Ikawalong Kabanata

42 24 3
                                    

IT'S already December 15! Excited na ako para mamaya! Sana magustuhan ni Luigi yung ireregalo ko.

Maaga akong nagising ngayong araw. 6:30 pa lamang ng umaga.

Christmas Ball iyon kaya magaganap pa ito mamayang 6 pm. Dahil maaga pa, naisipan ko na mag-jogging muna. Tutal wala naman akong gagawin dito eh. Yung mga nagdaang araw ay parang normal na araw lang. I mean, dahil andito na si Luigi akala ko magugulantang na ang mundo ko. Na tulala ako lagi sa kanya, istastalk ko siya. Kasi siya ang idol ko matagal na. But i proved it wrong. Siguro masyado na akong nagseselos kapag nakikita ko si Nikka at Luigi na mag kasama kaya eto ako. Parang wala ng pakielam sa kanila.

At isa pa, Naging ka-close na naman ni Clarisa si Mark. Tuwing magkakasama kaming tatlo, feeling ko third party ako. Minsan nga gusto ko na lang mapag-isa kasi parang sagabal ako sa loveteam ni Clarisa at Mark. Halata kasing inlove na inlove si Clarisa kay Mark. Lagi niyang hinahanap-hanap ito.

Someone's POV

Bakit hindi na niya ako kilala? Marahil sampung taon na ang lumipas simula ng huli kaming nagkasama. Jasmine, ipapaalala ko sa iyo kung sino ako. Gagawin ko lahat para maalala mo ako. Dahil mahal kita Jasmine. Matagal na pero mahirap isipin na may gusto kang iba.

Sana pag naalala mo lahat mahalin mo na rin ako. Dahil alam mong simula't sapul may gusto na ako sa iyo. Sinikap kong yumaman para sa iyo. Para sa pagbalik ko, diretso altar na tayo. Pero hindi ko aakalain na pagbalik ko, iba na ang gusto mo. Sabagay, dati ako lang naman ang may gusto sa iyo. Mag kaibigan tayo pero hindi mutual ang feelings natin sa isa't isa. Pero gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako.

Jasmine's POV

Bago bumaba ay ginawa ko muna ang morning routine ko. Naligo na rin ako at nagsuot lang ng nike na hoodie ,shorts at rubber shoes. Nagdala na rin ako ng head phones para hindi nakakabagot at syempre, pocket money.

Pagkababa ko ay nakita ko si Mommy na kumakain.

"Oh anak. Saan ka pupunta?" tanong ni Mom

"Magjojogging lang po ma."

"Sige. kumain ka muna para hindi ka agad mapagod" aniya

"Okay po" saad ko saka kumain.

Unti lang ang kinuha kong kanin at ulam dahil baka di ko agad madigest.

"Huwag kang masyadong magpagod ha." sabi ni Mom at tumango lang ako.

Pagkalabas ko ay malamig na simoy ng hangin agad ang sumalubong sa akin. Pagkapunta ko sa Park ay marami agad akong nakikita na nagjojogging den. Yung iba ay studyante rin sa Steinford University at binabati naman nila ako.

Alas otso ako natapos magjogging at napagdesisyonan kong pumunta sa lake. Yung lake kung saan madalas kaming pumunta ng bestfriend kong si Ark.

Nasa walong taong gulang rin ako ng makilala ko si Ark. Isa siyang batang naglalangoy dito sa lake noon. Nakita ko siyang nalulunod noon at dahil marunong naman akong magswimming ay nasagip ko siya. Noong araw na iyon. Imbis na magpasalamat siya dahil niligtas ko siya ay nagalit pa siya sa akin sabi niya pa nga ay:

"Hoy masyado kang pakilamera ng buhay! Alam mo bang gusto ko ng mamatay? Pero dahil sa ginawa mo eto ako ngayon at humihinga pa! Hindi mo kasi alam ang problemang pinagdadaanan ko ngayon!" aniya.

Pero hindi ako nagalit sa halip ay sinabihan ko siya ng:

"Hindi sulosyon ang pagpapakamatay para lang matakasan ang problema. Akala ko noon ay ang pagpapakamatay para sa nga problema ay isang napakatapang na desisyon pero habang tumatanda ako ay nalaman kong ang mga taong ganoon ang desisyon ay mga duwag. Porket may problema ka tatakasan mo nalang? Ginawa talaga iyang problema para malagpasan hindi para takasan. Be Strong. Don't let that struggles ruin your life. Sa halip maging malakas ka. Wag kang susuko dahil ika nga nila ay after a storm is a rainbow" mahabang paliwanag ko. Akala ko sasagot pa siya pero niyakap niya lang ako. Ramdam kong umiiyak siya kaya pinatahan ko siya.

Pagkatapos ng senaryong iyon ay lagi ko na siyang kasama. Nalaman ko na ang problema pala niya ay namatay ang mga magulang niya dahil nasunog ang bahay nila.At ngayon kung saan saan na lang siya tumitira. Medyo nagulat nga ako nun dahil para sa batang tulad niya ay baka magpakamatay nga talaga ako. Pero dahil sa mga sinabi ko nagpakatatag siya. Gusto ko sana siyang patuluyin sa bahay kaso ayaw naman niya. Kahit daw lumuhod pa ako ay hindi siya papayag dahil sobra sobra na raw ang tulong na ginagawa ko sa kanya.Nalaman ko rin na Ark pala ang pangalan niya. Actually, hindi niya sinabi ang tunay niyang pangalan pero tawagin ko nalang daw siyang ark dahil yung sinabi ko daw na after a storm is a rainbow ay naalala niya ang storya ni Noah sa biblia. Diba Noah's Ark yun? Kaya ayun. Ark ang gusto niyang tawag ko sa kanya dahil related daw naman yun sa tunay na name niya. Madalas din kaming tumatambay na dito sa lake noon.

Pero bago ang huli naming pagkikita ay may sinabi siya sa akin. Sinabi niyang may gusto daw siya sa akin pero ako sinabi kong hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Hindi siya nagalit at ngumiti lang siya. Yung ngiting parang nagsasabi na

'Mali ang naging desisyon mo'

At pagkatapos non,Nalaman ko na lang na umalis na siya rito at sa Japan na tumira. Sabi ng mga dating kakilala niya ay may umampon daw sa kanyang Hapon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita. I wonder kung ano ng itsura niya. Baka kutis Japanese na rin siya. Feeling ko nga galit siya sa akin dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya eh. At worst. Baka iyon ang naging dahilan kung bakit umalis siya eh.

Sana Ark magkita pa tayo dahil ikaw ang una kong naging kaibigan. At sana sa pagbalik mo, hindi na ako ang gusto mo.

Wow asumera ba? Haha malay ba natin kung ako pa rin ang gusto niya? Haha

Pagkatapos kong magemote ay umuwi na tin ako sa bahay.


Fb: Jamilah Dilag Layesa
Insta: @JamilahLayesa
Twitter: @LayesaJamilah

Plagiarism is a crime.

An Idol Fell Inlove With A FangirlWhere stories live. Discover now