Ikalabing-dalawang Kabanata

21 1 1
                                    

Para sa isang tulad ko na nagkakagusto sa isang idolo. Ang sarap sa puso na ang dati mong idolo ay nakikita mo na, nahahawakan mo na at worst nayakap mo.

Pero ako, imbis na matuwa ay nasasaktan pa. Kasi abot kamay mo na nga kaso may mahal namang iba. Iyong tipong idol mo lang pero nasasaktan ka, Idol mo lang pero sa facebook kung makapagsabing akin siya. Kala mo shota ka niya. Idol mo lang siya para sa iba. Pero alam mo sa sarili mo na hindi lang idol yun. Alam mo sa sarili mong may gusto kana sa kanya pero siya. May gusto ba sayo? Ang hirap lang na hindi mutual ang feelings niyo sa isa'tisa.

Ang gulo ba? Hayaan mo na. Mas magulo pa rin ang kung akala mo gusto ka rin niya pero akala mo lang. TANGA!

De joke. Hugot yun hahaha bawal magmura! Good girl toh noh hahaha.

So ang pinopoint out ko dito ay isang lesson lang naman.

HUWAG NA HUWAG KANG MAIINLOVE SA IDOL MO KASI PARA SA KANILA FAN KA LANG! OKAY?

Hindi po ako bitter.

Kristine Javier's POV

HI! I'm Kristine Javier. Ang mother ni Jasmine. Siguro akala niyo sa mga naunang chapters ay ang saya ng pamilya namin noh? Diyaan kayo nagkakamali.

Ang akala ni Jasmine ay only child siya pero hindi. Noong ipinanganak si Jasmine ay may kakambal siyang lalaki.

Masaya ang pamilya namin noon. Inaalagaan namin sila ni Henry, ang asawa ko. Pero isang araw, Noong 1st birthday ng kambal ay nagkaroon ng isang napakalaking trahedya. May grupo daw ng nagngangalang XKRAPX ang lumusob sa bahay namin. Sobrang gulo dati. Maraming nasawi ang buhay. At si Henry ay natamaan rin ng bala sa braso kaya nagkaroon ito ng napakalaking peklat. Pero ang mas masaklap, kinuha sa amin ang isa sa aking napakamahal na anak. Nagdalamhati talaga kami ng sobra. Hanggang ngayon, pinapanalangin namin na sana buhay pa ang aming anak. Siguro naman ay ginamit niya ang tunay niyang pangalan. Dahil regalo namin iyon ni Henry sa kanilang dalawa. Ang kwintas na may pangalang Jasmine para kay Jasmine at Mark para kay Mark.


An Idol Fell Inlove With A FangirlWhere stories live. Discover now