Unang Kabanata

95 37 6
                                    

MAGANDANG UMAGA! Napakaganda naman ng umaga! Kasing ganda ko hehe

Ako nga pala Si Jasmine Javier
Isang simpleng babaeng umiidolo kay Luigi Park..

8 na taong gulang ako noong makita ko si Luigi sa personal. Isa siyang model noon ng kilalang toothpaste dito sa siyudad namin.
Bumisita siya noon sa school namin kaya nakita ko siya sa personal

Naaalala ko pa noong nadapa ako at tinulungan niya akong makatayo at ang mas masaya pa, Nayakap ko siya.. Ayon na yata ang pinakamaswerteng araw sa buhay ko at doon rin nagsimula ang pagkakaroon ko ng crush kay Luigi.

*****************FLASHBACK************

Yes! Makikita ko na ang idolo kong si Luigi!

"Clarisa! Dito ba ang daan nila Luigi?" pagtatanong ko kay Clarisa Natividad kaklase ko siya at idolo niya rin si Luigi

"Oo! Sabi ng manayjer niya dito raw eh!"

"Anong manayjer?! Manager yun!"
Pagtatama ko sa grammar niya

"Ay? Manager ba?"

"Oo. Huwag ka ng maingay at baka papu--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nakita ko na si Luigi na pababa sa malaking puting van.. Marami na ring mga estudyante ang nagsisigaw at nagtitili sa direksiyon ni Luigi

"Ang pogi mo Luigi!!"sigaw ko

Iniintay ko si Luigi na dito dumaan kaso nakita kong sa kaliwa siya padaan at nasa kanan ako!

Mabilis akong tumakbo at pumunta sa direksyon niya. Kaso noong papalapit nako ay hindi ko nakita ang tipak ng bato at nadapa ako. Dahil doon ay maraming studyante ang nagsitawa

"Yan tuloy ang napapala mo Jasmine! Napakalampa mo kasi! Hahaha" pagtawa ni Nikka Versoza. Ang maganda kong kaklase ngunit mataray.

Malapit na akong umiyak noong nakita ko ang isang kamay na nakaabang sa harap ko. At nakita ko si Luigi na iniintay akong kunin ang kamay niya.

Dahil nga kinikilig ako. Hindi agad nagsink in lahat sakin kaya nabigla ako sa sunod niyang ginawa.

What theeeeeeeeee

Binubuhat niya ako!!!!

"Okay ka lang ba?" Pagtatanong niya sa akin. Oo okay na okay!!!!!

"O-oo.. S-salamat ha. Pwede ba-ang p-payakap?" lakas loob na tanong ko

"Oo naman" aniya at yinakap ako

Yinakap ko din siya at maraming studyante and nagtitili.. Enebe! Kenekeleg eke

"Salamat Luigi! Idol na idol kita huhu" sabi ko habang paiyak na.

"Oh? Bat umiiyak ka?" aniya at hinawakan pa ang mukha ko

"M-masaya lang ako"

"Sino man sa inyo! Walang mangaaway kay.."

"Jasmine" saad ko

"Walang mangaaway kay Jasmine! Dahil kung sino mang aaway sa kaniya ay ako ang makakalaban!" sabi ni Luigi sa mga studyante sa amin

"Salamat Luigi. Sana bumalik ka pa dito"naiiyak ba sabi ko

"Huwag kana umiyak Jasmine..Babalik ako dito promise" saad niya

"Iintayin kita ha!" sabi ko

"Luigi tara na! Aalis na tayo!" sabi ng manager niya

"Sige, aalis na kami ha!"  saad niya sabay talikod.

"Ingat ka Luigi!" sabi ko saka kinawayan siya. Itinaas niya pang ang kamay niya pero di siya lumingon.

**********END OF FLASHBACK**********

Simula talaga noon ay naging ultimate crush ko na siya! Hanggang ngayon ngang 18 na ako ay di ko pa nakakalimutan kahit kakaunting senaryo doon. Kahit maraming nagkakagusto sa akin sa mga nagdaang school year ay wala pa rin akong napipili dahil iniintay ko talagang makita uli si Luigi. Nung kabilang year nga ay nais ko sana na si Luigi ay kasama sa 18 roses ko eh.   Balita ko nga ay noong 10 years old siya ay lumipat na sila ng bahay at sa Japan na sila tumira. Hanggang ngayon ay di pa rin sila umuuwi ng Pinas pero sikat na artista na siya doon pati dito. Nakikita ko rin sa Facebook na madaming babaeng sikat na rin ang nagkakagusto sa kanya pero wala pang nababalitang girlfriend niya kaya may pagasa pako. Hindi ko rin sigurado kung naaalala niya pa ako pero pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niya na babalik siya dito.

Sa ngayon, Isa akong grade 12 senior high at nagaaral sa Steinford University. Pribado itong paaralan at marami daw artista ang madalas magaral dito. Iniisip ko nga na baka dito magaral si Luigi kaya sinuggest ko sa magulang ko na dito ako magaral.
Sakto lang naman ang antas ng aming pamumuhay dahil meron kaming sariling restaurant kaya nakakapagaral ako sa kahit saan na gusto ko.
Unica hija ako ng pamilya at wala na silang balak na sundan ako kaya medyo nakakaluwag din kami.

Saka valedictorian naman ako dito kaya medyo nakakadiscount kami sa bayarin.

Pagkababa ko ay nakita ko si Mommy at Daddy na nagaalmusal na.

"Goodmorning Mom and Dad" sabi ko saka nakipagbeso sa kanila.

"Goodmorning anak. Mukhang masaya ang gising natin ngayon ah?" sabi ni Daddy

"Opo daddy. Feeling ko po kasi ngayon na dadating si Luigi eh" saad ko habang nakangiti.

"Anak hindi naman sa pinagbabawalan ka namin ha pero wag ka masyadong umasa na baka bumalik pa yang idolo mo. Hindi natin alam kung may balak pa yung umuwi sa Pinas saka baka nakalimutan ka na noon." sabi ni mommy

"Mom huwag naman kayong nega saka alam ko rin naman yang posibilidad na iyan eh. Hayaan ninyo na lamang po akong umasa na baka dumating pa siya." sabi ko

"It's your choice anak. Sinasabi ko lang dahil sampung taon na ang nakakalipas anak."  ani mommy

"Thanks mom and dad" sabi ko saka yinakap silang dalawa

"Just stay what you are doing anak. Proud naman kami sa iyo saka natutuwa kami dahil nagiging inspiration mo iyang idolo mo sa pagaaral mo" saad ni daddy

"Opo dad. Pagiigihan ko pa po para makakuha ako ng magandang trabaho" sabi ko

"Okay. Tama na ang drama at baka malate ka pa sa pasok mo. Kumain ka na ng marami" saad naman ni Mom

Umupo na ako saka kumain. Ilang minuto lamang at pumasok na ako sa Cr at ginawa ang morning rituals ko.. Nagbihis na rin ako
at pumasok na sa School.

Fb: Jamilah Dilag Layesa
Insta: @JamilahLayesa
Twitter: @LayesaJamilah

Plagiarism is a crime.

An Idol Fell Inlove With A FangirlWhere stories live. Discover now