"DON'T be so hard in yourself" saad ng lalaking nasa harap ko. Pagkatingala ko nakita ko si Mark.
"Bat ka andito?" pagtatanong ko
"Hmm, Naggagala kasi ako tapos nakita kita. So tinawag kita.. " paliwanag niya.
"Ahh--wait naggagala? Hoy! School hours ngayon at gumagala ka? Baka gusto mong maguidance ah?" sabi ko
"Bakit ? Ikaw din naman ah?" aniya oo nga no?
"Student Council President ako kaya pede ako dito." pagdadahilan ko. Wait! Did i just say that?!
"Pathetic reason.. Don't use your power to empower others. Hindi porket mas nakakataas ka sa iba ay gagamitin mo yan para makalamang." mahabang paliwanag niya
"Alright. I know, i just can't understand wh-- arghh!!! Naramdaman mo na ba na maghintay ng matagal para sa taong let's say na gusto mo tapos bigla siyang babalik at sasabihing kapangalan mo yung nagugustuhan niya?" tanong ko
"Hmm, Hindi pa pero may advice ako sayo. Kung mangyayari yan sa akin, I will just keep the fact that the one i like likes other girl. Saka diba sabi mo kapangalan mo yung nagustuhan niya? Malay mo ikaw pala yun hindi ka lang niya naalala?" sabi niya
Natigilan ako sa huli niyang sinabi
"P-Posible ba yon? " tanong ko
"Oo pero wag ka masyadong umasa ha? I'm just stating possibilities.."aniya
"Alam ko..hmm, Tara na. Dahil sa mga sinasabi mo di na kita irereport" saad ko at tinulungan niya akong makatayo
"Ahh Mark?"
"Yes?"
"Thanks" sabi ko saka nginitian siya.
"Your welcome.. So can i be a friend?"
"Oo naman" saad ko saka kami nagkatinginan at sabay na natawa
Mukhang nagkakasundo kami ni Mark.
Pagkabalik ko sa room ay hindi pa rin tapos ang mga kaklase ko sa pagsagot sa binigay ni Professor. Grabe namang kahirap para sa kanila yan? Umupo muna ako at nagbasa na lang.
Siguro nga kailangan kong lumayo sa kaniya pero pano? Eh first day pa nga lang nila dito.. Bahala na.
Pagkatapos nilang magsagot ay umalis na kaming lahat at nagtungo sa next subject. Kasama ko parin si Luigi. So pano ako makakapagmove on dito? Hayst bahala na nga. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating naman ngayon si Mam Mercado ang teacher namin sa Science and siya ang aming adviser.
Magsasalita na sana si Mam ng biglang may kumatok sa room namin. Pagkabukas ay nakita ko si Bryan, Ang Vice-President ng Student Council.
"Goodmorning Mam, I have to excuse Ms Javier for a meeting." sabi niya kay Mam Mercado
"Okay. Jasmine you can go out now." saad ni Mam saka ako pinatayo. Tinignan ko muna saglit si Luigi at nakita ko siyang nagbabasa. Umalis na rin ako at sumama kay Bryan.
"Mukhang upset ka ngayon ah?" tanong niya
"Hmm hindi naman"sabi ko
Sa Principal's Office daw kami magmemeeting
Pagkapasok namin ay umupo na agad kami.
"So kaya ko kayo pinapunta dito dahil magkakaroon tayo ng Christmas Ball." saad ni Principal Navrioza.
"Any suggestion kung paano ito gaganapin?" tanong uli Principal
Nagtaas naman ako ng kamay dahil may naisip ako.
"What if magkakaroon lahat ng students ng kanilang partners? And because it is a Christmas Ball yung mga partner nila ang kaexchange gift nila?" opinyon ko.
Lahat naman sila ay pumayag.
"Great idea Ms President but paano naman natin masisiguro na lahat magkakaroon ng partner? Paano yung mga choosy?" tanong uli ni Principal
"Hmm, Maaari tayong gumawa ng punishment sa mga hindi makakahanap ng partner. Para sa akin kasi, If magkakaroon tayo ng ganitong idea ay mas mapapalalim pa natin ang friendship ng mga studyante dito sa Steinford University." paliwanag ko
Nakita ko naman si Principal na pumapalakpak
"Bravo Ms Javier! You are so Intelligent. Deserving ka talaga sa rank mo ngayon. So payag ba kayo sa suggestion niya?" saad ni Principal
Lahat naman sila ay umoo kaya ayun na nga ang gagawin namin para sa Christmas Ball.
"And for the punishment may suggestion din ba kayo?" tanong ni Principal
Tumaas naman si Bryan ng kaniyang kamay. Remember Vice President siya. At Salutatorian
"Dahil nga Christmas, Yung mga walang partner ay magbibihis ng kahit anong Christmas Characters. Sa ganitong way naman maipapalakas ang confidence ng isang studyante." aniya
"Perfect! Maganda rin ang idea ni Bryan. So kailan naman natin iyan isasagawa?" tanong uli ni principal
"Edi sa December 15 nalang po kaya? Para hindi pa busy sa simbang gabi." sabi ni Stephanie.
Pagkatapos noon ay pinaalis na kami sa Principal's office at pinabalik na kami sa kanya kanyang room.
Fb: Jamilah Dilag Layesa
Insta: @JamilahLayesa
Twitter: @LayesaJamilahPlagiarism is a crime.
YOU ARE READING
An Idol Fell Inlove With A Fangirl
FanfictionAIFIWAF. On-going pa po ito kaya pa support.