranasan ni Henry ang sakit ng mawalan ng babaeng pinakamamahal" aniya.

'Oo at nang dahil din diyan sa pagnanais niyo na mapasayo iyang Kristine na iyan ay nakalimutan mong may pamilyang naghihintay saiyo.'

Gusto ko sanang sabihin iyan sa kaniya pero alam kong sa oras na banggitin ko sa kaniya iyan, Mamatay ako. Oo kahit anak ako ni Daddy ay wala na siyang pakielam sa amin ni Mommy. Masyado kasi siyang nagmamahal diyan sa sino nga ba iyon? Kristal? Kristel? Basta iyong babaeng iyon. At Javier nga ba raw ang apelyido? Parang narinig ko na iyong pangalang iyon.

Pinagkasundo lang naman kasi si Daddy at Mommy. Pareho silang may kaya sa buhay pero ang mahal ni Daddy ay maykaya rin kaso hindi naman siya naratapat dito dahil may mahal iyong iba. Hindi tulad ni mommy na mula noong bata pa lamang sila ni Daddy ay mahal na niya ito.

Kasabay naman ng pag kamatay ni Mommy ay ang pagsuko ni Daddy na mapakasamay niya iyong babaeng iyon. At habang kami ay nagdadalamhati sa pagkamatay ni Mommy, Si daddy naman ay gumagawa ng paraan para mamatay iyong babaeng gusto niya. Hindi na raw niya ito nagustuhan dahil buntis na raw ito.

Galit na galit nga ako ng mga araw na iyon sa kanya at hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin siya dahil namatay si Mommy nang walang nakakamit na kahit unting pagmamahal mula kay Daddy. Hindi nga lang ako makalayas dahil may kapatid pa ako, Si Justine.

At kapalit ng karangyaan at pangarap na tinatamasa ko ngayon ay ang pagpatay sa mga taong nais niyang ipapatay. Oo, isa akong mafia at balang araw ako ang magmamana at magiging boss nitong organisasyong ito.

"Hoy ano ba? Nakikinig ka pa ba?!" galit na galit na sigaw ni Dad

"Opo dad" sabi ko. Ni minsan hindi niya pako matawag na anak habang kausap niya ako. Tinatawag niya lang ako na anak tuwing ipapabida niya sa mga ibang mafia ang tungkol sa sikat niyang anak. Tsk.

•••

Sino sa tingin ninyo itong mafia na ito? Comment now.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Idol Fell Inlove With A FangirlWhere stories live. Discover now